Chapter 19

2.8K 93 2
                                    

Kyla

"May hindi ba kayo sinasabi sa amin ha? Alex? Malilintikan ka sa'kin sinasabi ko sayo, magdasal dasal ka na sa lahat ng santo at santa na kilala mo." Rinig kong dire-diretsong pagsasalita ni Maria.

Unti-unti akong dumilat.

"Ayan nagising na siya ang ingay ingay niyo kase." -Drake.

"Alex, wala ba talagang nangyari?" -Joyce.

"Put*!, wala nga ba't ba ang kulit niyo ha?!" -Alex.

Hay nako 'tong mga 'to talaga.

Napansin kong wala ako sa kwarto ko. The walls are painted white. Masakit sa mata. Is this heaven? Who the hell am I kidding? I hear my friends so we're definitely in hell.

"Ky! okay ka lang ba?" Tanong ni Maria sa akin.

"Sa tingin mo hindi ako okay?" May pagtataray na tanong ko.

"Sabi ko nga okay ka." Sabay irap ni Maria.

Biglang bumukas ang pinto na ikinabigla namin. Doctor pala. Hindi kasi kumatok. Pero kinakabahan ako sa mga sasabihin niya. Baka may brain tumor or something. Lord 'wag po muna. Gusto ko pa po tumagal sa lupa.

"So Doc, why did she passed out? Ano pong lagay niya?"

"Okay naman siya. Too much thinking and stress lang kaya she passed out. Konting pahinga lang muna then puwede na kayong umuwi mamaya."

"Thank you po. Ayon naman pala eh. Over thinking lang 'to saka stress. Oh ano na nga pala ang nangyari kila Ma'am Fajardo? Kumusta sila?"

"Nakauwi na sila tayo nalang ang hindi pero naayos na namin ang mga gamit at pwede na tayong lumabas."

"Okay."

Masama talaga pago-overthink but hindi ko iyon maiiwasan lalo sa sitwasyon na 'to. I, we deserve a break from all of this tiring sh*t.

Naghintay lang kami ng ilang oras the we payed our balance.

"Oh ano? Ayos na ba ang lahat? It's getting late. We need to go." — Drake

"Yup everything's good. Let's go."

Pumasok na kami sa van and then Drake started the engine.

"How many hours 'til we get home?" Pagtatanong ko.

"It depends on the traffic." Tugon ni Drake.

We really need to look after each other. We cannot trust everyone around us. It's sad and scary.

Kinabit ko na lamang ang earphones ko at nakinig sa music. Para naman makatakas muna ako sa realidad. What if, hindi nangyayari talaga lahat ng ito? What if isa lang 'tong masamang panaginip at nahihirapan lang kaming gumising? Isa itong malaking bangungot. Gusto kong takasan.


Habang binabaybay namin ang daan pauwi, parang may kung anong nakita ako. Para bang isang pangitain. Hindi ko na lamang pinansin iyon at natulog nalang.


Maria

Kapag nakikita ko talaga 'to si Kyla, napapaisip ako. Minsan naitatanong ko sa sarili ko, ano kayang tumatakbo sa isipan niya. Her vibe is different. Hindi naman siya weird looking. She's very bright. Pero the way na isipin niya lahat ng bagay, kakaiba. Akala mo parang nakaplano na lahat ng gagawin niya para lang matapos niya yung parang goal or mission niya.

If only we knew sooner. Hindi sana mangyayari itong lahat.

Napatingin ako kay Kyla. Aba ang ate niyo, tulog na naman. Akala mo naman puyat na puyat. Halos kagiging niya nga lang. Pagod much?

"Hoy! Bakit ang tahimik niyo naman? 'Di ako sanay na ganyan kayo." BIglaang pagputol ni Drake sa katahimikan.

"Bakit? Ano naman kung tahimik kami? Masama bang tumahimik? Ayaw mo ba no'n? Peaceful." Bwisit na pagsagot ko sa kaniya.

"Alam mo ikaw, tatanda ka ng maaga. Napakasungit mo. Sama ng ugali mo sa akin. 'Di ka magkakaasawa niyan. Sige pagpatuloy mo 'yan." Pagsagot niya pa.

"Bakit? Sino bang nagsabing magaasawa ako ha?"

Wala na siyang naisagot. 'Wag mo kasi akong uumpisahan. 'Di ko alam ba't ko nagustuhan 'tong asungot na 'to. Ayan tuloy, may love-hate relationship kami.


"Guys may naisip akong katarantaduhan," pagsisimula ni JM. "Remember na may ginagawang kanal doon malapit kila Kyla?"

"Oo. Bakit anong meron?" Tanong ko.

"Why not prank Kyla? Ihulog natin siya doon sa kanal. Siya lang tulog sa atin so siya lang yung hindi nakarinig HAHAHA."

Malala na talaga 'to.

"Sige, g ako." Pagsang-ayon ko.

"So paano natin gagawin?" Tanong ko.

"Well, Drake should park near sa kanal then paunahin natin siyang bumaba. One of us shoul act na kailangan na talagang bumaba dahil nac-cr na. Then itutulak siya ng bahagya para ma-shoot siya." 

Napaka dimunyu talaga namin. 


Kyla

Nagising ako sa lakas ng tawanan nila. Ako lang pala yung tahimik na natutulog dito sa loob ng van. 

"Ang ingay niyo naman! Ano ba yung pinagtatawanan niyo ha?"

"It's nothing. You can go back to sleep now." - Alex

Tinaasan ko siya ng kilay kasabay ng pagsaludo ng middle finger ko sa kaniya. Mukhang may binabalak silang masama sa akin.

Subukan lang nila at makakatikim sila ng kurot mula sa akin. Sinusumpa 'kong makakaganti rin ako.



Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now