Chapter 21

13.8K 157 2
                                    

Chapter 21
Problema





Arianne Shawna's POV:

Sinandal ko ang likod ko sa kakasara ko lang na pinto ng kwarto ko. Nagmadali akong umakyat ayakong may makasalubong kahit na sino. At parang hapong hapo ako at napadausdos na lang ako hanggang mapaupo sa sahig. Bakit ba? Gusto ko magwalling e.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Si Lolo, si Zyren, at si Brett. Napapikit na lang ako at sinandal ang ulo ko sa pinto.

Si Lolo sa pagtritrip niya sakin na i date ang favorite pet niya. Si Zyren sa paghalik niya sa pisngi ko. At si Brett, hay si Brett! Magpapamiss tapos parang kabute na lalabas out of nowhere. Ano ba siya putok sa buho? Engkanto? Sa pagkakaalam ko hindi fantasy ang kwento na ito.

Kakainis talaga yang si Brett sa dami ng iniisip ko 75% ang sakop niya. Grabe siya! Bakit ba masama ang tingin niya sa akin kanina? Nagagalit ba siya? Dapat nga ako ang magalit! Hello? Major Paasa siya! Biglang na lang mag ghost kapag pinakilig ako. Siraulo!

Nainis ba siya na kiniss ako ni Zyren? Pero sa cheeks lang naman 'yun! Ako nga din hindi ko alam na magaganap 'yun! Shookt din ang ganda ko! Bwiset din kasi itong si Zyren e! Ano bang tinira niya at may pakiss kiss pa siyang nalalaman? Baliw na ata siya!

Ano ba itong mga lalaki na ito! Puro sakit sa ulo. Kabwiset. Hay jusko! Malas ata ako.

At ang Lolo ko naman! Kailangan magusap kami.

Napagdesisyunan ko na tumayo na kase mukha lang akong luka luka sa pagupo upo ko sa sahig at feelingera sa pagdradrama. Naligo na lang ako kesa mafrustrate sa mga lalaking nang bwibwiset sa buhay ko.

Naligo na ko at syempre nagskin care at baka pumanget ako kakaisip sa mga na dimunyung lalaking yun. After nun humiga na ko para matulog. Kaso naman hindi ako makatulog! Umikot ikot na ko sa kama ko wala pa din. Naalala ko si Brett at yung mukha niya kanina.

I reached out for my phone. I decided na itext na lang siya kaso hindi ko naman alam ano sasabihin sakanya. Nakailang compose ako ng message tapos binubura ko lang din. Siguro hayaan ko na muna siya baka lalo siya magalit sa akin. Hay! At hindi ko namalayan anong oras ako nakatulog.



_ _ _ _



"Hello! Earth to Arisha?" Nagulat ako ng biglang hilain ni Aivan ang buhok ko.

"Ay jusko! Ano tulaley ka na lang dyan? Mukha kang nalugi girl. Saka ang feslaks mo today, is so not you ang chaka mo. Para kang losyang " Pa irap na sabi ni Aivan at sumandal siya sa couch. Nandito kami sa coffee shop ni Jamie.

Hindi ako nagabala magayos todaya wala ako sa wisyo hindi maayos ang tulog ko kagabi. Kaso nagaya naman itong dalawa kaya sumama na lang ako para naman malinawan ang isip ko.

"Sissy, okay ka lang ba? May sakit ka ba? Bakit parang pasan mo ang daigdig." Nagaalalang tanong ni Jamie sakin.

"What is the matter, sister?" Maarteng sabi ni Madam Aivan.

I just took a deep breath tapos nagpangalumbaba.

"Hoy babaita! Ang arte mo ha! Dapat nagpaplano tayo ngayon para sa getaway natin. Tapos ikaw nandito ka nga ang kaluluwa mo naman nasa ibang planeta!" Ratrat ni Aivan sa akin.

"What is bothering you ba sissy? We are here naman to listen to you whatever that is." Nagsmile pa sa akin si Jamie at nilagay ang kamay niya sa hita ko.

Napairap na lang ako at hinipan ang buhok ko na tumabing sa mukha ko.

"Lolo's been setting me up with Zyren." Pagsisimula ko.

"Oh my! Well, I am not even surprised. Lolo Bert's been fond of the guy. Siguro, he is that eager for that dude to be part of your family." Aivan said like he was stating a matter of fact. But he has a point.

"OMG! Aivan that is absurd. Arisha is already committed! It cannot happen!" Exagge naman itong si Jamie. Tapos napasinghap pa siya when she realized something.

"Oo nga! Gaga ka hindi mo ba sinabi sa family mo?" Nagpanic naman itong si Aivan when he realized something. Parang gusto niya ko saktan sa tingin niya sa akin. His eyes turned into slits. Napailing na lang ako.

"Gaga! Talagang problema nga iyan! Alam mo bago ka pa mabuking impakta ka e umamin ka na! Nako!" Si Aivan naiinis na naman siya sa akin. Mukhang malapit na talaga niya kong saktan. Hahaha. Parang mangangain na itsura niya. Hahaha

"May isa pa kong problema." Mahinang sabi ko habang alanganing ngumiti sa dalawa.

"Ano?!" Sabay nilang sabi sakin at pinandidilatan ako ng mata. Nag peace sign naman ako.

"E kasi bwiset itong Zyren pagkahatid sakin bigla ko kiniss sa pisngi tapos nung umalis na siya nakita ko si Brett na masama ang tingin sa akin tapos bago ko pa siya matawag e nakaalis na siya." Mabilis kong sabi.

"Nako! E gaga ka talaga!" Tumayo na si Aivan at hahablutin na ang buhok ko buti nahila naman agad siya ni Jamie para mapaupo sa pwesto niya. Mapanakit kasi itong si Aivan sa amin. Huhu. Bully siya.

"Hay! Nako Janella Marie kausapin mo iyang kaibigan mo na iimbyerna ako dyan." Sabi ni Aivan.

"Sissy naman kasi bakit ka nagpakiss?" Asar na tanong ni Jamie. Hala! Pinagtulungan na po nila ko.

"Ano ba! Hindi ako nagpakiss! Nagulat nga ko bigla niya ko hinalikan! Saka sa cheeks lang yun! Sa cheeks! Maka react naman kayo parang nagpahalay ako." Sabi ko naman.

"E kung wala naman pala sayo e anong pinuputok ng butchi mo dyan?! Nag aarte arte ka pa? Hindi naman pala big deal." Pinagalitan na ko ni Madam Aivan.

"Saka ha sa lahat ng sinet up ang date kayo pa talaga ang may pa kiss kiss sa unang labas." Dagdag pa ni Aivan at may kasama pang pag irap sa akin.

"Nako sissy! Siguro na hurt ang feelings ni Brett. I mean sino ba naman hindi magagalit kapag nakita mo ang jowa mo na may humahalik na iba? Kahit wala lan yun." Sabi ni Jamie.

"Korak ka dyan Jamie girl! Ito kasing luka na ito." Sabi ni Aivan at may iling iling pa halatang hindi siya natutuwa.

Hindi ko alam paano yung ganun kasi wala naman kaming pinagawayan dati ni Andrei tungkol sa third parties. Sa loob ng one year namin wala kaming selos selos. We both trust each other so much. Kaya wala lang sakin if meron siya kausap na babae. Hindi naman din siya seloso. First time ko ma encounter tong ganitong problema.


"Anong gagawin ko?" Parang walang pag asa kong sabi sa kanila. Tingnan naman ako nung dalawa.

"Edi kausapin mo bakla! Jusko!" Parang sinasabi sakin ni Aivan na hello boba obvious ba ano gagawin mo?

"Ano sasabihin ko?" Sabi ko at napakamot na lang sa ulo ko. Hindi ko talaga alam gagawin ko. Natatakot ako. Huhuhu. Kaso ayako naman magalit sakin si Brett. Hindi kaya ng heart ko kumikirot siya. Ayako ng pakiramdam na galit sa akin si Brett.


"Edi magpaliwanag ka. Magsorry ka. Kiss mo din para di na magalit." Sabi ni Aivan at tumawa pa siya ng malandi.


"Hindi siya nagtetext. Ayaw niya ata ako kausapin." Nanghihinang sabi ko.

"Gaga! Edi gumawa ka paraan. Puntahan mo. Jusko naman." Sabi ni Aivan.











I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon