Chapter 23 (Short Chapter)

3.2K 104 7
                                    

Kyla


Medyo lumiwanag na ang lahat sa akin nang malaman ko ang katotohanan. Ang pag-amin ni Anne at ang sikretong hindi pwedeng isiwalat galing kay Maria.

Ngayon, kailangan naming malaman kung sino ngayon ang nagtatngkang ubusin kami.

Hindi ko sinabi sa kahit na kanino ang mga sinabi nila sa akin, lalo na ang sikreto ni Anne. Masama man pakinggan pero kailangan. Humingi lamang siya ng hustisya, sa hindi nga lang magandang paraan.

"Hay nako, sinabihan nang 'wag pumasok, pumasok pa rin. Tss." Biglang nagsalita si Alex. Pabalik na kasi kami sa room. May mga police rin kanina rito para mag-imbestiga sa para linisin lahat ng nagkalat na dugo sa siyempre, ang katawan ni Ma'am.

Lumingon ako para sagutin siya. Lakas ng loob eh. "So whta? Ano namang pakialam mo kung pumasok ako ako ngayon? Masama ba? Saka bakit? Ano ba kita ha?" Mataray kong sabi. Porket umamin na siya sa akin, wala pa rin siyang karapatan dahil hindi naman kami at saka hindi naman niya ako pag-aari.

"Psh, pumasok na nga tayo." Sabi niya sa akin sabay hila sa kamay ko. "Aray ano ba?!" sigaw ko. Pinandilatan niya lang ako. Inirapan ko nalang siya.

Agad akong umupo sa upan ako, kasabay noon ang pagpasok ng bago naming teacher.

"Hello, good afternoon to all of you. I'm your the new teacher. So alam naman nating wala na si Ma'am Fajardo, ako na ang papalit sa kaniya. Hindi ko pa alam kung permanent ako or panandaliang substitute lang," panimula niya. "By the way, I'm Ms. Salazar. To start, I have an announcement. Since may mga nangyayari ngayon, all competitions are cancelled. Sorry, hindi muna kayo makakabawi sa ngayon. Pero malay niyo, biglang mag announce na  binabawi na nila ang desisyon. Next, magkakaroon tayo ng isang activity. Outside the school, again. Lahat rito ay involved. Buong school ay kasali. Since every year, nagkakaroon tayo ng Retreat Tradition, kung saan ay pupunta tayo sa lugar na peaceful at makakapagisip tayo ng mabuti and lastly, to reflect, appreciate and forgive those who are around you. The retreat will take place sa isa sa mga sikat na retreat place sa bansa. We will go to Baguio. The school arranged us sa isang bahay na tanging mga care taker lang ang nakatira. Since pupunta tayo doon, bibigyan nila tayo ng privacy but we can call them when we are in need of help."


I raised my hand. "Yes miss?," tanong niya. "Miss Reyes po Ma'am. I would like to ask if lahat po ng students dito sa school na sasama sa retreat ay doon po sa bahay na iyon magii-stay?" Pagtatanong ko. I am thinking na kapag ganoon ang mangyayari, there will be no killings since napakadami namin at saka kami lang naman yung puntirya niya o nila, mahihirapan siyang hanapin kung sinu-sino ang mga nasa 9-15.

"Hindi. Since hindi naman tayo kakasiya lahat sa iisang bahay, bawat section sa isang grade level ay magkakahiwalay-hiwalay ng place pero sa vicinity lang din ng Baguio. Like us 9th Grade, section 15, doon tayo lumang bahay na sinasabi ko then sa ibang section naman sila let's say na sa isang camping grounds sila  dahil doon sila naka assig. Ganoon ang mangyayari, isang section isang bahay." We're doomed again.

"Okay po, Ma'am."

"Now, may tanong pa ba? If wala na, I'll start the lesson."

"Wala na po Ma'am." we said in chorus.

Nagsimula nang mag-lesson si Ma'am pero hindi ako makapag-focus sa mga sinasabi niya. Parang pumapasok ito sa kabilang tenga at lalabas sa kabila. Parang preoccupied na naman ako. Again, I'm thinking. Iniisip ko na naman ang mga posibleng mangyari sa retreat na iyon. Susundan kaya nila kami? Well it is obvious na they will dahil noong camping nga nasundan nila kami. Pero I am hoping na safe kami sa retreat na iyon. Gustuhin ko mang hindi sumama, malamang sa malamang, pasasamahin ako ni Mama.


I am hoping for the best.


Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now