Chapter 6

16.7K 202 3
                                    

Chapter 6
The Shotgun Wedding

AriSha's POV:

"Then marry me." seryosong sabi nung lalaki sa akin habang matamag nakatingin sa mga mata ko. Grabe! Wala namang kaabog-abog itong si Kuya. Kung makapagalok ng kasal kala mo namimigay lang ng candy for free. Hindi man lang kumurap. Di ko alam kung dala lang ba ito ng alak o ano. Nag hahallucinate na ata ako.

God! Lasing na ba ko? Totoo ba ito? Is it real? Is it real? I'm getting a marriage proposal from someone I don't even know! Hala! Ano na ba ang nangyayari sa Earth?! 

Pero di pa ko lasing malinaw pa ang pag - iisip ko. Naiintindihan ko pa nga ang sinasabi niya eeh. He is clearly asking me to marry him! Gusto niyang magpakasal kami! Akala ko naman gusto niya ng one night stand! Di ba ganun yun?! Di ba pag nasa bar? Tapos---katulad ng mga nasa Wattpad? Di ba? Di ba? Bakit yung akin iba? Huhuhu. Am I only dreaming? Aisssssssshhhh! Ang gulo gulo na ng utak ko! Waaaaaaah!!!

I just keep on staring at him. Baka sakaling namamalikmata lang ako pero pinikit pikit ko pa ang mata ko baka may may effects lang pero nakikita ko pa rin siya. OMG! Tell me what to do!! He is real! He is real!

Pero mas nabigla ako ng hatakin niya ang kamay ko at mag - iwan ng mga 1000 php bill sa bar counter tsaka ko hinila palabas ng bar. Nainip na siguro siya nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin. Pero ano bang dapat kong isagot doon? Hindi naman siya nagtanong, he’s more like telling me to marry him not asking me.

Ako naman si tanga nag pahila. 

Hoy gaga! Hindi mo kilala yang boylet na 'yan! Pumalag ka kaya! - sabi ng isang parte ng isip ko na nagpapanic na ngayon. Hala! Saan ba ko dadalhin nitong stranger na 'to?! OMG!

Hindi ko namalayan nasa parking lot na pala kami and he opened the door of the passenger seat ng sasakyan niya tapos iginiya niya ako papasok. Umikot siya kaagad papuntang driver’s seat tapos pumasok sa loob ng kotse.

"Seatbelt mo." he said to me. Pero nakatingin lang ko sakanya. Seryoso ba siya? Saan ba kami pupunta?

"Huh?!" yun na lang ang nasabi ko, dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Lahat ng ito hindi rumirehistro sa utak ko. OMG! I am doomed! Baka bad guy siya!

Tapos nagulat ako ng lumapit na naman siya sa akin as if on cue naipikit ko ang mga mata ko.

1 sec,

2 secs.

Inaabangan ko ang pamilyar na pakiramadam ng pagdampi ng mga labi niya sa labi ko. Pero bigo ako. Huehue!

Paasa!

Kasi ikinabit niya lang pala ang seatbelt ko. Gagi! Nakakahiya. Pero epic lang ang bango niya talaga nakakaadik. Parang gusto kona lang maglambitin sa leeg niya at singhut singhutin ang amoy niya. OMG! AriSha ang landi landi mo!

Tapos tiningnan niya ko sa mata sabay smirk. Tapos umayos na siya ng upo at ikinabit ang sarili niyang seatbelt. Tapos pinaandar niya ang kotse. Waaa! Nakakainis! Ang init ng mukha ko!!

Tahimik lang kami habang bumibiyahe.

Pero nagsalita siya.

"3:00 P.M. pa lang naman kaya aabot pa tayo." he said.

"Huh?!" naguguluhang tanong ko naman. Ano bang pinagsasabi niya? Saan kami aabot? Pero di na siya umimik at nagfocus na ulit sa pagdadrive. Saan ba kami pupunta? Ang dami ko nang tanong sa isip ko at di ko naman mahanap ang dila ko para magsalita at magtanong sakanya. Ano, Arianne kaladkarin ka na ngayon? Grabe! Di ka man lang nagproprotesta! Nakita ko na umiiling iling na yung matinong parte ng utak ko.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon