Chapter 2

9.4K 223 9
                                    

I stopped before I entered. Pinagmasdan ko ang kamangha-manghang eskuwelahan na para lamang sa mga pinalad. Sobrang laki at tila isang palasyo ito. The walls are painted black and the doors are painted red. Its a good combination of colors.

After kong magmuni-muni I entered the school. Nakakaoverwhelm. Nabaling ang tingin ang mga tingin ng mga students sa akin. Maybe because bago ako rito?
I know that they're all staring at me and I heard them gossiping and whispering about me.

"Sino siya?"
"Bago na naman?, at taga Class 9-15 pa napunta. Tignan mo nga naman ang pagkakataon, nagsabit pa ng isang malas ang section na iyon. Ba't di nalang kasi dinisolve noon pa." Ani ng isang babae na mataray ang mukha. Umirap ito, with disgust written all over her face.
"Hala taga Class 9-15, 'wag tayong dumikit sa newbie na yan baka tayo naman ang malasin."

Ilan lang yan sa mga narinig ko.

Nakakapagtaka.

Anong hindi ko alam at bakit naman sila mamalasin?. Do I have a curse? Or yung section na kinabibilangan ko ang meron?

Di ko nalang sila pinansin at dumiretso sa room.

I quickly searched for my building and my room assignment. I approached a guard na nagbabantay sa ground and nagtanong kung saan ako pwede dumaan.

Umakyat ako sa old building, west wing sa last floor. Parang walang nagkaklase rito.

Nakakatakot naman dito. Last room sa last floor? Who the heck designed this building? Binilisan ko ang paglalakad ko gawa ng nakakatakot talaga, not to mention the colors of the wall. Its pitched black. Tanging liwanag na nanggagaling sa dulo na may binta ang nagsisilbing ilaw sa hallway. May ilaw naman pero ba't 'di nila buksan? Nagtitipid?

Dumire-diretso lang ako hanggang makarating ako sa tapat ng room. Ang ingay nila kala mo nakawala sa kulungan.

Nagulat ako ng may tumapik sa likod ko.

"Oh my God!" gulat kong sabi.

"Masyado ka atang matatakutin Ms.Reyes." natatawang sabi ng teacher ko, Si Ms.Fajardo.

"Nagulat lang po ako Ma'am." nahihiyang sabi ko.

"Let's go na and introduce yourself." pagyaya niya papasok ng room.

Pumasok na si Ma'am pero naiwan ako dito sa labas, pero napansin ko, 'di padin sila tumitigil sa pag-iingay, dahil naririnig ko pa 'yung sigawan nila dito sa labas. Parang wala lang sa kanila na may teacher.

"Quiet!, everyone Please!" sigaw ni Ma'am, bigla silang tumigil. Sumilip ako, bumalik na sila sa kinauupuan nila.

"Okay, now let me introduce to you your new classmate. She's new in our town; Ms.Reyes you may now come in."

Pumasok ako at lahat sila napatingin sa akin.

"H-hi. I'm Kyla Aereen Reyes, but you can call me Kyla."

"Hi Kyla! welcome sa Class 9-15!." masiglang bati sa akin ng bawat isa.

May lumapit sa akin na babae.

"Hi Kyla welcome sa 9-15. I'm Maria Lovely Alcantara but you can call me Maria."

"Hello Maria!" I said then she smiled at me.

"You can sit beside me over there o sa last row."

"Sure. Thank you."

Pumunta ako sa upuan beside Maria at umupo at nakinig sa discussion.

Magaling daw magturo ang mga teacher dito. Para saan pa at naging prestihiyosing eskuwelahan ito. Konti lang daw ang may chance na makapasok rito katulad nga ng sinabi ko kanina dahil mahirap ang exam. Last person na daw ako to enrol kaya napunta na ako sa last section. As from what I heard kay Maria dahil nagchikahan kami bago mag-start ang klase, marami daw ang may ayaw sa section nila. Bukod daw sa masama daw ang ugali nila, mukha daw silang dugyot kung tutuusin sabi ng ibang studyante. Pero hindi naman. Sira daw kasi ang reputation ng section na ito mula pa nung umpisa dahil lagi raw silang talunan sa lahat. Napakamahina daw nila pagdating sa mga contest at activities for the whole school. Gusto na daw talaga nila na 'wag nang sumali sa mga school activities kahit kailan dahil 'yun at 'yun din daw ang resulta.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now