Chapter 35

2.1K 56 7
                                    

Kyla

Nang mapansin naming marami ang nawala, parang kaming pinagbagsakan ng langit at lupa. Parang napakabilis nila. Dalawa lang naman sila pero bakit kung kumilos sila parang marami sila? Naupo nalamang kami. Wala naman kaming magagawa eh. Hindi naman kami mga superhero. We are minors. Sino ba naman kami 'di ba?

Hindi kami nakakain kakaisip sa mga kaklase namin. Ang ibang seniors naman parang wala lang sa kanila. Balik sila sa kaniya kaniyang upuan. Nagsayawan pa nga.

"Hindi kaya marami sila?" Tanong ko. Gulong gulo na ang isip ko. Kailangan ko ilabas lahat ng thoughts ko.

"Iyan din ang iniisip ko. Imposible lahat ng 'to. Ganoon lang kabilis? Hindi kapani-paniwala." Sabat ni JM.

Pinanood nalang namin ang ibang mag slow dance. Ayaw naman namin magsaya dahil sa sitwasyon namin. Lahat kami rito at risk. Tinatamad tamad pa kami. Tulala na iba sa amin. Ang iba inaantok na.

Natapos ang prom ng wala sila. 'Di naman na kaya ng powers namin hanapin sila dahil siguradong wala sila sa vicinity. Napakautak ng walang hiyang murderer na 'yon. Ke bata bata pa psycho na.

Napagpasiyahan nalang namin na sabihan ang mga pulis. Sila na ang bahala sa lahat. Kahit man lang bukas mahanap sila. Naawa rin kasi ako sa mga magulang nila. Walang idea sa pinagdadaanan ng section namin. Mahirap paniwalaan, oo, pero hindi rin naman imposibleng may mga ganitong pangyayari hindi ba?

Napagpasyahan na namin umuwi. Bawal naman kaming uminom dahil minors pa. Seniors lang pwede since legal na ang iba sa kanila. Hating gabi na rin. Sobrang dilim na ng paligid.

Umuwi kami ng down na down dahil wala man lang kaming nagawa para sa kanila. Nawalan na naman kami ng mga kaibigan na tinuturing na naming parte ng pamilya.

1:00 a.m. na nang makauwi kami. Hindi na umuwi sila Maria sa kanila. Wala rin naman parents ko at saka sa kanila ako ipinaubaya. Wala namang pakialam si Shai sa akin. Baka nga hindi rin umuwi 'yon at nakitulog nalang sa mga kaibigan niya. Nagdala naman sila Maria ng pampalit kanina. Babantayan daw nila ako. Eto ba yung tinatawag nilang slumber party ha? Charot. Medyo malaki naman kwarto ko kaya dito na rin sila matutulog. Inakyat nalang nila lahat ng gagamitin nila. Bago ako umakyat, inilock ko muna ang gate at pintuan sa palibot ng bahay. Binaba ko rin lahat ng blinds tapos pinatay ang ilaw maliban ang ilaw sa living room. Tama nga pala ako, hindi umuwi si Shai.
Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Initisan ko silang kuhain 'yung extrang mga foam sa master's bedroom para doon sila matulog at hindi sa lapag lang. Nagbura na ako ng make up, ganoon rin ang ginawala nila Maria. Pagtapos no'n nauna akong pumasok sa c.r. para maglinis ng katawan at magpalit ng pantulog.

Walang nagsasalita ni isa sa amin. At shock pa rin ata kami. Nakaayos na kami lahat para matulog. Nakahiga na kami pero tulala.

"Ano na kayang nangyari sa kanila?" Pagbasag ni Drake sa katahimikan na bumabalot ngayon sa kwarto ko.

Walang sumagot sa amin. Siguro ay iisa lang ang mga nasa isip namin.

Napagpasyahan ko na matulog. Mag uumaga na rin. May pasok pa kami bukas. Bago ako matulog, nag-pray muna ako. Ipinag-pray ko lahat. Nagpasalamat ako na buhay pa ako. Higit sa lahat, humingi ako ng proteksyon at siyempre ng tawad. Sana naman bukas may balita na kami tungkol sa kanila.

Biglang pumasok sa isip ko ang retreat. Nakalimutan ko na ata na inaantok na ako. Naisip ko kung kailangan pa ba na sumama kami sa kabila ng lahat ng nangyayari ngayon. Kaylangan pa bang sumama,sa kabila nang lahat nang nangyayari?


"Hoy Kyla! Tayo na diyan. Baka ma-late tayo."
Hindi ko alam kung sino ba ang gumising sa akin. Pagdilat ko, nasilaw ako sa sinag ng araw. Ako nalang pala ang nandito.

Bumangon na ako. Dahil hindi kami nakakain kagabi, naramdaman ko na nagugutom ako. Bumaba ako para tignan kung meron pang pagkain sa ref pero ang naabutan ko iba.

Nakita kong nagluluto si Drake at Maria. Agang landian naman no'n. Ayaw pa mga umamin. Alam ko naman na. Lumabas naman ako sa sala. Nakita ko ang magjowang naglilinis. Napatingin sila sa akin, nag thumbs up naman ako sa kanila tapos nginitian sila. Si Anne naman daw saka si JM namili. Hindi ko alam sa dalawang 'yon kung ano ang binili. Si Alex daw naliligo na.

Umakyat ulit ako at ginawa ang daily routine ko. Nag skin care lang muna ako. Mamaya na ako magaayos pagtapos kumain. Naalala ko na naman 'yung kagabi kaya nag browse muna ako sandali para tignan kung meron nang balita sa mga kaklase namin. Wala.

Bumaba na ako para mag-almusal. Ako nalang pala hindi naka-uniform. Pano nagsiligo itong mga 'to? Ang bibilis naman.

Umupo ako sa harap ni Joyce at katabi ko naman si Maria at Anne.

Tahimik lang kami habang kumakain. Pero agad namang binasag ni JM ang katahimikan.

"Ano na kayang nangyari sa mga iyon? Baka naman nakaligtas sila kaya wala pang balita tungkol sa kanila?"

"Malay natin." Sabi ni Maria.
Patapos ko kumain ay nagpunta ako ng c.r. para magtoothbrush. Naglagay na rin ako ng light make up saka nag uniform.

Pagbaba ko ay naka ready na sila at ako nalang ang hinahantay.

Lumabas na kami at sumakay sa van. Tahimik lang kami buong van sa buong biyahe.

Like usual, sa parking kami dumiretso. Sabay sabay kaming naglakad papasok.

Huminto ako sa may gate at tumingala, naglabas ng buntong hininga.

"We met again Precious Hilton University. Ano na naman ang gagawin mo sa amin sa araw na 'to?"

Nakita ko na malayo na sila kaya't hinabol ko na sila papasok.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now