Chapter 8

4.5K 147 1
                                    

After that incident at the library, tulad nga ng sinabi sa sulat, hindi na namin nakita si Joan, pati na rin 'yung kambal.

We tried na puntahan ang bahay ni Joan pero wala na raw ang mga tao doon. Nagsi-alis na daw noong nalaman nila na wala na si Joan.

Nagawa naming mahanap ang contact number ng mga magulang ni Joan, but not the twins. Nangialam pa kami ng mga papel sa office. Pasalamat nalang kami for the second time, hindi kami nahuli.

We called the number at sinagot iyon ng Mama ni Joan. We said our condolences and asked where did they found Joan. Hanap daw sila nang hanap noong gabi na 'yon. They searched for her sa buong school. Lahat ng staff and official sa school ay pinagtanungan na nila, pwera daw sa bagong Janitor na ipinalit doon sa pinatay. The next day daw, tumawag ang school to inform them na they found two bodies in the Janitor sa sa stock room noong naglilinis siya doon.

They left Philippines na daw for good. Joan is cremated.

Napakabata pa nila. Ang sakit sa puso. Sana talaga matapos na 'to, kung withdrawal ko lang sa school na 'to ang sagot, I will do it. Pero hindi pwede. Bayad na kami ano. Ang mahal ng tuition at hindi kami ganoon kayaman.

Naglalakad ako sa hallway. Tama, naglalakad. Hindi na ako tumatakbo gaya noong mga nakaraang araw. Ikaw ba naman matakot pa sa isang hallway lang. Mas natatakot ako kay 'A' ano.

Habang naglalakad ako, nakarinig ako ng nagtatawag sa pangalan ko. Tawag ng isang beki.

"Uy Kyla! wait lang." Sigaw ni Alex. Classmate ko. Kilala ko na silang lahat. I'm good at familiarizing.

"Bakit?" Masungit king tanong.

"Sungit mo naman. Sabay na tayo, sandali na lang naman lalakarin eh."

Ano pa bang magagawa ko eh sa isang room lang naman kami pumapasok.

Sabay kaming pumasok sa room. Parang nagulat silang lahat nang makita kami ni Alex na sabay.

Aba itong mga 'to mga malisyoso. Ma-issue. Tsk tsk.

Nagsimula na silang magbulangan na parang hindi ko naririnig. 'Pag tapos nilang magbulungan, nagtawanan naman sila. 'Di ko alam kung epekto ba 'to ng mga nangyayari ngayon. Feeling ko nababaliw na sila.

"Ang we-weird niyo! Manahimik nga kayo." Iritable kong sigaw sa kanilang lahat. Parang hindi naman din sila nagsasabay-sabay pumasok. Hay nako.

"Mas weird kayo." Sabay-sabay nilang sabi sa amin. Ay taray, choir ata sila?

Ano 'to napagplanuhan nila? Gosh! Mga weirdo talaga. Mga mapang-urat.

'Di ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa pwesto ko sa tabi ni Maria.

"Hoy bakla ka, anong meron?" Pagusisa sa akin ni Maria.

"Ha? Anong anong meron? Walang meron."

"Wow, deny pa more. Anong meron sa inyo ni Alex? First time kong nakita kayong magkasama."

Mukhang mali ata na dito ako umupo, parang gusto kong lumipat ng upuan.

"Wow naman, nagkasabay lang kami sa pagpasok, issue agad. Nagkita lang kami sa hallway, kaya nag sabay na kami."

"Hindi man lang natin nakita si Joan." Nabalot naman ng lungkot ang mga mukha niya.

"Don't worry, she's in a better place now. Ang mahalaga, malayo na sila sa kapahamakan. Safe na ang pamilya niya kasama ang mga abo niya."

"Oo nga."

Dumating na ang teacher namin. Naupo na kami ng maayos upang makapakinig kami.

Nag-discuss lang siya ng ilang gagawing activities for the whole week.

"One more thing class, we will have a camping, this coming Saturday. Lahat kayo ay obligated na sumama, dahil marami tayong activities to do. Kaya walang a-absent."

"Pero Ma'am how about the issue about our section. About the killings? It's too dangerous." Tanong ng isa naming kaklase. Tama siya, kung sa liblib na lugar 'yon, mas lalong delikado dahil para na rin naming ginawang pain ang sarili namin sa kapahamakan. Mas madali siyang makakagalaw at mas madali niya kaming mauubos.

"Siguro naman hindi sadya na sunod-sunod ang mga killings. Co-incidence lang ang mga 'yon." Sabi ni Ma'am na parang katiting na kaba ay wala siya. "So forget about it. Ang 'wag niyong kakalimutan ay ang camping at 'wag aabsent like I said. Class dismiss."

Paano kung may mapatay uli? Hindi ba talaga sila nagiisip? Wala man lang silang malasakit? Grabe.

Bahala na lang sa Sabado.

Dumating ang break time pero wala ako sa mood kaya nagpaiwan ako sa room at natulog nalang. Free time naman na daw at wala na daw next subject.

Nagising ako nang may tumapik sa likod ko. Si Maria.

"Uy, good morning hahaha." Tignan mo 'tong baliw na 'to.

"Plans mo para sa camping?" Tanong niya sa akin.

"Iyon nga eh, parang ayoko sumama. Natatakot ako eh. Naiisip ko mga pwedeng mangyari."

"Huwag kang mag-alala, magkakasama naman tayo eh. Sumama ka na. For sure magiging masaya 'yon. Saka para naman sa grade natin 'yun eh."

"Hay nako. Bahala na talaga sa Saturday. Ba't naman kasi biglaan."

"Ganoon talaga dito. Halika na umuwi na tayo."

Sabay kaming umuwi ni Maria. Kami nalang pala ang natira kanina doon sa room.

Pagkauwi ko, nilista ko na mga dadalhin ko para hindi ako magmamadaling magpack.

Still, hindi mawala sa isip ko yung sulat, at yung camping. Ayoko pa mamatay.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now