Chapter 6

5.6K 160 13
                                    

Maraming ideya ang nabuo sa akin. Pero isa lang ang namayagpag. We're doomed. Really doomed. Napaka awkward ng araw na ito para sa akin, para sa amin. Takot kami pero hindi namin dapat ipahalata.

Masama ang pagbibintang pero hindi ko 'yun maiwasan. Lalo na at maramung nangyayari ngayon na unusual para sa akin.

"Hey, Kyla are you with us?" tanong ni Maria. Napabalikwas ako dahil nagulat ako sa biglaan niyang pagtatanong.

"What?"

"Ang sabi ko ang nawe-weirdohan ako sa mga bago nating kaklase. Grabe mag-kambal pala sila. Baka naman-" Pinutol ko ang sasabihin niya dahil alam ko na kung saan mapupunta yung usapan. Ganoon din ang iniisip ko pero mali iyon.

"Maria, nakakapagduda rin pero 'wag muna tayong magbintang dahil hindi pa natin alam kung ano ang totoo."

"Nakakapagduda pa rin. Pero sige, dahil wala pa tayong alam, hindi pa rin ako magtitiwala." 'Yan nalang ang nasagot ni Maria.

Bumalik na ulit si Ma'am at nagturo ulit, malapit lang ang upuan nila sa amin. Pre-occupied pa rin ang isip ko. Sila ang sumunod sa akin na nag-transfer sa school na ito at hindi rin pwede na hindi sila pagbintangan tulad ng ginawa sa akin. Mayroon ding posibilidad na may kinalaman at ginawa sila doon. Pero one thing is for sure, ako, wala akong kasalanan.

Napatingin ako sa gawi ng kambal at may napansin akong dugo na tumutulo sa tuhod ni Mary Layne.

Hindi ko masabi sa teacher namin kaya tumahimik nalang ako. Bakit hindi niya nararamdaman na dumudugo ang tuhod niya? Mamaya ko nalang sasabihin pag natapos ang klase.

"You all can now evaporate, see you all tomorrow."

Nagsilabasan na sila na tila ba nag mamadali.

Nakalabas na ang lahat pero naiwan ako at ang mga kaibigan ko, pati na rin ang kambal na merong pinag-uusapan. I wonder kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Huy, hindi ka ba tatayo diyan? uwian na oh. Ayaw niyo pa bang umuwi? Kasi ako uwing-uwi na."  Ani Anne.

"Wait lang ha Hinihintay ko kasi yung kambal eh. May sasabihin lang at may itatanong lang." Sabi ko.

"Bakit naman?, may crush ka ba kay Maynard?" Natatawang sabi ni Joan. Malisyoso talaga 'tong mga 'to. I feel comfortable around them and take note, its just my second day here. Hindi nila pinaramdam sa akin na bago ako.

"Wala ano. Mga nasa isip niyo talaga. Nako. May sasabihin lang naman ako kay Layne. Si Layne ang pakay ko."

"Ay bakit? Ano na naman yan? Si Layne ang crush mo?" Tanong naman ni Maria. Napa-face palm nalang ako. Jusko po.

"Hindi 'no. Tsk. Ganito kasi yan, kasi kanina may dugong tumutulo galing sa tuhod ni Layne. Nakakapagtaka kasi hindi niya nararamdaman."

Napatingin sila sa akin with confusion written on their faces.

"Well, baka hindi lang niya talaga nararamdaman? May sakit kasi na ganon, I forgot the name pero merong mga tao na hindi nakakaramdam ng sakit. Malay mo ganoon siya." Sabat ni Joyce.

"Its a very rare disease though. Pero may gusto rin kasi akong malaman. Malay niyo may mahuli ako sa sarili niyang dila."

"Well ikaw din. Lalabas na kami. Sabay sabay tayong uuwi."

"Hintay ka nalang namin sa may gate."

"Sige."

Pagkalabas nila Maria ay saktong palabas na rin sila Layne.

"Layne!" Nagmamadali kong tawag sa kanya.

"Why?" Ay wow ang napakasungit naman nito. Bangasin ko kaya mukha nito kala mo ang ganda amp. Ay charot.

"I just want to ask something. Where did the blood from your knee came from? Saka bakit 'di mo man lang nararamdaman?" Masungit ko ding tanong. Kala niya siya lang marunong?

"Ah ito ba. Nadapa ako kanina pagbaba ng car eh sumabit kase yung skirt ko sa may pintuan ng kotse." Sagot niya.

"Ah okay. That's all I need to know. Thank you. Mauna na ako see you tomorrow." I smiled pero fake.

"Okay bye." Sabay irap sakin. Dukutin ko kaya mata nito. Kala mo talaga maganda. Assuming masyado.

Naglakad na ako papunta sa may main gate.

Nang makarating ako dun sila Joyce, Joan, at Maria nalang ang natira dun.

"Hey guys nasan si Anne?" Tanong ko.

"Nauna nang umuwi. May pupuntahan pa daw kasi siya eh."

"Ok. Halika na sabay-sabay na tayo." Aya ko sa kanila.

"Sige." sabi nila.

Dumating na yung sundo kong van kaya sabay sabay kaming pumasok.

Hinatid ko sila sa mga bahay nila. Ang tahimik nga nila eh, tapos namumutla pa sila. Ang weird.

Pagkauwi ko ng bahay walang tao dun. Nasaan kaya sila Mama? Nakapatay ang ilaw ng bahay, kaya binuksan ko ito. Pagkabukas ko, nagulat ako dahil puro blood stain at may mga patay na dagang puti at mga pusa may letter sa ibabaw ng nakatumpok na mga patay na daga at pusa.

Nakalagay sa sulat ay:

'Wag kang makikialam sa problema ng school kung ayaw mong patayin din kita!

Pinapanood ko ang bawat galaw mo at lahat ng mga kaibigan mo. Papakialaman ko din ang buhay ng mga taong nadadawit sa pangalan mo pati na rin mga magulang mo.

Sweet dreams Kyla

-A

What the heck?

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now