Chapter 27

2.8K 80 12
                                    

Third Person

Nagsimula nang sabihin ni Anne ang kaniyang mga plano. Kahit na pa ang iilan sa kanila ay hindi interesado dahil gusto lang nila mag relax sa ngayon. Sila Kyla, Maria, at Joyce naman, nakinig lang sila sa mga sinasabi ni Anne. Sumasang-ayon naman sila sa mga plano at nagkakasundo. Lingid sa kaalaman nila na sila pala ngayon ay pinapanood ng mga kung sino.

Someone

Hindi kami tanga at hindi kailanman. Kung sa tingin nila maiisahan nila kami, nagkakamali sila. Better na maghanda handa na sila. Kung ayaw nilang maunahan namin sila.

We'll be wiser than you think we'll ever be. You will never catch us.

Joyce

Tahimik kaming nakikinig sa mga sinasabi ni Anne. Maganda ang nabuo niyang plano. Sumang-ayon naman kaning lahat pwera kila Alex. Mga ayaw maki-cooperate. Bahala sila.

Nasa kalagitnaan si Anne nang pagkukwento nang bigla siyang tumigil.

"Bakit ka tumigil?" tanong ni Drake. Akala mo naman nakikinig siya. Hay nako.

"Sandali lang, may narinig akong kaluskos," Inikot niya ang mga mata niya. "Nandito sila. Alam kong nandito sila." sabi niya na bigla kong ikinikaba.

"Pa'no mo naman nalaman na nandito sila aber?" ma-attitude na tanong ni Alex. Kahit kailan talaga 'tong mga 'to. Parang hindi kaibigan. Tsk.

"I just saw them," malumanay niyang sabi "Nahagip sila ng peripheral vision ko. Nandoon sila sa may punong malaki, 'wag niyong titig—"

Huli na bago niya masabi na 'wag naming titignan.

Agad akong tumingin sa gilid ni Anne kung nasaam ang dine-describe niyang puno. May tao nga. Nagmadali silang tumakbo sila nang makita nilang tinititigan ko sila. They have masks on. Don't worry, soon, we'll know who you are. For now, magpasalamat kayo kay Anne dahil hindi niya pa nirereveal sa amin kung sino kayo.

Parang naduduwag naman sila ngayon. Hiding behind masks huh. Old fashioned criminals. For now, may hula na ako kung sino kayo. Hindi lang pala hula. Kilalang kilala ko na sila.

Anne

Nakita ko na naman sila. Pang ilang beses na ito. Though alam ko na kung sino sila, hindi ko muna ire-reveal dahil gusto kong sila Maria talaga ang makakita. Para naman hindi nila masabing nagbibintang lang ako.

Hindi ko pa rin alam kung bakit nila nagagawang pumatay? Wala naman akong natandaan na merong may gumawa sa kanila ng kasalanan. Ako naman kasi may dahilan. From now on, I'll check their backgrounds. Malayo kasi ang loob ko sa kanila, tanging itong group of friends ko lang ang sinasamahan ko. Though sila Maria, medyo close sa mga iba pa naming kaklase.

Drake

Sobrang naiistress na ako. Dumagdag pa 'to si Anne. Hindi man lang ipinagpabukas 'tong meeting na 'to. Sinukuan ko na lahat ng nangyayari at nag go with the flow nalang ako. Kung mamatay, edi mamatay. Hindi ata naiintindihan na nandito kami para mag relax, hindi para lalong mag-overthink.

"Sandali, itutuloy ko na." sabi ni Anne. Mapabuntong hininga nalang ako. Ayoko muna magsalita. Hindi ko nalang siya papakinggan. It's all nonsense to me naman. Ang mga babae talaga ayaw magpapigil.

Kyla

"Okay here's the plan, importante para sa atin na laging may kasama, since hindi nga lang iisa ang perpetrator. Kailangan lagi tayong magkakasama. We can go by 3s or better lahat tayo. Hindi tayo maghihiwa-hiwalay kahit sa class hours. Lalong lalo na 'pag nag lunch break na since pwede silang umatake dahil walang masyadong tao. Kapag break time na, hindi muna tayo sasabay sa bungkos ng mga estudyante. Itry natin maiwan muna sa loob nang room tulad ng gawain nila and then hintayin natin na makalabas lahat. 'Pag nakalabas na lahat, let's act na parag pupunta sa canteen. But, here's the catch, magtatago tayo sa room na nasa bukana ng hallway. In other words, iso-stalk natin sila. It's better this way. Para na rin makita niyo kung sino sila at nang hindi niyo ako sabihan na nagbibintang lang. Last time, I installed little cameras sa mga bag nila. I have a monitor. I can also here what they're talking about," pinutol ko ang mga sasabihin niya at nagtanong. 

"Where did you buy all of that ha?" nagtatakang tanong ko. "Girl, you can buy anything online now." natatawa niyang tanong. 

"To make it short, wherever we go, we should stay close with each other. Walang hihiwalay. Do you agree to follow my plans?" pagtatapos niya.

"Sige, we'll follow the plan." sabi ko naman.

This is the start. Babalik na sa dati ang lahat.

Ilang oras na rin ang nakalipas simula  nang dumating kami rito. Madilim na rin ang kapaligiran. Delikado na rin dahil nga sobrang gabi na. 

"Hindi pa ba tayo uuwi? Anong oras na oh. Baka hinahanap na rin tayo ng mga parents natin." sabi ko.

"Oh siya tara na." Aya ni Drake.

Pumasok na kami sa van. Nang naka settle na kami, pinaandar na ni Drake ang makina at nag drive pauwi.



Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now