Chapter 12

13.3K 169 1
                                    

Chapter 12
Picture



Arianne Shawna's POV:


Kinabukasan nagyaya lumabas itong si Aivan. Maaga pa lang tinawagan niya na ko agad. Ang luka ayaw talaga palampasin ang happenings kahapon. Badtrip pa din daw siya kay Kurt dahil naudlot ang kwento kagabi. Kaya ayaw niyang isama si Kurt. All girls lang daw dapat, kahit hindi naman talaga siya girl. Hahaha.

Si Jamie naman ayun may work sa coffee shop niya. Hindi siya pwedeng umalis doon ngayon kasi absent yung manager niya.

So tinext ko na lang si Aivan na sa coffee shop na lang kami Jamie magkita. Nagreply naman agad si bakla ng okay. Paano kasi ayako naman mahuli sa balita itong si Janella Marie at baka magtampo naman. Masyado pa naman sensitive yung lukang 'yun.

Agad din ako nagtipa ng message para kay Brett since inupdate niya ko kanina sa whereabouts niya. Ipapaalam ko din ang mga plano ko ngayong araw sakanya. Hihi. May work daw siya buong araw kaya magiging busy siya lalo na may bago siyang album na irerelease. Jusko! Feeling teenager ako dito na ka textmate ang crush niya.

"Coffee date later with my friends." Message ko sakanya.

Wala pang 1 minute sumagot na agad siya.

[Is the guy yesterday included?]

"Hindi siya kasama. Me and my girls only. Tho guy talaga si Aivan pero pusong girl naman siya. Haha." Reply ko naman.

[I see. Take care, love. Text me when you get there.]

Tinago ko ang mukha ko sa unan at saka tumili. OMG! Kinikilig ako.

Nang makalma ko ang sarili ko naligo na ko. Nagbihis na ko agad at nagayos para makapunta na sa coffee shop ni Jamie. Nagtext kasi si Aivan na papunta na daw siya.

Bumaba ako agad at nakita ko naman si Kuya na nasa sitting area namin at busy sa laptop niya.

"Kuya!" I called his attention.

"Oh?" Tipid naman niyang sagot. Ni hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Magpunta lang ako sa coffee shop ni Jamie, Kuya. Kasama ko si Aivan and Jamie is also there." Pagpapaalam ko.

"Okay, basta uwi ka agad. Magpaalam ka din kay Lolo." Sabi ni Kuya.

"Thanks Kuya! Love you." Sabi ko at bumeso na ko sakanya bago pumunta sa Lolo ko na for sure nagbabasa ngayon ng libro sa may garden.

"Lolo! Busy ka?" Pagpapansin ko at umupo ako sa katabi niyang upuan.

"Anong kailangan mo Arianne." Sabi ni Lolo at sinarado agad ang libro na binabasa niya.

"Si Lolo ang sungit agad. Magpapaalam lang po." I told him all smiles pa ko.

"Aba bago ata iyan. Marunong ka pala magpaalam." Pag aalaska ni Lolo at ngingisi ngisi pa siya. Agad naman ako ngumuso at napairap.

"Si Lolo talaga."

"Saan ba ang lakad mo? Kakaen lang natin ng pananghalian." Sabi ni Lolo at uminom siya ng kape. Ang lakas talaga ni Lolo sa kape.

"Magkakape lang kami ni Jamie at Aivan sa shop ni Jamie." Sabi ko.

"Marami naman tayo kape dito bakit kailangan lumabas ka pa?"

"Ihh Lolo di makakaalis si Jamie ngayon siya nagsupervise ng coffee shop. Payagan mo na ko Lolo, please? Si Kuya pumayag na." Sabi ko. Si Lolo kasi nangiinis pa. Kakastress!

"Sigurado ka ba sila Jamie at Aivan ang kasama mo?" Grabe! Interrogation na ata ito.

"Oo nga po Lo. Hatid mo pa ko kung ayaw mo maniwala." Grabe! Super hirap talaga magpaalam kay Lolo. Ang daming hanash. Huhuhu.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon