Chapter 11

13.7K 162 7
                                    

Chapter 11
Nakakahiya

Arianne Shawna's POV:

Nandito kami ngayon sa parking lot ng
Bar. Kasama ko pa din si Brett. I was sitting on the hood of his car habang umiinom kami ng canned beer na dala niya. Natawa pa ko ng makitang may stock siya sa compartment ng sasakyan niya.

We drank in silence. Buti at walang tao sa parking kasi nandoon na sila halos lahat sa loob ng bar. Peak na kasi ng party.

"Bakit ba pasulpot sulpot ka na lang lagi tuwing mag iinom ako?" Tanong ko sakanya. Tumingin ako sa langit at nakita na napaka daming stars ngayong gabi.

"Is that your way of saying that you missed me?"

"Nagpapatawa ka ba? E iisang araw pa lang nga tayo nagkakasama." Sabi ko sakanya at tumingin ako sakanya I was shocked to see him staring at me. Feeling ko namula na naman ang pisngi ko.

Siya ang unang nagalis ng tingin. Hindi agad siya sumagot sa akin at uminom sa beer in can na hawak niya. Ang pwesto namin ngayon nakaupo ako sa hood ng sasakyan niya. Samantalang siya e nakatayo at nakasandal sa sasakyan niya pero magkatabi pa din kami.

"It is not a matter of time to measure if you will miss someone, it's how they touch your heart even in a short moment." Seryoso niyang sabi at tumingin siya sa akin. OMG! Nagwawala na naman ang puso ko. Parang lalabas na sa rib cage ko!

"E-Ewan ko sa'yo. Dami mong alam" Ako naman agad ang nagiwas ng tingin. Narinig ko na naman siya tumawa.

"I'm sorry. Ngayon lang ako nagpakita sa'yo. I've been busy lately." He said then he grabbed my hand at pinaglaruan niya ang mga daliri ko. Nagwawala na naman ang zoo sa tyan ko. Tinamaan na ata ako ng alak. Jusko! Kinikilig ako wala naman nakakalig. It warms my heart na nagpapaliwanag siya kahit hindi naman siya dapat magpaliwanag sa akin.

"O-Okay lang. Ano ka ba?" Sabi ko at ininom ko na ang mga natirang beer na hawak ko.

"No, it's not okay. And least you should know what I've been up to since you are my wife." And he planted a kiss on my hand that he is holding.

"Okay lang nga. Saka it is not like we are really married in a normal way..." Mahinang sabi ko hindi pa din ako makatingin sakanya.

"But what if I like you? Does it make our marriage valid?" Sabi niya. Napatingin naman ako sakanya ng gulat na gulat. Lalo nagrigodon ang puso ko. Ano daw he likes me? Pero bago pa ko sumagot may narinig kaming tumawag sa pangalan ko.

"Arianne!"


Sabay kaming napalingon ni Brett at nakita ko ang tatlong kaibigan ko sa pangunguna ni Kurt na humahangos papunta sa kinaroroonan ko. Nagulat naman ako kaya naman on instinct inaalis ko ang pagkakahawak ng kamay ni Brett sa kamay ko kaso ito namang lalaking 'to ayaw ako bitawan.


Nakalapit na samin sila Kurt at hindi nila napansin na may kasama ako. Kase medyo madilim din sa parking at hindi mo naman agad mapapansin si Brett dahil mauuna akong makita mula sa kinaroroonan nila.

"Arianne, nandito ka lang pala. Akala ko kung ano na nangyari sayo. Sabi ni Aivan bigla ka na lang daw nawala." Hinihingal na sabi ni Kurt.

"Arianne! Buti naman at nahanap ka namin. Grabe! Ninerbyos ako baka nawala ka na naman bakla ka." Si Aivan.

"Oh My God!" Si Jamie.

And as if on cue sabay sabay sila napatingin sa kasama ko at sa kamay namin na magkahawak. Tell me about awkwardness.

"Hehehe. Di naman ako nawala." Sabi ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko.  

"Kailangan na natin umuwi Arianne." Malamig na sabi ni Kurt. Hala bakit parang galit siya? At hinila niya ang kamay ko kaya naman napababa ako sa hood ng sasakyan ni Brett. Buti na lang hawak ni Brett isang kamay ko kung hindi nahulog ako sa lapag. Plakda ang kagandahan ko.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon