Chapter 30

11.4K 157 9
                                    

Chapter 30
Pwede Ba?




Arianne Shawna's POV:

It's been five days since nung huling kita namin ng bwiset na si Brett Cabral. Aswang talaga ang damuho! Sabi ko na e. May time limit lang ang pagkikita namin. Kung di lang ako pinakasalan ng tukmol na yun iisipin kong kabit ako.

Pang anim na araw na ngayon simula nun walk out scene ko sa kotse niya pero as usual ni hindi man lang ako tinext. Kakainit talaga siya ng ulo.

Buti na lang nag aya makipagkita si Jamie at Aivan kaya naman magkakaroon ako ng breather. Salamat naman pampawala ng stress.

Magout na ko sa work ko at nagpaalam sa kuya at lolo ko. Buti naman at no further discussion itong pagpapaalam ko kasi napansin nilang bad mood ako kaya siguro pinabayaan na.

Sumakay agad ako sa kotse ko at nagpunta sa café ni Jamie. Ewan ko ba dito sa dalawa na 'to sabi ko gusto ko ng fun ngayong gabi ayaw nila. Kesyo may trabaho daw bukas at kung ano ano pang excuses kaya kumaen na lang daw kami sa café ni Jamie. No choice naman ako ayako naman mag bar magisa. KJ kasi itong mga bruha.  Saglit lang nakarating na agad ako sa café ni Jamie dahil malapit lang naman ito mula sa hotel. Hindi na ko nagbother magbihis sa bahay namin at pumunta ako with my work clothes on.

Hindi naman kami magbabar para magdress up pa ako no. Pagpasok ko sinalubong agad ako ni Jamie bumati din sakin ang mga staff niya na nakakita sakin.

"Sissy! Nandito ka na!" Medyo malakas na sabi ni Jamie ng makita ako. Wow! Para naman ina announce niya sa buong sambayanang Pilipino ang pagdating ko. Ang lakas kasi ng boses ni Jamie parang may built in na megaphone.

"Si Aivan saan?" Tamad kong tanong.

"Nandito na siya. Sa rooftop tayo sissy kasi di ba favorite mo doon?" As usual sobrang energetic ni Janella Marie na akala mo siya ang endorser ng enervon.
Tumango na lang ako at ayun pumanhik na kami papunta sa roof top.

May parang glass door bago ka makapasok sa rooftop ng Café nila Jamie. At doon namin nasalubong si Aivan.

"OMG! Nandito ka na pala Arianne Shawna bakla ka!" Tili ni Aivan. What's up with my friends over sila sa saya samantalang ako galit naman sa mundo ang itsura.

"Anong nangyayari sa inyo? Alam ko naman maganda ko pero sobrang saya niyo naman ata na makita ko? Bigyan ko kaya kayo ng picture ko with autograph?" Pangiinis ko kay Aivan at Jamie.

"Alam mo okay na sana e. Humirit ka pa. Kapal ng fez mo." Sabi ni Aivan at inirapan pa ko tapos hinila ng bahagya ang buhok ko.

"Pumasok na nga tayo sa rooftop nangangawit na ko at gutom na." Tutulak ko na sana ang pinto kaso naman inawat ako nung dalawa.

"Wait!" Sabay nilang sabi at parang nagpapanic pa.

"Anong problema niyo?" Sabi ko at bumitaw sa kanilang dalawa. Humarang naman sa harap ko si Aivan.

"Pagbubukas na kita ng pinto, girl." Sabi ni Aivan napataas naman kilay ko. Hello? Hindi gentleman si Aivan dahil bruha siya. Sa maldita ng kaibigan ko na to feeling ko may sapi siya.

"Anong nakaen mo?" Tila di makapaniwalang sabi ko at tiningnan ko pa si Aivan.

