Chapter 36

10.8K 166 19
                                    

Chapter 36
Brawl

Arianne Shawna's POV:

Naging mabilis ang mga pangyayari we were just kissing and then in blink of an eye nakabulagta na sa sahig si Brett. Napasinghap na lang ako sa pagkakabigla.

"What the hell are you doing to my sister?!" Halos mapatid ang litid ng kuya ko sa pagsigaw niya. Furious was an understatement to describe what he looks right now. Mukha siyang beast na handang umatake sa anumang oras.

Albert Stefan Dominguez was known to be a calm and collected type of person. Kung magalit man ito ay mahinahon pa din at maayos ang pakikitungo sa kahit sinuman. He always know how to control his temper. He never let his anger get the best of him. That's how I now my kuya. Pero sa mga oras na ito, ni hindi mo mababakas ang taong iyon. Tila naging isang tao siya na kamukha lang ng Kuya ko pero parang hindi na siya.

Halos mangatog ang tuhod ko sa nakikitang galit sa mga mata ng Kuya ko. My Kuya was never violent. Hindi mo siya mababalitaan na kahit kailan ay nakipagbasag ulo siya kahit nung nagaaral pa kami. Tahimik lang siya at demokratiko. Lahat idinadaan niya sa maayos na usapan. Pero ngayon halos di ko na ata siya kilala.

And it terrifies me. Bumabangon si Brett mula sa pagkakatumba at akmang uundayan na naman ito ni Kuya Stefan ng suntok ay agad na akong pumagitna. Hindi ko alam kung anong kayang gawin ng kapatid ko sa estado niya ngayon. Pero base sa pagbagsak ni Brett malamang ay malakas ang naging pagatake ng Kuya ko.

"K-Kuya, please... You are hurting him." I said at namumuo na ang luha sa mga mata ko. Nasaktan si Brett ng dahil sa akin. My Kuya is mad because of me. This is all my fault.

Dinaluhan ko agad si Brett at nakita ko ang dugo mula sa pumutok niyang labi. This will be an issue if someone finds out. Puhunan niya ang kaniyang mukha at di lang kanyang talento.

"Okay ka lang ba?" I worriedly asked Brett. At inalalayan

"Lumayo ka sa lalaking yan Arianne Shawna." Madiin na utos ng Kuya ko sakin. Mahihimigan mo ang pagbabanta. Pero hindi ako nagpatinag. Inalalayan ko pa din si Brett at sinipat ang nangyari sa pumutok nitong labi. I feel so guilty at the moment.

Marahas ulit akong hinablot ng Kuya ko palayo kay Brett.

"Kuya! Ano ba? Let me go!" Pagpupumiglas ko.

"Stop being stubborn Arianne Shawna! Pumasok ka sa bahay." Sabi ni Kuya at hinihila ako para pumasok na sa amin. Inaalis ko naman ang tila bakal niyang pagkakahawak sa akin.

"No! Kuya nasasaktan ako!" Sabi ko habang patuloy sa pagpumiglas. Pinapalo palo ko na ang kamay ng kuya ko sa gitna ng pagprotesta ko sa pinagagawa niya sa akin. Agad ko naman naramdaman ang paghawak ni Brett sa ang isang kamay ko.

"Let go of her. Nasasaktan na siya." Mahinahong sabi ni Brett. Kuya stopped dragging me towards the gate of our residence at matalim ang tinging ipinukol niya kay Brett.

"Wag ka makialam dito." Malamig pero may diing sagot ng Kuya ko.

"Nasasaktan na siya." Matapang namang sagot ni Brett. I do not expect na ganito ang mangyayari sa una nilang pagtatagpo.

"Ano ba pakialam mo?!" Asik ng Kuya ko at kinuwelyuhan si Brett. Hindi naman nagpatinag ang isa kaya may tapang na hinarap ang galit ng Kuya ko. Ako naman di ko na alam ang gagawin. I've never seen anyone in a brawl. Especially my brother who sheltered me.

"Kuya! What the hell? Let go of him!" I said at agad pumagitna. Maybe this is my instincts speaking.

"What the hell Arianne Shawna? What do you think you are doing?" Marahas niyang binitiwan si Brett at hinarap ako ng nagtatangis na bagang, eyes also balzing.

"Dapat sa iyo ko 'yan itanong kuya! What the are you doing?" Sigaw ko pabalik sa kanya. We were shouting at each other.
Me and my kuya never fought, he always gives his way for me. This is a first.

"Are you kidding me Arianne? You are making out with a man we do not know of outside our house?" Pagak pa itong natawa nung una ngunit nanliliit ang mga mata niya sa galit sa akin. I cannot believe my own brother will think lowly of me like that.

"Hinahaan mo kaya ang boses mo Kuya nakakahiya sa mga kapitbahay!" I told him. The least thing I want right now is to cause a scene in our neighboorhood. Because if that so happens all will be damned.

"Ngayon nahihiya ka?! Samantalang kanina ni hindi mo naisip yun? Did we raise you to be like that?" Nanunuya ang tono ng boses ng Kuya ko.

Napaawang ang labi ko sa pagaakusang nakikita ko sa mga mata niya. Never in my life that my Kuya has been mad at me. He always spoils me and tries to understand me in everything. He wants me to feel loved and complete despite us having no parents to guide and care for us. Siya ang tumayong magulang ko.

Not until now, nakita ko ang disappointment sa mga mata niya at sakit. Kahit noon na madami akong kalokohan hindi niya ko tiningnan ng ganito. He will reprimand me but not like this. And I am not liking it.

I feel pain slowly enveloping my heart. Napaluha na ko. I never expected this kind of reaction from my brother. Wala akong salitang maapuhap para sumagot sakanya. It was like I was punched in the gut. Kasalanan ko lahat ng ito bakit naging ganito ang mga nangyayari.

"Anong kaguluhan ito?!" Tila kulog ang boses ng Lolo ko na lalo lang nakadagdag sa tensyon ng sitwasyon. Palipat lipat ang mga tingin nito sa aming tatlo. Totoo nga, when it rains it really pours. Wow! Surprise Arisha!

* * *

Nandito kami ngayon sa office ni Lolo. Nakaupo siya sa office chair niya sa likod ng table samantalang kaming tatlo nila kuya ay magkakatapat sa upuan na nasa harap. Para kaming nasa Principal's office.

Ginagamot ko ngayon ang natamong injury ni Brett sa suntok ng Kuya ko. At masama ang tingin niya sa amin. I don't mind though. Para kasi sa akin hindi rin naman tama na bigla na lang niyang suntukin si Brett. My Lolo is also like a hawk na pinanunuod ako. Samantalang tahimik lang si Brett.


"So mind to enlighten this old man about this commotion that's happening?" Pagbasag ni Lolo ng katahimikan namin.
Nakasalikop ang mga kamay nito habang nakapatong sa narra office table niya.

Niligpit ko naman ang ginamit kong first aid kit sa paglinis ng sugat ni Brett. At humarap sa kanila. Humugot ako ng malalim na hininga. It's now or never Arianne Shawna.


"Lolo, Kuya. I'd like you to meet Brett." Pagsisimula ko. Nakita ko naman ang pagiling ng Kuya ko at pagtaas ng kilay ng Lolo ko.

"And who is this man?" Si Lolo.

Shet! Anong sasabihin ko? Nararamdaman ko ang panlalamig sa katawan ko. Kinakabahan ako. My tummy is in knots.

"He's... Well he's..." Pautal utal kong sabi.

Naramdaman ko na lang biglang hinawakan ni Brett ang kamay kong nangangatog na pala at pinagsalikop ito.

"I'm her husband." Walang kagatol gatol na sabi ni Brett at matapang niyang sinalubong ang tingin ng Lolo ko at Kuya ko.


_ _ _ _

Comments are highly appreciated!Comment lang ng comment mga beb. Till next!

 

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon