"Tigilan mo na ang mga katarantaduhang sinasabi mo! Arianne Shawna bakit ba ang hilig mo pumatol sa mga lalaking may sira sa ulo?" Frustrated na sabi ng kuya ko at dinuro niya pa si Brett.

"Lalayuan mo na ang kapatid ko. Ayaw ko ng makita iyang pagmumukha mo. Ikakasal na ang kapatid ko at hinding hindi sayo." Sabi ng kuya ko. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pa bumulagta ang katabi ko.

"Kuya! No! Hindi pwede kasal na talaga kami ni Brett. At kasalanan ko kung bakit humantong sa ganito ako yung nagsabi sa kanya na wag muna sabihin sa inyo." Naiiyak na ko. Ayako mahiwalay kay Brett. Hindi ko kaya.

"Tumigil ka Arianne Shawna. Simula ngayon babantayan kita. Hindi ka aalis ng bahay na hindi ako ang kasama mo." Sinabi yun ng kapatid ko na tila panibago iyong batas at bawal labagin.

I hate this! Ginagawa na naman nila akong batang paslit. They have been always like this. They are overprotective pero nasasakal din ako. Para akong ibong nakakulong sa hawla.

"Kuya that is too much! Hindi na ako bata! Stop treating me like one! I am a woman of right age. Hindi na ako teenager! Let me be with my life!" Sigaw ko sakanya. Dati hindi ako lumalaban at hinahayaan lang diktahan nila ako sa kung ano dapat sa lahat ng bagay. I was so sheltered na hindi na ata makakatayo sa sarili kong paa. Gusto ko din naman gumawa ng desisyon para sa sarili ko.

"Ano nagrerebelde ka? Then be mature Arianne Shawna. Hindi ka nararapat sa ganyang klaseng lalaki. Ni hindi man lang nga kami hinarap para magpakilala. Ni hindi nga namin alam kung anong intensyon sa iyo ng lalaking yan!" Galit pa ding sabi ni Kuya.


"Hindi ako nagrerebelde! And you can't decide who is the right man for me. You can't dictate me kung sino ang gusto kong pakasalan. That is too much! Hindi naman ikaw ang makikisama at ako.You are controlling me. Nakakasakal na. Stop blaming Brett, Kuya. Ako yung may gusto na itago ito. Hindi siya. And he has a name!" Sabi ko nafrufrustate na din ako sa mga pangyayari.

"Sige di kita papakialaman. Pero pagka nagkanda leche leche lahat wag na wag kang iiyak na naman dahil sa katangahan mo sa lalaki. Hindi ka nadala. I have never been disappointed with you, ngayon lang. I am just protecting you, Arianne. Ayaw kitang masaktan. Hindi mo pala na appreciate yun." Pagsuko ni Kuya at walang lingon siyang lumabas ng office ni Lolo. Naiwan naman akong tulala.

"Seling!" Biglang tawag ni Lolo.


"Bakit ho?" Mabilis na pagpasok ni Nana mukhang kanina pa siya sa labas ng pinto ng study room.


"Ihanda mo lahat ng gamit ni Arianne. Iimpake mo." Walang emosyong utos ni Lolo at nagsimula na ang kaba ko.

"Lolo!" Nahihintakutan kong tawag.

"Ha?" Si Nana Seling tila di makapaniwala.

"Kumilos ka na. Gawin mo ang sinasabi ko." Sabi ni Lolo kaya naman dali dali lumabas si Nana sa study room upang sumunod sa utos ng Lolo ko.


"Lolo! Ano bang ginagawa mo?"


"Tutal sabi mo naman kasal kayo ng lalaking 'yan. Dapat ay umalis ka na sa puder ko, Arianne Shawna. Hindi ka na din magtratrabaho sa hotel dahil sinisisante na kita. Buhayin ka ng lalaking iyan dahil asawa mo siya hindi ba?" Si Lolo walang emosyon pa din siya. Seryosong seryoso siya sa sinabi niya.


"You are kicking me out? Lolo you can do that to me!" Hysterical na sabi ko. I just can't believe it. Ayaw na ng Kuya ko sa akin and my Lolo's kicking me out of the house. Great! Just great!



"I just did. Ilalabas nila Seling ang mga gamit mo, Arianne Shawna." Sabi ni Lolo at tumayo na sa swivel chair niya at lalabas na siya ng office niya.


I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now