Chapter 2

18.4K 211 1
                                    

Chapter 2
His Mission


Brett's POV:

At exactly 7 o' clock in the morning ay nasa recording studio na agad ako para sa pag-ayos ng kanta ko para sa bagong album ko. Malapit na kasi itong i-release so pinaghahandaan namin. Tapos binigyan muna nila ako ng 15 minutes-break. Paano ba naman kanina pa kami nagrerecord ng kanta ko. 

Pero biglang nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa ko.

Nagulat ako ng makitang 5 SMS ang nakarehistro rito at 10 Missed Calls Wow! Sino naman kaya 'to?

I checked the Received Calls. 

2 galing kay Nadine at the rest kay Detective Rodriguez. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang mga pangalan ng mga taong tumawag.

Ano kayang problema ni Nadine at tumatawag ng ganito kaaga?

I was about to call her ng magvibrate ulit ang phone ko. Kaya naman dali dali na kong lumabas ng studio tumakbo ko papunta sa pinaka malapit na fire exit. 

I answered the call. 

"Hello, Na---" naputol na ang sasabihin ko ng magsalita bigla ang nasa kabilang linya.

[ Sir! Buti naman at sinagot niyo na ang tawag ko. Kanina pa ako tumatawag sa inyo. ] sabi ni Detective sa kabilang linya. Akala ko si Nadine na naman eh. Sorry na, medyo excited lang.

"Oh  bakit ano bang problema?" sabi ko naman sakanya.

[ Kasi Sir si Mr. Andrei Vergara nandito sa tapat ng Gold Hotel. ] diretso niyang sabi. 

"WHAT?!" di makapaniwalang sabi ko naman. 

[ Opo, mukha nga pong iniintay siya eeh. Ay teka Sir! Ayan na may babaeng  lumabas na galing hotel, sir. Mukhang magkikita sila! ] sabi ni Detective.

"Sige sundan mo sila. Bigyan mo ko ng update. Tingnan mo kung saan sila pupunta at ano ang gagawin nila. Okay?" nagmamadaling sabi ko. 

[ Sige po masusunod po Sir. Tatawag na lang po ako ulit mamaya. ] sabi ni Detective bago ibaba ang tawag.

Nasabunot ko na lang ang kamay ko sa buhok ko. Nakakainis! Ano bang problema ni Andrei?! Makikipagbalikan ba siya sa babaeng yun?! God! Hindi na ba siya nag - iisip?!

Nasipa ko tuloy yung pader sa inis.

Kailangan kong makaalis agad dito. Kaya naman inilagay ko na sa bulsa ng jacket ko ang Cellphone ko at bumalik na ko sa loob.



* * *


Lumapit ako kay Anya siya nga pala yung manager ko. 

"Oh Brett kailangan mo?" masungit na tanong niya. Grabe talaga ‘to! Wala pa nga kong sinabi eeh.

"Pwede na ba kong umalis?" hopeful na tanong ko. Malay niyo may himalang mangyari at pumayag siya. Hehe.

"Nasisiraan ka na ba?" sabi niya at obvious na naasar sa tanong ko. Napaka sungit talaga nito kahit kailan wala pa kasing asawa magmemenopause na. De joke lang hahaha bata pa 'yan. Di pa kami naglalayo ng edad pero mas matanda siya sakin. XD

"Hindi, at bakit? Walang konek yun sa tanong ko Anya." sabi ko naman.

"Aba't! Lintek ka umayos ka nga huh! Makakatikim ka na talaga sakin! Bumalik ka na sa trabaho mo!" singhal niya sakin. Syempre ano bang magagawa ko? Parang ate ko na kasi si Anya. At madaming natutulong sakin yan. Isa pa ang bigat ng kamay niyan ,parang bato. Ngayon palang naawa na ko sa magiging asawa niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

 .

Pasado alas dose na ng tanghali ng matapos kami. Agad agad ko namang idinial ang number ni Detective pero bago ko pa matawagan eh nagvibrate na ang phone ko. Si Nadine ang tumatawag.

Tiningnan ko lang muna ang cellphone ko na nagriring. May part sa puso ko na natutuwa ng makita ang Caller I.D. pero ewan ko, nagdadalawang isip pa akong sagutin iyon. Pero curious akong malaman kung bakit ito natawag ngayon. I knew Nadine hindi naman ako basta basta tinatawagan nito, unless na may nangyari. I sighed before answering the call.

"Oh?" pa bale wala kong pagsagot sakanya.

[ Lawrence! Oh! Thank goodness sumagot ka rin! ] sabi ni Nadine sa kabilang linya. Napataas naman ang kilay ko sa sagot niya. Ano bang meron?

"Oh bakit? May recording kasi ako ngayon eeh. May problema ba?" tanong ko in a casual tone dito. Tama ‘yan Brett huwag magpahalata, na nasisiyahan kang marinig ang boses niya. Konting pride naman sa sarili mo.

[ Kasi ano eeh, alam mo ba kung nasaan si Drei? Kanina pa ko nag - aalala sakanya. Pag gising ko kasi wala na siya sa tabi ko. ] sabi nito na halos parang maiiyak na. Sabi na sa’yo eeh, asa ka pang sabihing niyang namimiss ka niya. Tss.

"Wag kang paranoid nandyan lang yun." Inis na sabi ko naman sakanya. 

[ Aah sige salamat, Aah Lawrence? ] nag - aalangang tanong niya sakin.

"Oh?" pabalang na sagot ko.

[ Thank you ah? Uhm--tsaka sorry, pasensiya ka na sa abala. Alam ko namang busy ka, tapos inistorbo pa kita Kapag nakita mo naman si Drei or kinontak ka niya sabihan mo ako agad aah. ] sabi nito.Tch! Asa ka pang kokontakin ako nun.

"Sige." yun lang at binaba ko ang tawag. I sighed again. Nadine will always be Nadine, head-over-heels for that stupid cousin of mine. Iniling ko na lang ulo ko.

Haay! Ang sakit lang! 

Dinial ko na yung number ni Detective para sa update.

[ Sir! ] pagsagot niya mula sa kabilang linya.

"Oh ano nangyari? Nasaan sila?" pagtatanong ko sakanya. 

[ Nagwalk out po ng restaurant 'yung babae. Susundan ko po ba? ] pagtatanong ni Detective.

What?! Nagwalk - out? Bakit kaya?

"Sige sundan mo. Sabihin mo kung saan siya pupunta." sabi ko sakanya.

[ Sige po Sir. ] sabi ni Detective. 

Agad agad naman akong tumakbo patungo sa sports car ko. Kailangan ko ng kumilos.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon