Chapter 5

5.4K 163 2
                                    

"Kyla, kasi...ang totoo niyan, ikaw palang ang nagta-transfer sa school na 'to. You were the first to move in this town. Ikaw pa lang, kayo palang ng pamilya mo ang lumilipat sa weird town na 'to. Dito na ako lumaki alam ko ang kwento ng buong lugar na 'to. This town is weird. If I were you, babalik na lang ako kung saan ako nanggaling."

Umawang ang labi ko dahil may gusto akong sabihin pero walang lumabas sa bibig ko. I'm so confused. Like kami palang ang unang lumipat sa lugar na 'to and I'm the first to transfer? Pero bakit noong first day? Ang sabi noong babae, 'bago na naman' hindi ko maintindihan. Binalot kami ng katahimikan.

Ilang sandali pa at saka ako nakapagsalita.

"What?! I'm confused. How? Can you tell me what the hell going on?"

"I can't really tell you. Even if you beg me I will not tell you."

"What? Bakit naman."

"I just can't. Kahit ipilit mo at kahit na gustuhin kong sabihin sa'yo, hindi pwede kasi nandyan siya. Alam kong nandyan lang siya sa paligid at nagmamasid sa atin and if I tell you what is going on and if I tell you the truth, I'll be the next one to be killed."

Hindi ko na kinakaya ang mga impormasyon na nalalaman ko. Kailangan kong malaman ang puno't dulo nito. Kung ako ba tlaga ang dahilan at may sumpa ba talaga.

"You know what, I'll just find it out myself."

"No. You can't just do that by yourself. It's too dangerous. Isa pa, mahirap. It's too hard to find out. Saka ko nalang sasabihin sayo kapag pwede na. We'll just wait for the right time. We wait. Okay?"

"Okay. Let's go back."

Bumalik na kami sa room pagkatapos ng lahat ng nangyari, sobrang nakakagulo ng isip. I just wanted to go back. Grabe ang daming tanong sa isip ko.

Bumalik na ako sa upuan ko, medyo magulo pa rin ang situation sa labas. Hindi namin sinabi kahit kanino ang nakita namin. Hindi raw pwede. Hayaan daw namin na higher officials ng school ang makakita. Its prohibited to just barge in the office dahil walang tao doon except sa bangkay ni Ma'am Garcia.

May meeting ata si Ms. Tiu kaya natagalan sila. I'm hoping na makita na nila yung bangkay kasi binabagabag talaga ako.

"Huwag mo nang isipin ang mga nangyari kagabi at kanina. Lalo ka lang mag-iisip." Napalingon ako at nakita ko kung sino ang nagsalita. Ang president namin dito sa room.

"Pa'no mo naman nalaman na ayon ang iniisip ko?"

"I just know, kasi its too unusual for you. Pero bilib ako sa'yo, parang 'di ka natakot na nakakita ka ng bangkay."

"Anong hindi? Eh baka nga mahimatay ako."

Wait, nakita rin ba niya na may pinatay? Pano niya nalaman?

"Wait, how did you know?"

"Know what?"

Naalala ko na bawal pa lang sabihin sa kahit na kanino ang nakita namin kanina. Pero kasi, ba't niya nalaman?

"Wala, wala."

"Sorry sa pangiistorbo, balik na ako sa upuan ko."

Nilabas ko nalang ang mga libro ko at nagreview. Baka sakaling may exam. Para makasagot ako. I'm not really a bright student. Average lang, but I do my best para magkaroon ako ng honor bilang pasasalamat sa paghihirap ni Mama para sa akin.

Ilang oras na ang nakakalipas pero wala pa rin si Ma'am.

Saktong pasok naman niya.

"Okay class, let us continue our discussion."

Buti naman, para naman maiwas ko na sa isipan ko ang mga nangyari kanina.

Tumagal din ng isang oras at kalahati ang discussion.

"Sandali lang class, pinapatawag ako sa office. Wala munang aalis."

Mag-iintay na naman kami hays.

Ilang sandali pa at dumating na si Ma'am, a smile is written on her face.

"It seem na madadagdagan na naman kayo."

Nandilat ang mga mata ko sa narinig ko. Ipinalibot ko ang mga mata ko sa classroom. Tila hindi lang ako ang nagulat sa sinabi ni Ma'am. Napuno ako ng pangamba at takot. Gayon din naman silang lahat. Napatingin ako kay Maria. Ganoon din ang ekspresyon niya.

Nag hand gesture si Ma'am na parang may tinatawag sa labas. Agad namang pumasok ang mga ito. Hindi lang isa ang dadagdag sa section namin, kundi dalawa sila.

"Okay class, please greet them as a sign na welcome sila rito sa atin."

We all stood up and greeted them with forced smiles. Hindi maipinta ang mga mukha namin dahil ramdam ko ang tension.

"I would like you all to meet your new classmates, This is Ms. Mary Layne Perez and Mr. John Maynard Perez."

Shits are about to happen and we're all doomed to death.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now