Chapter 23

11.9K 139 1
                                    

Chapter 23
Galit








Arianne Shawna's POV:




"Who are you? And how the hell did you get here!"

Nabulunan naman ako sa pagkarinig ng tila kulog na boses ni Brett. OMG! Galit na naman siya! Halos mabitawan ko nga ang basong hawak ko sa pagkagulat. Jusko! Magkakasakit ako sa puso sa lalaking ito! Ginugulat na nga niya ko pinabibilis niya pa tibok ng puso ko. Siya na talaga!


Nagubo ubo ako dahil nga nasamid ako. Hirap na hirap akong kalmahin ang sarili ko. Nangangatog na ko kasi aba mamaya e tumawag siya ng security no! Tapos galit pa siya edi lalo ako kinabahan.



"Tinatanong kita, sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Ulit niya sa matigas na boses niya.


"Uhhhh---" Jusko ano isasagot ko! Napalunok naman ako. Hinahabol ko pa ang hininga ko.


"Humarap ka nga dito. Magnanakaw ka ba o stalker?" Aba't kanina yung guard kabwiset na sinabing fan daw ako pero okay lang katanggap tanggap naman. Pero ako? Ano magnanakaw? Stalker? OMG! Ang gandang to criminal? Gosh!


Biglang uminit ang ulo ko sa pamimintang nitong talipandas na ito kaya humarap agad ako sakanya at pinaningkitan ko siya ng mata. Ibinaba ko ang basong hawak ko sa counter at sinalubong ko ang tingin niya.



"Hindi ako fan! Hindi ako magnanakaw at mas lalong hindi ako stalker! Hoy asawa mo ko Brett!" Sigaw ko sakanya at pinameywangan ko pa siya. Pero jusko sumabog ata ang ovaries ko! Icheck ko kaya kung nahulog na ang panty ko kasama ng bra ko!



Pengeng palaman! Pengeng kanin! Bakit biglang uminit sa Earth?! Global warming? OMG!




Si Brett kasi basa! OMG! Parang kaka ahon niya lang sa tubig naka shorts naman siya pero OMG lang! Wala siyang pangitaas! Nakakainggit yung mga tubig na tumutulo sa mula sa basa niyang buhok pababa sa leeg niya papunta sa balikat pababa sa chest pababa pa ng pababa. Hala parang gusto ko sumayaw ng spaghetti pataas at pababa.




"Stop ogling at me." He said at tinalikuran ako at naglakad na siya.


Hala! Saan pupunta 'yun? Nagpunta nga ko dito para magusap kami at magpaliwanag sa kanya! OMG! Gaga ka talaga Arisha nagpa distract ka kasi kirengkeng ka!



"Hoy! Sandali lang! Saan ka pupunta?" Sinundan ko siya at di naman niya ko pinansin dire diretso lang siya umakyat sa hagdan. Humabol naman ako sa kanya at tinawag ko siya pero no reaction lang siya. Galit nga siya! Hindi niya ko pinapansin.



"Ano ba huy! Kausapin mo kaya ako!" Kulit ko sa kanya. Pero ni hindi man lang niya ko tinatapunan kahit tingin kahit sulyap. Ano ba yan! Ke hirap naman suyuin nito.



"Huy! Kausapin mo naman ako! Hello? Kyaaaaaaaaah!" Napasigaw na lang ako ng bigla siyang naghubad.


Napatakip ako ng kamay sa mata ko kasi nakita ko yung pwet niya! OMG! Parang gusto kong pisilin. Nakatalikod kasi siya sakin kaya back view ang nakita ko.


"Boldstar ka ba? Bakit bigla bigla ka na lang naghuhubad?!" Sita ko sakanya sa medyo mataas ng ilang notes ang boses ko. OMG! Super bilis ng tibok ng heart ko.
Di ko naman kasi alam na may live show! Di ako prepared.



"What the heck! Andyan ka pa din?" Asar na sabi niya. Feeling ko tumingin siya sakin kasi nakapikit ako at nakatakip naman ang dalawang kamay ko sa mata ko. OMG! Makakakita na ba ko ng saging?



I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon