Chapter 31

12.4K 130 10
                                    

Chapter 31
Finish na






Arianne Shawna's POV:



"I know I'm at fault but can you please forgive me, love? Sorry na bati na tayo please?" He said that with pleading eyes at ako napatanga na lang sa kinatatayuan ko.

"Please, love? Sorry na?" Nagsusumamo na siya, it's like his eyes we're telling me how sincere his apologies are.

I don't know pero bigla na lang ako napatalikod sa kanya. I can't stand seeing him looking like that. Para siyang stressed na stressed. Mukha siyang kulang sa tulog at kain. Di ko alam na nagmamadali na pala ko lumayo sa lugar na iyon.

Pagkabukas ko ng pinto nasalubong ko agad si Aivan. Hindi pa natatanggap ng sistema ko ang mga nangyayari. Nagkagulatan naman kami ni Aivan.

"Anong ginagawa mo dito? Saan ka pupunta?" Tila nagpapanic na sabi Aivan sa akin at hawak niya pa ang magkabilang braso ko.

"U-Uuwi na ko." Ayun na lang ang nasagot ko at inaalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"Bakit ka uuwi? Gaga ka! Bumalik ka doon!" Frustrated na sabi ni Aivan at tinutulak ako ni Aivan papasok sa rooftop kaso nagpapabigat ako.

"A-ayoko nga. Uuwi na ko." Pagmamatigas ko pa.

"E kung sampal sampalin kaya kita dyan Arianne Shawna? Wag ka na magpabebe kawawa naman si Brett. Kausapin mo kaya siya para di kayo mahirapan pareho. Nageffort yung tao." Inis na sabi sakin ni Aivan at malakas akong tinulak papasok ng rooftop.

Sa pagbalya sakin papasok ni Aivan muntik na akong ma out of balance pero kagaya sa mga korean dramas maagap na nasalo ako ni Brett. Nag crash landing ako sa matigas niyang dib dib. Mukhang palabas din siya ng rooftop.

Paniguradong hahabulin ako nito, hindi sa nagmamaganda ako. Pero duh given na kasi yun.

Mabalik sa muntik ko ng kissing scene sa lupa. Syempre napaawang ang labi ko kasi nashock ang beauty ko I expect na mahuhulog na ko sa lapag. Kaso sa iba ako nahulog literal and syempre metaphorical. Hays paano umahon?

Naka akap ang kamay ni Brett sa bewang ko syempre. Nagkatinginan kami.

"Bakit di niyo subukang humiga na sa lapag at magpagulong gulong kayo para mas romantic?" And as usual panira ng moment ang pagiging mahadera ni Madam Aivan.

Agad ko naman naitulak si Brett kaso mali naman ako ng apak at natabingi ang paa ko. Kaso buti na lang talaga at mukhang boy scout itong si Brett at nasalo niya agad ako. Ang itsura namin para kaming nagend ng sayaw. Salo salo niya ako ako naman nakapahiga at nakataas ang paa. Nakatinginan na naman kami ni Brett. Nanlalaki naman ang mata ko.

"Ay jusko! Nag iinarte pa kasi. Tigilan niyo na yang hulog hulog na yan. Baka gusto niyo kantahan ko pa kayo ng hala nahulog-log-log-log." Si Aivan ulit. Tinulungan naman ako ni Brett maka ayos ng tayo kaso nung inapak ko yung paa ko naramdaman ko agad ang kirot.

"Are you okay?" Brett asked nakahawak pa din sa bewang ko ang mga kamay niya para alalay lang.

"Y-yeah." Mahinang tugon ko. Ngayon naman nakaramdam ako ng hiya. Bakit ba kasi nagwalk out walk out pa ko. Anong hanash yan Arianne?

"Can you walk?" Malambing na tanong niya.

Tumango naman ako kaso maling mali nung inapak ko ang paa ko ang sakit. Napansin siguro ni Brett ang pag ngiwi ko kasi napatili ako nung bigla niya kong kinarga bridal style. Automatic na napaikot ko ang kamay ko sa leeg niya.

"Hala! Kala mo may shooting ng movie!" Tili ni Jamie. Ugh! Bakit ganito mga kaibigan ko.

"Panay arte kasi ni gaga." Hindi talaga pwedeng walang side comment si Madam Aivan.

Binuhat ako ni Brett sa may gitna ng rooftop garden napapalibutan ito ng mga fairy lights at different colors. Magical vibes talaga. Tapos inupo niya ko sa naka set na dinner table for two.

"Saan masakit?" He asked me. Nakaluhod na sa harap ko si Brett habang nakaupo naman ako. Maingat niya ko naibaba kanina.

"O-okay na." Mahinang tugon ko na halos di ko na nga maintindihan kung boses ko ba talaga yun.

"Don't tell me it's fine when it's not." Tila dismayado siya sa sagot ko dahil sa tono ng boses niya. Nakita ko pa ang pagsimangot nito. Shete! Kahit saang anggulo pogi pa din. Saka yung puso ko abnormal na ata.

"Okay nga lang. Ano bang pakulo 'to?" Mataray na sagot ko sakanya. Syempre agrabyado ako dito. Charot! Masama magpabebe? Pinagcross ko pa ang arms ko sa chest at tinaasan siya ng kilay.

"I told you I'll make it up to you, love." Masuyong sabi nito at hinawakan pa ang kamay ko at pinisil. Pagkatapos iniangat niya pa ito para bigyan ng dampi ng halik. Favorite move niya yan sakin! Pansin ko lang at share ko lang. Jusko! May rebolusyon na naman sa tyan ko at puso ko.


"Hmp!" Yun lang ang naitugon ko. Shems! Arianne Shawna wala ka bang mas witty na come back? Hmp! Lang talaga? Kaloka!


"Wag ka na magpakipot nagsosorry na nga nagmamaganda ka masyado natalapid ka na nga't lahat." At napalingon naman ako agad sa pinangalingan ng boses.


Nandito pa pala to si Aivan at si Jamie. At talagang kinawayan pa ko ni Jamie at nagpeace sign samantalang si Aivan ay kala mo boksingero dahil inaambahan pa ko ng suntok. Napairap na lang ako.



"Kiss na kayo sissy! Wag ka na maarte! Hihi!" Bwiset din tong si Jamie e.



Kaibigan ko ba talaga itong dalawa na ito? I throw dagger looks at them kaso walang epek. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ng katabi ko. Kaya agad nalipat agad sa kanya ang tingin ko.  Tinaasan ko agad siya ng kilay at nginitian lang ako ng loko. Yung ngiting di ka talaga makakatanggi at ibibigay mo lahat lahat? Wow! Arianne heavy sa description ng smile. Ngiti lang yan gaga!


"Am I forgiven already?" Hopeful na sabi ni Brett.

"At sino nagsabi na pinatatawad na kita?" Singhal ko naman sa kanya. Nako si Brett lahat ng extremes na emosyon pinararamdam sa akin.

"A man can always hope, love." Sabi nito at kinindatan pa ko. Ngingiti ngiti pa itong damuho na ito. Uminit na naman tuloy ang ulo ko.

"Hoy lalaki! Wag ka masyadong asado dyan! Ang kapal ng mukha mo pagkatapos mo kong aswangin-----" at hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nabigla ako ng biglang sakupin ni Brett ang mga labi ko.


Narinig ko naman ang tilian ng mga audience namin. Ako naman nagulat kasi hello di naman ako prepared! Naging mabilis lang ang halik na yun smack lang. Ay bitin! Sad! Ay ano ba yang iniisip mo Arianne Shawna! Galit ka di ba? Galit ka! Wag ka muna lumandi dyan!


"Bakit mo ko hinalikan?! Di pa ko tapos sa speech ko bigla ka na lang nanghahalik aswang ka!------" at katulad kanina hinalikan na naman niya ko. Tinulak ko naman agad siya! Hello isang kiss na lang baka di na ko bumitaw! Hay jusko! Nakakapanghina ng tuhod.

Pinalo ko agad siya sa dibdib. Syempre may halong chansing din. Bakit? Asawa ko 'to.


"Nakakadalawa ka na!" Asik ko sakanya.


"And I won't stop until you shut that pretty little mouth of yours, love." Nangiinis pang sabi ni Brett. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin.

"Aba't-----" at wala na ko natapos na sabihin kasi naman umatake na agad si Brett.

"Let's just kiss and make up already, love." He said habang magkadikit ang mga labi namin.

"O-okay." Mahinang sabi ko at ayun nagtagpo na agad ang mga labi namin.

And in the end kahit gaano kataas ang wall na binuo ko sa puso ko bilang proteksyon, isang halik lang gumuho na agad ito. Finish na! Nasakop na talaga ni Brett ang puso ko.



__________________________________

A/N: Di ko knows kung mamaya or bukas yung Chapter 22 siningit ko lang to. Hahaha medyo busy ako today. Hahaha.

Comments are highly appreciated! Thanks. Share your thoughts! ❤️

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon