Chapter 26

2.9K 88 6
                                    

Maria


Nasa loob kami ng van ngayon. Hindi ko rin alam kung saan ba kami pupunta. Lalakas kasi mag-aya. 'Di man kang nag-set muna.



Binalita na rin sa amin ni Joyce na next week ang prom. Mauuna na ang prom kaysa sa retreat. Well, siguro masaya 'yon pero 'di pa rin naman maalis ang fact na pwede pa ring may mangyaring masama sa prom. Pero at least nakapagparty kami kung sakali mang mabiktima kami.


Napansin ko lang na malayo na ang nararating namin. Malayo na nga ata kami sa siyudad. Malayo sa stress, malayo sa takot. Pero kailangan pa rin naming mag-ingat.

"Drake, nasaan na ba tayo? Parang ang layo na ng nilalakbay natin?" tanong ko kay Drake na official driver slash tour guide namin.

"Hindi ko rin alam eh." natatawa niyang sabi.

Tignan mo 'tong hinayupak na ito, hindi alam kung nasaan kami. Baka 'di kami makauwi dahil baka naliligaw na pala kami.

"Ikaw siraulo ka, drive ka nang drive diyan ni hindi mo alam kung nasaan na tayo? Kapag tayo hindi nakauwi sinasabi ko sa'yo. Makakatikim ka ng kurot sa akin. Nakabisado mo ba lahat ng dinaan natin ha?" tanong ko sa kanya. Naninigurado na ako.


"Oo naman." mayabang na sagot nito. Siguraduhin niya lang talaga.

Pero, okay ako sa ganito. Parang nakaka-relax, roadtrip with friends that eventually turned into a family.

We're just typical people, we're crazy, we cry, we get terrified, gets mad but also, we're young and still innocent. To good to be killed by some crazy psychopath. We also have dreams. We don't want to leave earth this early.

Wait, why am I saying things like this? Have I gone crazy? HAHAHA

Siguro nga. Ang sarap takasan ng mundo na meron kami ngayon.


Anne

Sasabihin ko na ang plano kong pag iimbistiga sa mga nangyayari. Ito na ang tamang oras para sabihin sa kanila ang mga gagawin ko. Hindi man maging kabawasan 'yon sa kosensya ko, sana maging tulong naman 'yon sa pamilya ni Jerich at sa mga nabiktima pa nila. Inaamin ko na hindi ko kayang gawin iyon ng mag-isa kaya sana talaga sumang-ayon sila.Malapit na yung prom. Siguradong nandoon sila at marami silang mabibiktima sa amin. I'll keep an eye on them.

Third Person

Hindi pa rin nila alam kung saan sila patungo. Pero bawat isa sa kanila ay gustong sumaya kahit panandalian.

Hindi alam nang lahat na inumpisahan na ni Anne ang pag-iimbistiga. Pero ngayon, kakailanganin na niya ng tulong.

May kaunti nang nalalaman si Anne tungkol sa kung sino ang gumagawa ng mga krimen. Ayon sa nakalap niyang impormasyon, hindi nga lang iisa ang killer, kung hindi dalawa.

Nagsimula na siyang mag-plano sa kaniyang isip. Napaka-detailed nito. Isinulat niya ito sa isang pocket notebook para hindi niya ito malimutan.

Tila ba'y niloloko lang sila ni Drake dahil natanaw niya kung nasaan sila. Kitang-kita niya ang napakaraming ilaw ng siyudad.

Nakarating sila sa isang burol kung saan matatanaw mo ang buong siyudad. Nakakalma ito sa pakiramdam. Mukhang payapa pero sa likod nito, maraming kinakaharap na problema. Batid nila na makakapag-usap sila tungkol sa mga bagay bagay. Lalo na ang mga nangyayari sa buhay nila ngayon.

Nagsibabaan sila sa van upang silayan ang napakagandang tanawin. Nag pasalamat sila kay Drake kahit na niloko sila nito.

Inaya ni Anne ang kaniyang barkada na umupo sila dahil may sasabihin daw itong importante sa kanila. Nagsimula na silang magtipon at makinig sa mga sasabihin ng kanilang kaibigan.


Kyla

Tinawag kami ni Anne dahil may sasabihin daw siya sa amin na napaka importante.

"Ano namang sasabihin mo at parang napakaseryoso ng mukha mo?" tanong ni Joyce.

"Okay tungkol ito sa issue natin sa school—"

Hindi na pinatapos ni JM ang mga sasabihin ni Anne at bigla siyang nagsalita."Can you please cut it off? We are here to refresh our minds at saka mag- relax. Iniwan muna natin ang mga bagay bagay sa siyudad na 'yon," sabay turo niya sa siyudad. "Hindi tayo nagpunta dito para talakayin ang bagay na yan, at hindi para lalong i-stress ang sarili natin." tuloy tuloy na pagsasalita ni JM kay Anne. Mukhang nangangamoy away ah.

"Okay, if that's what you want. But let me tell you, hindi lang nag-iisa ang killer. Ayon sa nakalap kong impormasyon, dalawa sila. I bought a mini camera at isinet-up ko iyon sa room. Tuwing magb-break tayo, sila ang laging huling lumalabas. Maaga pa lang at hindi pa natatapos ang lunch break, bumabalik na silang dalawa sa room para mag-usap at kapag natunugan na nilang pabalik na tayo, lalabas sila ulit para hindi sila mahalata. I'm telling you all of this kasi ayoko kayong mapahamak. Lalo na't alam ko na kung sino sila. Pero kung ayaw niyo, edi huwag kayong makinig." sabay irap nito kay JM.

"Eto kasing JM na 'to epal. 'Wag ka na ngang sumabat diyan. Kung gusto mo pa mabuhay, makinig ka," naiiritang sabi ni Joyce. "Ikwento mo na lahat."

"Handa na ba kayong makinig? Baka kasi hindi pa sang-ayon ang isa diyan." sabay irap ulit kay JM.

"Hayaan mo na siya, kami, handa nang makinig." sabat ko.

Nag-umpisa na siyang magkwento.

Class 9-15 (The Last Section) [Completed✔️]Where stories live. Discover now