Chapter 22

12.1K 139 1
                                    

Chapter 22
Who are you







Arianne Shawna's POV:


Habang sakay ng taxi panay ang tawag ko sa number ni Brett. Iniwan ko na sila Aivan at Jamie. I decided na puntahan na lang si Brett sa bahay niya. Cannot be reached kasi ang phone niya. Nagsend din ang ng mga text message sa kanya. I do not know kung nabasa niya or what. Kaya ito nagbabaka sakali ako na makita siya at magkausap na kami.



Nagpababa ako malapit sa subdivision niya. Kasi bawal pumasok ang mga unauthorized na vehicle sa exclusive na subdivision nila. Madami kasing mayaman at kilalang tao ang nakatira dito.



Nagbayad ako at agad na bumababa nung huminto sa tabi. Naglakad ako hanggang sa marating ko ang gate papasok ng subdivision agad naman ako hinarang ng guard.



"Excuse me po ma'am. Magandang araw ho." Bati sakin nung mamang security guard.

"Magandang araw din ho." Sabi ko naman.


"Sino ho ang sadya niyo?" Sabi nung guard. Feel ko kasama ito sa protocol nila. Mahigpit pala ang security dito.

"Uhh---" nagdadalawang isip pa ko kung sasabihin ko ba. Syempre baka magtaka itong guard, ay bahala na nga. Paano ko papasukin kung di ko sasabihin. Nako naman.

"Uhh---kay, Kay B-Brett po. Brett Cabral." Alanganing sabi ko sa guard. Natawa naman yung guard.

"Fan ka siguro, ano? Nako, neng e hindi kami nagpapasok ng fan at bawal. Pero kung may ipapabigay ka pwede mo iwanan sa amin." Sabi nung guard sakin. Nakangiti pa ng nakakaloko. Hala ako fan?! Bwiset! At ano ibibigay ko e kakausapin ko lang naman si Brett? Kainis!

"Hindi ho ako fan manong. Ano,..." Nagiisip pa ko ng sasabihin kasi alangan naman sabihin ko na asawa ako di ba? Sino ba maniniwala? Baka sabihin pa nitong guard nasisiraan na ako ng bait. Jusko!


"Ano, ka-kaibigan niya ko. Tama! Kaibigan niya ko." Sabi ko naman.

"May listahan kami ng mga pangalan ng mga bisita. Saka lumang palusot na iyang kaibigan na yan neng. Narinig na namin yan." Napapailing na lang na sabi nung guard. Jusko naman! Ano gagawin ko.


"Nako manong itawag mo pa sa loob kilala nga ko ni Brett." Nagpapadyak na ko sa inis. Nakaka frustrate itong gwardya na ito. Pero alam ko naman ginagawa niya lang ang trabaho niya.

"Miss di na nga gagana yan. Umuwi ka na lang. Sayang lang oras mo. Kung ayaw mo abangan mo na lang siya dyan katulad ng ginagawa ng ibang fans." Sabi nung guard at ayaw niya talagang pumayag na papasukin ako. Pinagtatawanan pa niya ko. Hay! Kaurat!


"Hindi nga ko fan manong! Bwiset! Kilala nga ko ni Brett!" Frustrated na sabi ko at napapasabunot na ko sa buhok ko.


Napalingon naman kami ng may bumusina sa likod namin. Iniwan naman ako nung guard at sumaludo dun sa sasakyan.

Napatingin naman ako sa sasakyan. Nagbaba naman ito ng bintana ng dumaan sa gilid ko.


"Arisha!" Bati sakin nung lalaki na may dala nung sasakyan. Nagulat naman ako nung ma realize kung sino iyon.

"Seth!" Nagulat ng sabi ko. Natawa naman siya sa reaskyon ko.

"Anong ginagawa mo dyan?" He asked me casually. Hala! Ito na ata ang sagot.

"Ah! Pupunta ko kasi sana si Brett kaso di naman ako makapasok." Nahihiyang sabi ko at napakamot pa sa ulo ko.

"Oh I see. Halika na! Hop on sabay na kita." Sabi niya sakin at jusko napanganga na lang ako nung ngumiti siya. Gosh! Ang pogi! Ang swerte ni Mielle Andrews sa kanya. Mapapa sana all ka na lang.


