Chapter 10

14.1K 189 15
                                    

Chapter 10
Ngiti



Arianne Shawna's POV:


One week ago na nakalipas since I became Mrs. Cabral. Pero ni ha or ho sa loob ng one week na iyon wala akong naramdaman mula sa lalaking nangako sakin na tutulungan daw ako mag move on. So much for broken promises, huh?

Half of me is relieved at least hindi ako mahihirapan itago kela Lolo at Kuya ang totoo. I still didn't know how to tell them. But also, I don't know why the half of me is disappointed na hindi man lang siya nagparamdam sakin pagkatapos niya akong pakasalan. Ugh! Nakakabwiset siya! Di kaya na prank lang ako. Baka fake marriage lang 'to. But I am wearing his ring! Ito yung ebidensya na totoo ito. Ah! Ewan. Naguguluhan ako.

Anyway, dahil nga one week na ang nakalipas malaya na din ako! Woohoo! My gosh! Buti at kinaya ko yung one week na walang party or even shopping. Feeling ko na low batt ako and I need to recharge. To celebrate my freedom again nag aya ang mga friends ko na lumabas kami since it's friday naman. Yes! Finally!

Agad akong nagpaalam kay Kuya and Lolo. Kaso pinayagan lang nila ko if susunduin ako nila Aivan. Hay! They didn't want me to bring my car kasi baka daw tumakas ako like the last time. Na lamatan na ang tiwala nila sakin. Huhuhu.

Ito nga ko ngayon nasa sala namin at hinihintay na ang mga sundo ko. Nakaupo ako at tamang scroll lang ako sa IG ko. I am ready na kanina pa. Sila Aivan at Jamie ay nauna na doon. Si Kurt naman nagprisinta na sunduin ako.

"Arianne nandito na si Kurt." Sabi ni Nana.

"Kuya, Lolo dumating na daw po si Kurt siya po sumundo sakin. Aalis na po kami." Paalam ko. Hindi halatang sobrang excited ako makaalis. Hahaha.

Nagkiss na ko kay Lolo tumango lang ito at busy sa mga papel na binabasa niya. Workaholic talaga itong Lolo ko. But my kuya insisted na ihatid ako sa labas.

"Good evening, Kuya Stefan." Agad na bati ni Kurt kay Kuya. Mukhang papasok siya sa bahay namin kaso nakalabas na kami ng bahay. Kuya and Lolo knows my friends since mga bata pa lang kame magkakaibigan na kaming apat. Si Jamie, Kurt, at Aivan.

"Ihatid mo siya dito ng maayos at buo Kurt." Strictong sabi ni Kuya.

"Kuya wag masyadong OA. Sige na aalis na kami. I'm sure naiinip na si Aivan at Jamie doon. Let's go Kurt." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.

"No monkey business Arianne Shawna. At do not go wasted. Drive safely Kurt. Text me if you are on the way home." Si kuya at he gave me a kiss on the forehead at pinagbuksan niya ko ng pinto sa passenger seat ng kotse ni Kurt.

"Copy, Sir. Minsan, kuya you need to get out too. Try mo din. Wag mo masyado gawin idol si Lolo at baka naman tumanda ka magisa. Hahaha." Inasar ko si Kuya.

"Wag mo ko inisin at baka gusto mong orasan kita." Pag babanta ni Kuya. Ang sungit talaga ng Kuya ko kahit kailan. Hahaha.

"Joke Kuya. Love you."

Pumasok na ko sa kotse ni Kurt and mabuti sumunod naman sakin agad.Buti na lang at hindi traffic and within half an hour narating na din namin ang bar.

"Hi guys!" Excited na bati ko kay Jamie at Aivan.

"Grabe! Arisha ano ka 12 years old. Kailangan ka pa namin ipaalam sa Lolo at Kuya mo. May pasundo pa! Kaloka! Ang tanda mo na gurl." Reklamo ni Aivan at uminom na siya ng cocktail niya.

"Kaasar 'to. Alam mo naman ang hirap magpaalam kay Lolo at Kuya. Tapos kaka tanggal lang ng pagiging grounded ko." Lumabi ako sakanya at kumuha na din ako ng cocktail drink ko.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon