Chapter 20

2.8K 95 9
                                    

Maria

Malapit na kaming makauwi at hindi na rin kami makapaghintay dahil excites kaming gaguhin ang butihin naming kaibigan. Wala eh, ganito talaga kami magmahalan HAHAHA. Humudyat na si JM kaya't sinimulan ko nang um-acting na parang nasusuka na dahil naka-car sick na ako.

"Oy ano? Matagal pa ba? Nasusuka na ako eh."

"Malapit na tayo kalma ka lang diyan. Aabot ka HAHAHA." Tugon ni Drake sa akin.

Bilang katabi ko si Kyla at bago ako bumaba ay siya ang mauuna."

Natigil na kami sa tapat nila Kyla kung saan malapit yung kanal na tinutukoy ni JM.

It'll start in 3. 2. 1.

"Kyla bilisan mo na kung ayaw mo sukahan kita dyan." Pagkukunwari ko.

"Eto na sandali lang naman. Inaayos ko pa gamit ko."

"Susukahan talaga kita."

"OKAY FINE. Babalikan ko nalang."

At habang dahan dahan siya bumababa, sumigaw ako.

"Hindi ko na kaya. Gusto nang lumabas." Pagtapos no'n ay tinulak ko siya. Na out of balance siya at na-shoot sa kanal.

Sabay sabay kaming nagtawanan. 

"Caught that on video." ani ni Anne.

"NAPAKA DEMONYO NIYOOO." sigaw niya.



Kyla

Sabi na eh. Duda ako sa mga demonyong 'yon eh. Ang mga walanghiya, ako pa napagtripan, porket ako lang yung tulog kanina. Kaya pala tumatawa ang mga hinayupak na iyon. Potek na 'yan,  naitulak pa nga ako sa kanal.  Umuwi akong duguan ang paa dahil nagasgas sa bato, umuwi rin akong mabaho dahil sa sobrang lakas ng pagtulak sa akin ay hindi lang ako na-shoot muntikan pa akong magswimming, putek ayoko na mapagtripan. 

"Sabi na eh, duda ako sa mga hayop na mukha niyo eh. Ang sakit no'n ah!" Ang laki ng sugat na natamo ko mula sa pagkaka-shoot ko doon sa kanal. Kung bakit ba naman kasi 'di pa tapusin 'tong paggawa nito eh. Napakasama naman ng araw na 'to.

Pumasok ako sa van para kuhain lahat ng gamit na naiwan ko dahil sa bruhang Maria na 'to.

Paglabas ko ay sinalubong ako ni Joyce.

"HAHAHA okay ka lang ba?" Tanong ni Joyce. 'Tong hinayupak na ito, nagtanong pa.

"HAHAHA OKAY KA LANG BA," sarkastiko kong tugon. "HINDI BA HALATANG HINDI AKO OKAY? ANG SAKIT NUNG SUGAT OH. KITANG NAGDUDUGO. IKAW ITULAK KO DIYAN EH."

"Gamutin na natin 'yang sugat mo." Ani ni Maria.

"Hindi, ako na. Masyado nang gabi kaya magsiuwi na kayong mga traydor. I can manage."

"Sure ka ha?"

"Oo, sige na."

"Okay sige una na kami HAHAHA. Sorry HAHAHA. SIge, magpahinga ka. 'Wag ka kaya munang pumasok bukas para makapapahinga ka ng maayos." -Maria.

"Papasok ako. Ayokong may ma-miss na lesson."

"O sige, mauna na kami. Hinatayin ka nalang namin bukas ah."

"Sige, mag-iingat kayo."


Isa-isa na silang nagsipasok ng van. Pinulot ko naman lahat ng gamit ko. Nang umandar na ang  makina nito, nag-wave ako sa kanila.

Nang hindi ko na sila matanaw, saka ako pumasok ng bahay. Naabutan ko sa sala si Daddy saka si Mama.

"Kumusta naman ang camping niyo?" Himalang may lumabas na mga salita galing sa bibig niya.

At kahit na ayokong magsalita, sinagot ko pa rin siya as a sign of respect. "Ayos lang naman po."

"Oh, akala ko ba sa Saturday pa ang balik niyo? Parang napaaga ata. Ni abiso mula sa school ninyo, wala." Pagsasalita naman ni Mama.

"Ma, gustuhin ko man pong ikwento sa inyo pero hindi ko pwede sabihin. Napakahaba po baka abutin tayo ng next year," pagbibiro ko. "Aakyat na po ako para magpahinga." Pagpapaalam ko.

Dali dali akong umakyat para magamot sugat ko. Buti na lang at hindi nila napansin ang duguan kong paa, pati na rin yung amoy ng kanal na sumama sa akin. Nasa last na hakbang na ako nang matisod ako. Pumutok ang labi ko. Napakagaling. Ang saya naman ng araw na 'to. Nang marating ko ang kwarto ko, nagpunta kaagad ako sa cr at naligo. Pagtapos ko ay kinuha ko ang betadine na nasa cabinet na pang first aid. Nilagyan ko lang ay yung sugat ko mula sa kanal. Pagtapos ay lumabas na ako. 

Patalon akon nahiga sa kama ko. Natulala nalang ako sa kawalan. Nagmuni-muni saglit. 

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagkabukas ko, bumungad ang isang text message mula sa hindi kilalang number. Nagdasal muna ako bago ko buksan iyon. Malay mo palang sa killer 'yon galing diba?

From: Unknown

Magpahinga ka na. Sige ka baka mabinat ka niyan. 'Wag ka munang pumasok bukas baka makasama sa'yo. Take care. Ily.

Uh wtf? Sino kaya 'tong hangal na 'to? Hindi naman pwedeng sila Maria dahil naka-save sa akin ang mga number nila or they are pranking me again.  Ang kapal ng mukha ah. May pa ily pang nalalaman ang baliw. 

Bwisit na nga ako sa araw na 'to, lalo mo pa akong bwinisit.

Nireplyan ko na rin siya.

To: Unknown

Who are you? Don't bother to text me again. Au revoir.

Hinintay ko kung magrereply pa ba siya oh hindi. Kating-kati rin kasi ako mambara ng tao dahil napakaganda ng araw na ito para sa akin.

Inabutan na rin ako ng antok kaya hindi ko na hinintay pa.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now