Chapter 31

2.2K 72 10
                                    

Alex

Nang mareceive ko ang chat na 'yon mula kay Joyce, nagmadali akong puntahan ang iba para sabay sabay kaming puntahan siya. Marami kaming nag-aalala kay Kyla kaya naman hinahanap namin siya.

Pagkarating namin sa Science building, agad na nagtanong si Maria kay Joyce. Nang ibigay ni Joyce ang description, parang may naalala akong isang room pero hindi ko matandaan ang specific na lugar noon. Inaya ko na sila para maaga naming matagpuan si Kyla.

Nagsimula na kaming maghanap. Hindi kami naghihiwalay dahil baka isa na naman sa amin ang mapahamak. Hindi pwedeng mangyari iyon. Kailangan namin ang isa't isa.

Naghanap kami sa mga room na nasa mga old buildings ng school.

Napatigil kami nang magsalita si Anne.

"Eh wala naman si Kyla sa mga room na rito eh. Hindi kaya nagkamali lang siya? Hindi kaya't wala talaga siya sa PHU o kaya naman hindi naman talaga si Kyla ang nakausap mo Joyce. Baka nililinlang lang tayo ng kung sino man ang kumuha sa kaniya para dalhin tayo sa tiyak na kapahamakan?" Tanong ni Anne. Kinuyom ko ang kamao ko. Pwedeng mangyari iyon pero hangga't hindi namin iyon napapatunayan, maniniwala akong nandito lang si Kyla. Tiyagain lang naming hanapin siya.

"Alam ko na!" Napatingin kaming lahat kay JM nang sumigaw siya.

"Ano? May idea ka kung nasaan siya?" Tanong ni Drake.

"May isang room pa tayong hindi napupuntahan. Forbidden roon 'di ba? Sa old library." Sagot naman niya. Nanlaki ang mata ko. Lahat yata ng student rito sa PHU ay hindi pa nakakatapak sa Library na 'yon. Nakakatakot raw kasi. Matagal na ring sinarado 'yon. Kahit ako, takot akong pumunta roon. Pero para kay Kyla, pupunta ako.

"S-sa O-old l-library." Nauutal na sabi ni Maria dahil sa takot. Napalunok nalang si Anne at si Joyce sa narinig nila.

"Ano natatakot kayo?" tanong ni JM.

Sabay sabay silang tumango.

"Wala 'yan. Ang dami naman natin eh." sabi naman ni Jay.

Maria's POV

2 weeks na since Drake started courting me. Lihim pa sa barkada 'yon. Saka lang namin sasabihin kapag kami na. Ayaw man namin itago pero nahihiya kasi kami. Feeling ko tuloy I betrayed them. Nililigawan pa lang niya ako pero ang landi niya. Feeling noya kami na. Pero kinikilig rin naman ako hehe.

"Huwag ka ngang matakot, nandito lang ako." Bulong niya at sabay hinawakan ang kamay ko. Kung nandito lang si Kyla, inasar na kami no'n matalas pa naman mata noon sa ganitong mga bagay.

Ilang minuto rin kaming naglakad para hanapin ang old library.

Nang makarating kami sa tapat ay nagturuan pa kami kung sino ang magbubukas. Nagiingay na kami kaya pinatahimik ko sila. Mamaya may makarinig pa at mabulilyaso 'tong misyon namin tapos sabay sabay pa kaming mapahamak. Dahil sa pagtatalo namin, hindi namin napansin na nabuksan na pala ni Alex ang pinto. Tapang niya pala eh. Sana siya nalang pumunta rito mag-isa. Joke.

"Ano diyan nalang ba kayo?"

Sabay sabay kaming pumasok at doon, nadatnan nga namin sa Kyla. Mugto ang mata. Nilapitan namin siya para tulungan.

Nagulat kami nang bigla siyang yakapin ni Alex kahit si Kyla ay nagulat rin. Eksena ka talaga 'tong lalaking 'to. Masyadong PDA. Duwag naman. Ayaw pang umamin.

Tinanggal na namin ang tali niya sa kamay. Tumayo siya at umiiyak siyang niyakap kami.

Ang laki ng eyebags niya at puro pantal ang buong katawan niya.

"Ngayon ang prom 'di ba?" Pagtatanong niya.

"Kaya mo pa bang pumunta mamaya para sa Prom?" Nag-alalang tanong ni Anne sa kanya. Tumango lang siya. Napailing ako.

"Iuwi niyo muna ako. Maliligo ako tapos magpapalit ng uniform. Papasok ako."

"No you're not. Hindi ka papasok at hindi ka pupunta ng Prom." Pagbabawal sa kaniya ni Alex. Parang may something.

"Pupunta ako at papasok ako." Pagtutol ni Kyla sa utos ni Alex.

Bakit sila na ba? Wait nga. Naguguluhan ako.

"Hoy Alex bakit ganyan ka kay Kyla? Tatay ka ba niya? Kayo na ba?" Mataray kong tanong ko kay Alex. Akala mo ako walang tinatagong secret eh 'no?

Hindi siya nakasagot. Lalo tuloy akong na-curious. What's the real score kaya between the two. I'm dying to know.

"So silence means yes. Gora na tayo." Pang-aasar ko nalang.

Napakarami naming sasama kay Kyla umuwi. Akala mo naman papayagan kaming lahat lumabas. Baka nga hindi kami palabasin eh. Pero evident naman sa itsura ni Kyla na kailangan niyang magpahinga.

"Kanina noong tumawag ka, bakit biglang naputol?" Tanong ni Joyce kay Kyla.

"5% nalang kasi ang natitirang battery charge." Pagsagot niya.

Nakalimutan ko palang sabihin na may inasikasong importanteng business trip ang magulang ni Kyla. Kapag hindi nila iyon napuntahan, maaari silang mawalan ng work. Si Shai naman walang pakialam kay Kyla and wala rin siya sa bahay nila since may pasok.

"Umalis pala mga magulang mo. Ipinagkatiwala ka sa amin. May business trip daw. Kailangan na kailangan nilang pumunta." Pagsasabi ko sa kaniya.

"Hoy hep hep hep. Saan niyo balak pumunta? May klase kayo ah." Sita sa amin ng guard na nagbabantay.

"Kailangan po naming iuwi ang kaibigan namin. Masamang masama po ang pakiramdam niya. Ang dami po niyang pantal oh." Pagre-reason ko. Naalala kong half day ata kami ngayon since prom mamaya!

"Oh bakit ang dami niyo? 2 lang ang lalabas."

Aba.

"Kuya prom night ngayon 'di ba? Didn't you get the announcement na half day lang kami ngayon?" Medyo naiinis kong sabi.

"Bakit, nakakakalahating araw na ba kayo? Anong oras pa lang oh."

Maria mag-isip ka.

"Hindi regular classes ngayon. Do you want me to get the principal?"

Ngumiti nalang siya at pinadaan kami. Ewan ko kung anong meron sa bagong Principal. Lahat takot sa kaniya.

Pumunta na kami sa parking lot at sumakay agad kami sa van para maiuwi agad si Kyla para kahit papaano, makapagpahinga siya. Baka hindi na rin kami bumalik sa school. Ewan ko. Na kay Kyla ang desisyon.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila. Good thing she has a spare key kaya nakapasok kami. Pagkapasok namin, agad na nagpaalam si Kyla na maliligo na siya at umakyat na.

Sana maging okay na siya.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now