Chapter 30

2.4K 78 12
                                    

Maria

Dumating nga ang kinagabihan na hindi namin siya nahanap. Hindi pa naman namin pwede ilapit sa pulis dahil alam naming sasabihin lang nila na maghintay ng 24 hours baka sakaling bumalik. Hindi namin kaya maghintay ng ganoon katagal. Hindi nila nalalaman ang nangyayari sa amin. May banta sa buhay namin. Nanganganib kami.

Napadasal nalang ako dahil hindi ko na din alam ang gagawin ko. Hindi man ganoon pa katagal pinagsamahan namin, I treat her as a sister. She's so innocent and kind of clueless.


Nagising na lang ako sa lakas ngnalarm clock ko. Agad kong tinignan ang cellphone ko. Baka sakaling nag iwan si Kyla ng message pero sadly, wala. Ayoko namang isipin na may nangyari na sa kaniyang masama. Hindi pwede.

Na-stress ako nang mapatingin sa kalendaryo. Prom na pala namin ngayong araw pero mukhang malabo na sumama kami. Ayaw naman namin magsaya habang nawawala ang kaibigan namin. Kailangan namin siyang mahanap ngayon.

Hindi pwedeng matapos ang araw na 'to na hindi namin siya nahahanap. Baka mabaliw mga magulang niya kakahanap sa kaniya.

I'm looking forward pa naman sa prom dahil baka once lang namin 'to maranasan.

Kyla

Nagising nalang ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa isang maliit na butas sa may bintana.

Nadismaya ako nang makita kong nandito pa rin ako. Akala ko panaginip lang 'yon.

Nakita ko na rin kung nasaan ako. Nasa isa nga akong bodega. Ang dumi. Puro mga kahon na may lamang lumang gamit. May mga kaunting upuan na sira na at mga desk na hindi na ginagamit. Alam kong narito pa rin ako sa loob ng PHU.

"SHIT!" Napasigaw ako nang makakita ako ng daga. Tila nagulat rin ang hayop sa sigaw ko kaya tumakbo ito palayo.

Inisip ko kung anong araw na ba ngayon. Nanlaki ang mata ko nang maalala ko na ngayon na pala ang araw ng prom namin. Gustong gusto ko pa naman pumunta pero mukhang malabong mangyari iyon. Habang narito ako, wala akong kayang gawin. Nakatali ako kaya hindi ako gaanong makagalaw. Pero habang maliwanag, hindi ako matatakot.

Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng silid. Nang may nakaagaw ng atensyon ko. Parang pamilyar sa akin ang nakapatong sa isang mesa.

"Cellphone ko." Pabulong kong sabi sa sarili ko. Kita mo nga naman ang pagkakataon. Naiwan niya yung cellphone ko.

Not today satan, not today.

Pero napaisip ako. Paano ko iyon makukuha eh hindi nga ako makatayo.

Nag-isip ako ng paraan.

Dumapa ako at gumapang na parang uod. Tinulak ko ang sarili ko gamit ang mga paa ko.

Nang makarating ako sa mesa, gumawa ako ng paraan para makatayo ako.

Binuksan ko ang cellphone ko gamit ang baba ko. 5% nalang kaya nagmamadali ako. Binuksan ko ang contact at tinawagan kung sino man ang mapindot ko.


Calling Joyce...







Joyce

Naglalakad ako nang maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Dali dali kong kinuha ang phone ko para makita kung sino ang tumatawag.
Pagkabukas ko ay nagulat nang makita ko kung sino iyon. Adrenaline rush. Madali ko itong tinanggap.

Hello? Kyla! Nasaan ka?! Kahapon ka pa namin hinahanap! Nasaan ka at pupuntahan ka namin.

(Alam kong nasa loob lang ako ng school pero hindi ko alam kung saang parte. Nasa bodega ata ako.?

Kilala mo ba kung sino nagdala sa 'yo diyan?

(Hindi ko din alam. Tanging naaalala ko lang lumabas ako ng sira tapos ayon paggising ko nandito na ako.)

Saan ba 'yan? Idescribe mo at hahanapin ka namin.

(Madilim rito, sarado mga bintana, puro ka—)

Kyla? Nandiyan ka pa ba? Kyla?

Bigla nalang naputol ang linya. Kailangan ko silang tawagan nang malaman nila.

Nagchat nalang ako sa groupchat ng barkada.

GC

Joyce: You will not believe this. Kyla called me. Puntahan niyo ako dito sa science building. As soon as possible. Kailangan natin siyang hanapin.

Nakita kong na-seen na nila kaya naghintay ako sa science building.
Ilang minuto lang ang lumipas nang makita ko silang tumatakbo papunta sa lugar ko.

"Nasaan daw si Kyla?" hinihingal na tanong ni Maria.

"Wala akong idea. Pero may sinabi siya. Sabi niya, nasa isang bodega daw siya tapos sa loob madilim. Alam niya raw na nandito soua sa PHU."

"Paano naman siya napunta doon? May nagdala ba sa kaniya? Sabi niya magbabanyo lang siya? Paano nangyari 'yon?" Dire-diretsong tanong ni Anne.

"Ang tanging natatandaan lang daw niya ay lumabas siya ng c.r. tapos ayon daw, pagdilat niya naroon na siya." Pagpapaliwanag ko naman.

Napalingon ako kay Alex. Parang may kung ano siyang binubuo sa utak niya. At tama nga ako.

"Alam ko na kung nasaan siya." Kalmadong sabi niya

"Saan?" sabay sabay naman naming tanong sa kanya.

"Ang sabi niya nandito lang siya sa PHU 'di ba? At alam kong hindi rin sila makakalabas dahil lahat ng gate ay may nagbabantay na guard. Hindi ko alam kung saan siya eksakto pero madali nating siyang mahahanap."

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now