"Hala! Nakakahiya naman. Pero sige." Sabi ko at walang patumpik tumpik na pumunta sa may shotgun seat ng kotse niya. Dinilaan ko na lang ang guard at nag hair flip sakanya nung dumaan ako sa harap niya. I gave him a smug look na parang sinasabing "ano ka ngayon? In your face." Hahaha.


"Thank you Seth." Sabi ko ng makababa sa tapat ng bahay ni Brett. Nakabukas ang bintana ng kotse niya ako naman nakatayo sa tapat ng gate.

"No problem. Sige alis na ko puntahan ko kasi si Mimi." Nginitian niya ko. Hihihi. OMG! Kumaway lang siya sakin bago isara ang bintana ng kotse niya tapos ay bumusina na siya bago lumayo.


Pinanunuod ko lang ang kotse niya paalis. At humarap na ko sa tapat ng gate ni Brett. Napabuntong hininga naman ako. OMG! Kinakabahan ako. Hala anong sasabihin ko sakanya? Paano ko siya haharapin?



Ay nako Arisha wag ka na mag inarte! Kausapin mo lang siya wala ka naman ginawa! Kaya ayun I took a deep breath tapos nagdoor bell ako. Nakailang door bell na ko pero wala nagbubukas.



Triny ko sumilip kung may tao sa loob sa taas ng gate tumingkayad pa ko pero di ko makita. Nalapat kamay ko sa gate kaso nagulat naman ako ng bumukas ang gate. Anak ng tofu! Bukas naman pala. Muntik pa ko sumubsob! Buti nakabawi ako agad.



Hindi naman ako trespassing kasi bahay ng asawa ko 'to. Kaya naman dumiretso na ko ng pasok sa loob ng bahay. Nung marating ko ang main door kumatok ulit ako. Jusko! Nakailang katok din ako wala pa din sumasagot. Wala sigurong tao.


Pero kahit walang tao magstay na lang ako dito no, jusko nahirapan ako kanina doon sa guard na humarang sakin.



Hindi naman siguro magagalit si Brett na nandito ako. Aba e sasabihin ko bahay ko din to! Charot.



Triny ko pihitin ang door knob at yes! Bukas din. Ano ba yan?! Hindi ba naglolock ng pinto ang mga tao dito? Sabagay mukha naman walang magnanakaw or akyat bahay na papasok dito kasi sobra higpit ng security nila.



Nilibot ko ang paningin ko. Ang tahimik parang wala ng talagang tao. Inaliw ko ang sarili ko sa pag check out ng bahay niya. Pagpasok mo bubungad sa yo agad   ang living room niya na may malaking L shaped couch na kulay gray. Tapos wide screen na led tv na ka hang sa wall. Modern minimalistic ang theme ng bahay niya. Wala masyadong gamit pero very masculine. Naglalaro lang sa black, white, gray at brown ang color scheme.



Tapos may hagdan naman sa kaliwa patungong second floor. Parang loft type ang bahay niya. Kita mo din agad dining room at kitchen niya dito sa pinto. Parang isang malaking room ang first floor niya. May mezzanine din kaya pag nasa taas ka makikita mo agad sino nasa baba.




Ngayon kung wala si Brett dito ano naman kaya gagawin ko. Napagdesisyunan ko hintayin na lang siya sa may living room. Nakita ko yung isang shelve ng trophies niya. Mga awards na natanggap niya sa pagiging artista. Tapos yung mga album niya naka display din. Wow! Sikat pala talaga siya kasi may international award na siya e.



Naupo na lang ako sa L shaped na couch kaso nakaramdam ako ng uhaw. Kaya naman pumunta ako ng kitchen niya.




Naghanap ako ng baso sa mga cabinet kase wala naman nakalabas. Talagang nangialam na ko. Feel at home na feel at home. Aba! Wala nagwelcome sakin edi i welcome ko na sarili ko. Hahahaha.



Nakahanap na ko baso kaya kumuha ako ng tubig sa fridge niya. Wow! Grabe punong puno ng stocks ang double door na ref niya parang may supermarket sa loob. Ayun kumuha na ko ng pitcher na may tubig at agad nagasalin binalik ko naman agad after at sinarado ang ref.


Umiinom na ko ng cold water para maibsan ang uhaw ko.



At halos ma choke ako sa iniinom kong tubig nung magulat ako sa biglang nagsalita.


"Who are you and how the hell did you get here?"









I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon