Chapter 4

5.6K 180 0
                                    

Pagpasok namin sa office, wala na kaming ibang nagawa kundi ang sumigaw na lang. Nakakakilabot.

We all froze at what we saw.

"AHHHHHH!" Sabay-sabay naming sigaw nila Joyce.

"S-si M-ma'am G-garcia." Takot at nauutal na sabi ni Joan.

"What the heck happened to her? Oh my God. Who could possibly do this." Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nakita ko.

Si Ma'am Garcia isa sa mga teacher namin, naliligo na siya sa sarili niyang dugo. Ginilitan siya sa leeg at may markang letter A sa noo, wala na din siyang dila. Lumapit kami sa monitor ng CCTV pero its no use na dahil sira na yung CCTV. Hinanap namin kung may files or footage pa pero wala na din. Pinagplanuhan itong mabuti at halatang wais ang pumatay sa kaniya.

"H-halika na u-umalis na tayo dito! Bilisan natin." Sigaw ni Joyce sa amin na naguusisa pa rin.

"Come on, let's go." Ani ko.

Nagmamadali kaming lumabas ng office para bumalik sa room. Feeling ko babangungutin ako sa pagtulog ko. I just saw a dead person, bathing in her own blood. Its my first time seeing a murdered person and its horrifying just to even think about it. Tumatayo lahat ng balahibo ko.

Pagkaalis namin sa office hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko yung nakita kong kalagayan at sinapit ni Ma'am Garcia. Bakit naman siya pinatay? Who did it? Was it planned ahead of time? Matagal na bang may balak na pumatay sa kanya. Napaka daming tanong ang nabuo sa isipan ko.

Bigla kong naalala si Kuyang Janitor na pinatay rin kagabi lang.

Is it possible na iisa lamang ang pumatay sa kanilang dalawa? Bakit naman sila papatayin? May pinagkakautangan ba sila? Out of frustration and curiosity, napasabunot nalang ako sa sarili ko sa dami ng bumabagabag na tanong na nabuo sa isipan ko, nakakatakot. Natatakot ako. Not only for myself, but for everyone.

Matagal rin pala akong natulala. I spaced out.

"Kyla." Tawag sa akin ni Maria.

"Yes?" Medyo gulat kong tugon sa kaniya.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman. Bakit mo naman natanong?"

"Para kasing dala mo ang buong mundo dahil sa expression mo."

"May iniisip lang ako."

"Asus. Crush mo? Boyfriend mo? Problema sa lovelife?"

"Ano ka ba, hindi."

"Marami lang ang tanong na nabuo sa isip ko. Dahil na rin sa mga nangyayari ngayon. Bago ba ako pumasok dito, may mga nangyayari ba na mga ganitong bagay?"

"Ang totoo niyan, wala. Tahimik lang ang school."

"Sa tingin mo iisa lang pumatay kay Ma'am Garcia at kay Kuyang Janitor?"

"Hindi naman siguro. It can be a co-incidence lang. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala lang. Naisip kasi ko yung sinabi mo sa akin kanina, na ako yung sinisisi nila sa nangyari kagabi. Bakit nila nasabi 'yon? Paano nila nalaman na ako? Ba't ako ang sinisisi nila gayong wala akong alam." Tanong ko dahil naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

Nababagabag ako ng iba't ibang pakiramdam at napakadaming tanong ang nabuo sa isipan ko. Bakit ako ang sinisisi nila? May pruweba ba sila? Or is it connected sa lahat ng sinabi sa akin ni Maria noong first day ko? Is it because of the curse ng 9-15 na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis or kahit kailan ay hindi napatunayan na totoo? Mababaliw ako kakaisip ng pwede nilang maging dahilan. Ayoko nang mag-isip pa. Second day ko palang, napakagulo na. Tama ang kutob ko, magiging mahaba itong school year na ito para sa akin.

"Maria, sagutin mo ang mga katanungan ko. Hindi ako mapalagay eh. Feeling ko mababaliw ako."

She stayed silent. May alam siya, alam ko na may alam siya.

"Maria please, hindi ko maintindihan eh. Sagutin mo naman mga tanong ko, ayokong mahirapan."

"Ah..... eh..... kasi Kyla..."

"Maria, just spill it, no one will know. Tanging ako lang naman ang makakarinig kaya please lang. Sabihin mo na. I'm begging you."

"Kyla, kasi..."














Itutuloy...

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now