"Pumasok ka na nga Arisha! Nangigigil din ako sa'yo e!" Pasigaw na sabi ni Aivan. Ano ba 'tong dalawa na to puro sigaw. Magkakaharap lang naman kami.

"A-ako na mauna pumasok!" Si Jamie naman at nauna na nga siya pumasok at nagmamadali pa. They are acting weird. May tinatago itong dalawang bruha na to.

"Anong tinatago niyo?" I said accusingly to Aivan at tinabig ko siya para pumasok at sundan si Jamie.

Halos mapaluwa ang mata ko. Grabe nababalot ng liwanag ang rooftop garden ng café ni Jamie. Favorite ko dito kasi parang hidden paradise. Yung pagtapak mo makakalimutan mo na nasa metro ka kasi ang puno ng halaman at bulaklak dito. Ngayon para siyang enchanted forest kasi napapalibutan itong ng fairy lights at yung mga flower box nila Jamie umiilaw din yung mga bulaklak.

"Di ko nais na magkalayo tayo
Nagselos ka at nilayuan mo ako
Buhay nga naman tunay bang ganyan
Bumalik ka naman"

Nagulat ako ng may biglang kumanta. At biglang nagsitayo ang balahibo ko at yung puso ko parang tumatakbo na naman sa bilis.

"Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkabati tayo
Minamahal kita hihintayin kita
Sorry na pwede ba"

Napalinga linga naman ang tingin ko sa buong lugar para makita kung saan nagmumula yung tinig na 'yun. Alam ko kilala ng puso ko ang boses na 'yun. Gusto ko lang ma confirm. Baka mamaya asado na naman ako at hopia na nandito siya. Kahit kumakabog ang puso ko.

"Buhay ko'y nasayo
Matitiis mo ba ako oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry pwede ba"

At ilang sandali lang nagtama na ang aming tingin. Napaawang ang bibig ko na makita siya. Na hindi lang siya figment ng imagination ko, na totoo siya. Nandito talaga siya. Hindi ko na siya hiniwalayan ng tingin. Patuloy pa din siya sa pagkanta habang nakatingin sa akin. At naramdaman ko na ang pamilyar na pakiramdam na binibigay niya sakin. Na tanging siya lang ang nakakagawa. Yung mga fana club niya sa loob ng tyan ko nagwawala na. Alam na alam nila kung kanino sila bias.

"Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkabati tayo
Minamahal kita hihintayin kita
Sorry na pwede ba"

His eyes looks so sincere. It speaks to me. Lalo na yung pagkanta niya damang dama na nagsisisi na siya. This is his way of making amends with me.

"Buhay ko'y nasayo
Matitiis mo ba ako oh baby
Wag sanang magtampo
Sorry pwede ba"

Nagsusumamo na siya. Di ko alam pero gosh! Kinikilig ako! Inaawat ko lang. Galit galitan ka Arianne! Pakipot ka muna.

"Buhay ko'y nasayo
Matitiis mo ba ako oh baby
Wag sanang wag sanang magtampo
Sorry pwede ba
Sorry pwede ba oh yeah
Sorry pwede ba"


Natapos na siya kumanta at nakatayo lang ako sa pwesto ko magkatitigan lang kami. Simula nung magtama ang mga mata namin hindi na iyon naghiwalay. Na parang siya at ako lang ang tao sa mundo. Siya lang nakikita ko.


Hala Arianne! Malala ka na. Lunod at hulog ka na. Kaso may sasalo ba sakin? Kumirot naman ng 50% ang heart kong marupok. Kase naman bakit sa aswang ka pa nahulog?


"I know I'm at fault but can you please forgive me love? Sorry na, bati na tayo please?" He said with pleading eyes.


Wala na finish na! Sira na ang pader na tinayo at binuo ko. Love is war. At nauna na kong matalo. Nasakop na ng lalaking ito ang puso ko. Paano na ko?

_________________________________

A/N: Penge naman po comments. Hahaha. Share your thoughts. :)

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon