TEASER/PROLOGUE

25.3K 263 14
                                    


Prologue

[ T E A S E R ]

Tanghaling tapat pero nasa bar na agad si AriSha. She wants to forget her conversation with her ex-boyfriend just a while ago. She was badly hurt. Kaya naman gusto niyang magpakalunod sa alak kahit na tirik na tirik ang  araw sa labas wala siyang pakialam.

Kilala niya nag may-ari ng bar--------isa sa mga barkada niya ito back on her college days, kaya naman nakapasok siya dito kahit hindi pa nila opening hours. She was in pain and she can't help but to cry. And she thought that only alcohol could ebbed the pain she was feeling.

She fetched her smart phone from her Chanel purse then dialled a number.

She composed herself before speaking. She wiped the tears that was flowing in her cheeks and took a deep breath to even her breathing. Bagamat alam niyang groggy na ang boses niya kakaiyak, still she somehow tried to sound normal.

"Dana /Dey-na/, cancel and re-sched all my appointments for today. May emergency lang hindi na ko babalik. Bukas na lang tayo mag - usap." dirediretso niyang sabi at hindi na hinintay pa ang pagsagot ng sekretarya niya na nasa kabilang linya saka in-off ang cellphone niya.

Ayaw niya munang may makausap ngayon. At sigurado naman siyang kapag bumalik siya sakanyang trabaho sa hotel, hindi rin siya makakapagtrabaho ng maayos. Gusto niyang mapag - isa muna sa ngayon. She wants to clear her head from all the trouble she had this day.

Dirediretso niyang ininom ang pangalawang baso ng whisky niya. Sinensysan niya pa ang bartender na bigyan pa siya ng isang baso. Dapat naglilinis ito para maghanda sa pagbubukas nila mamaya pero kinailangan nitong maagang mag duty para asikasuhin ang sawing babae. Agad namang sumunod ito sakanya at inabot naman ang hinihingi niya mula rito.

At pagak naman siyang natawa pagka bigay sakanya nito. Naiiling naman ang bartender sa nakikitang pinagagawa nito, naawa siya sa dalaga at gusto niya man itong pigilan ay hinayaan niya na lang. Sabi nga nila "the customer is always right."

Anyway, hindi naman siya ang bida dito sa storyang ito kundi ang babae. So, balik tayo sa magandang dilag na nagpapakalango ngayon sa alak...

Arianne Shawna Domiguez a well-known and successful socialite. A party girl that couldn't care less. Umiiyak ngayon dahil sa isang lalaki? Wow?! Nakatapos naman siya with Honors pa nga at sa dekalibreng eskwelahan pa pero heto siya nagmumukhang baliw sa kakaiyak, dahil sa katangahan niya sa pag-ibig.

Naramdaman niya na naman ang luha niyang naglandas sa pisngi niya, Feeling niya naka-unli ang mga ito, dahil hindi maawat sa pagtulo. Para bang may karera ang kanyang mga luha at nagpapaunahan makalabas ng tear ducts niya. Kala mo may premyo ang mauuna dahil sa ang bilis nila dumaloy.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon