Chapter 37

10.7K 149 6
                                    

Chapter 37
Tulog Na






Arianne Shawna's POV:



Mabilis lumilipas ang panahon. We never know what our future lies ahead of us. Kaya pag dumating na ang future na iyon  na pinaghahandaan natin nagugulat na lang tayo sa resulta. Mapapaisip na lang tayo na dapat ganito, dapat ganyan o kaya kung di ko lang sana ginawa ito sana ganito o kaya kung ginawa ko lang sana ito sana ganyan.

Madalas kasi pinangungunahan tayo ng takot at agam-agam kaya hindi tayo nagiging handa. Dahil sa mga takot na ito kaya tayo nagkakaroon ng mga pagsisisi.

Ang mga pangyayari sa buhay natin ay resulta ng mga desisyong pinili natin. Kaya magsisi man tayo sa huli, wala na din naman iyong magagawa na upang mabago ang mga nangyari na. Kahit pa sabihin nating may mga ibang tao na gumagawa ng desisyon sa buhay natin desisyon mo pa din yun. Desisyon mo magpadikta. Kaya lahat ng nangyayari sa atin ay tayo din ang may kagagawan.

Kaya ito ako ngayon, nakaupo sa kama habang nakatulala at lumilipad ang isip. Alam ko sa sarili ko na hindi na ako dapat magaksaya ng oras para mag regret. Nandito na e.

Pero ang sistema ko tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi pa ko makahuma. Napapikit na lamang ako habang patuloy na naguulit ulit sa utak ko ang mga pangyayari sa bahay namin.


"I'm her husband."

Tila bomba ang mga katagang iyon na sumabog sa mukha ng pamilya ko. I see how my Lolo's face change from being startled into grim. Si Kuya naman halos lumuwa ang mata sa gulat. At ako napasinghap.

I didn't know Brett can be this straightforward. Kasi kung ako lang din ang tatanungin I'll stall for this not to happen. I am not ready to face the consequences of my actions. I know my Kuya's hysterics earlier was just a preamble of a huge wave that is to come and overtake me. I just hope my heart's ready to take all of this. But I know in myself that I will never be ready. Puno ako ng takot at agam-agam kaya pinatagal ko ito.

"Come again? Did I hear you right?" si Kuya at ni isang bahid ng tuwa ay di mo mahihimigan ang tono ng pananalita niya which made me swallow the lump that is forming on my throat.

Lahat kami ay nakatingin lang kay Brett. My Lolo's been silent and it's bothering me. Walang emosyon ang mukha nito. Kaya naman hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. I do not like what I am feeling right now. But I know, something that is not good is about to happen. Kinakabahan ako. Tila nagbubuhol buhol ang pakiramdam sa tyan ko. I just want to runaway from this place.

My worst nightmare has come. Nahabol na ako at naabutan pero wala na kong tyansa na para makatakas pa. It already caught me off guard and I can't run away anymore. Good job, Arianne Shawna!

I've been delaying this moment to happen pero kita mo naman kusa na itong dumating. I don't know how to react or what to say anymore. Gusto ko na lang magtago. Alam ko hindi ito madaling matatanggap ng pamilya ko.

"I'm her husband." Ulit pa ni Brett. Seryoso din ang mukha niya at ni bakas ng takot ay wala kang makikita sa kanya.

Narinig ko naman ang walang sayang tawa ng kapatid ko. This is not really good. Si Lolo wala pa din reaksyon.


"Okay ka din magjoke no?" Pangiinis ng Kuya ko. "Well para sabihin ko sayo, hindi ka nakakatuwa." Dugtog pa ni Kuya at ni hindi man lang niya itinago ang iritasyon sa rebelasyon ni Brett.

"I do sincerely apologize if I took long enough to introduce myself to you. Pero hindi rin ako nagbibiro ng magpakilala akong asawa ni Arisha. Legal ang kasal namin at----" hindi na natapos si Brett dahil tumayo na si Kuya sa upuan niya.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon