Chapter 24

3.4K 87 6
                                    


Kyla

Ayoko nang mai-stress, ayoko na mag overthink, 'yan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Pero hindi ko talaga mapigilan. Bigla nalanh magpa-pop out sa utak ko lahat. Mga tanong, pag-aalala at takot.

Nag announce na rin na they're giving us this week para mag prepare para sa retreat since next week na ang retreat.

No choice ako. Tulad noon sa camping, nagaalinlangan ako kung sasama ba ako o hindi. Kaso, required. Kapag hindi sumama, walanh grade. Precious Hillton! Ano na? Ganito nalang ba? Walang aksyon? Lalo niyo kaming nilalagay sa kapahamakan sa totoo lang. If I can just burn y'all, I would do it.

Ano pa man, kailangan kong ihanda ang sarili ko sa kung ano man ang posibleng mangyari. 

Kung sa lugar man na iyon ako matutuluyan, better na maghanda talaga ako



Drake

Parang may galit ata ang Precious Hillton sa amin o sadyang wala lang talaga silang konsiderayon at walang pagpapahalaga sa mga estudyante nila? Lahat kami ay nagdadalawang isip. Sasama ba kami o hindi? Pero siyempre ang sagot diyan, sasama. Required kasi. Pero hindi man lang ba nila naisip kalagayan namin? Takot kami at the same time nasa risk kami. Kapag may masama namang nangyari sa amin, 'di naman papanagutan ng school. At eto pa, mamamatay ka na, may fee pa. Nakakapang-galaiti 'yang PHU, kung hindi lang dahil sa grades, hindi na kami sasamang magbabarkada, 'pag kami napahamak, sana naka ready na silang magsara dahil malamang sa malang, mangyayari iyon.

Marami na ang nag-transfer sa school dahil sa mga balitang kumakalat sa social media na mayroon daw 'laro' na nagaganap sa loob ng school. Which is yung killings. How insensitive. Napaka-exciting daw. Well, if they were in our shoes, maeexcite kaya sila? Gusto pa nilang mapunta sa section namin. Kung naeexcite sila mamatay, suite themselves. Walang pipigil sa kanila. Lahat ng nangyayari sa school, especially sa section namin, sikreto lahat. Hindi ko alam kung bakit may nagpakalat noon.

Alam namin ang mga ginwa ni Anne. Bilang mga kaibigan niya, siyempre hindi namin sinuportahan ang ideya niya 'yon. Pero katawan, isip at desisyon niya 'yon. It's all up to her. We know what and who she would kill. Hindi kasali sa listahan si Jerich at Ma'am Fajardo. It is really possible na may isa pang killer na uubos sa amin. Panigurado.

Nakita ko noon si Kyla na nagtapon ng trash bag. Nagkausap kami. May mga sinabi siya sa akin na hiniling niyang 'wag nang ipasabi para hindi raw siya makadagdag pa sa problema. Wala sa plano na manakot through letters and text si Anne. At lalo na ang mga daga at pusa na natagpuan ni Kyla sa kwarto niya.

The last killer or 2 killers carved the letters 'J' and 'A' sa katawan ng biktima nila. Killing party ba 'to at may nag joined forces? Tapos kami ang pinupulaan? Kung sino man siya o sila, sunduin na sana sila ni kamatayan ngayon na. Mauna na sila. Mahirap pagtagpi-tagpiin lahat ng puzzle piece nitong kaso na ito madali lang siguro para sa mga professional investigator pero malabo kung ordinaryong tao ang magso-solve nito, katulad namin. We can't hire investigators since madadamay siya pati na rin pamilya nito.

"Pare, tulala ka na naman sa kawalan. Ano or sino ba iniisip mo? Si Maria 'no?" Natatawang tanong ni JM sa akin. Sarap sapakin eh.

"Tanga! Maria ka diyan. Iniisip ko kung tutuloy ba natin ang pagsama sa retreat o hindi. Aminin man natin o hindi, alam kong takot rin kayo."

"We can stay home naman pero gusto natin matapos ng pag-aaral on time 'di ba? And kapag hindi tayo sumama, wala tayong grades na matatanggap and isa pa, paano sila Maria? Protektahan natin sila. We're all in this together 'di ba?"

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now