Tumingin siya sa akin at ngumiti kaya ngumiti narin ako at humarap na kami sa pari.

Pagkatapos magpalitan ng 'I do' ay sinabihan na kami ng pari na... "You may kiss the bride."

Ang araw na hinihintay ko, ayaw niya kasing i-kiss siya sa labi kaya hanggang cheeks lang muna. Pagikakasal nalang daw siya pwede i-kiss sa labi kaya eto na ang araw na iyon. Excited ako na kinakabahan.

Habang palapit ng palapit ay mas lalong bumibilis and tibok ng aking puso. Tumingin ako sa mata niya tapos sa labi niya at dahang-dahang yumuko upang maabot ang labi niya.

Nang magdikit na ang labi namin ay hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko, may kuryenteng dumadaloy na may spark. Ang tamis...ang tamis.

Ilang segundo lang ang kiss namin pero parang ang tagal na para sa akin. Humarap kami sa mga tao na naghihiyawan at ng matapos na ay agad namang nagsilapitan ang mga magulang namin at nag congrats sa bagong kasal.

Nagsikainan naman sila kaya nakikain narin kami. Hinawakan ko ang kamay ni Yura at in-enterwined ito sa akin. Nang magdikit ang kamay namin ay parang may nagkuryente ng konti. Nagkatinginan kami ni Yura, siya gulat na gulat at ako naman ay nakangiti. First time 'tong nangyari samin. Sa tuwing maghoholding hands kasi kami ay parang wala lang kaya iba talaga ngayon.

Hinila ko na siya papunta sa mga kumakain at kumuha narin ng makakain.

Ilang oras din ang kasiyahan pero nagpaalam ang magulang ni Yura sa akin.

"Vienne, kailangan muna naming iuwi si Yuk- Yura ah? Kailangan niya pa kasing magpahinga kaya naman mauna muna kami. Bukas nalang kayo magkita ah?" Nakangiting paalam ng Mama ni Yura kaya naman nakangiti rin akong Tumango.

"Naintindihan ko po." Nilapitan ko si Yura at hinalikan ko ito sa pisngi na ikinagulat naman niya.

"Kita tayo bukas" pagkasabi ko no'n ay umalis na sila.

May kakaiba talaga sa kanya ngayon.

Yukki's PoV

Pagdating sa bahay ay agad akong nagbihis at tinanggal ang make-up.

"Ma. Paabot nga po ng Towel." Kumuha naman si Mama ng towel at inabot sa akin.

"Alcohol narin pala." Binatukan naman ako ng Mama ko.

"Ikaw na kaya kumuha."

"Last na yan." Napabuntong hininga naman si Mama at kinuha rin naman pala.

Ipinatak ko ang alcohol sa towel at ikinuskos sa pisnge ko kung saan niya ako kiniss.

"Ano ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ni Mama.

"Kinukuskos ang mukha ko. Nagtatanggal ng germs." Binatukan ulit ako ng Mama ko. Nakakailan kana ma.

"Baliw." Yun lang ang tanging nasabi ni mama at umalis na. Sobrang sadista nya ngayon. Kanina pa siya.

Kumuha ako ng isa pang towel at binasa ito sa tubig, sa bibig ko naman ikinuskos.

I can't help but feel disgust. But... Why do I feel I like it when he kisses me? I slap myself for havung that kind of thoughts. For goodness sake Yukki, you're a guy.

Binuksan ko nalang ang gripo at binasa ang labi ko. Napatingin ako sa salamin at napabuntong hininga nalang. Bukas narin pala ng maaga makakalabas ng hospital si Yura at bukas narin ako lilipat sa condo unit. Finally I'm free.

Kinabukasan~

Kumuha ako ng damit at gamit ko na dadalhin ko sa condo na ibinigay ni papa sa akin.

Nandito narin si Yura at mamaya maya narin dadating yung asawa niya kaya naman nagmadali na akong nag-impake baka makita pa ako. Mahirap na.

Nang matapos na ako ay bumaba na ako at doon nakaabang sila Mama at Papa.

"Ingat ka ah?" Nag-aalalang sabi ni Mama.

"Opo Ma." Lumapit naman sa akin si Papa.

"Huwag kakalimutan 'yung mga paalala namin."

"Opo." Nang matapos na ay sumingit naman si Yura.

"Kuya! Balitaan mo kami kapag may Girlfriend kana ah!" Pabiro niyang sabi pero hindi ako nayawa sa sinabi niya.

"Ay sorry." Ginulo ko na lamang ang buhok nito at pumunta na sa harap ng kotse.

"Alis na po ako." Last hug nila. Para namang mag-aabroad ako. Nilagay ko na sa kotse 'yung gamit ko at pumunta na sa driver's seat at pinaandar na ito.

Ilang oras din ang biyahe at nakarating na ako. Kinuha ko ang susi ko at pumunta na sa Room ko. Nasa 8th floor yung room ko kaya naman nag-elevator ako.

Room 2113 ako so medyo malayo layo at maganda ito para hindi ako madaling mabisita.

Pumasok na ako sa unit ko at tiniganan ito ng mabuti. Malaking kwarto siya King size bed, at may lamesang maliit sa tabi nito. Ivory yung kulay ng unit tainted with black. Pagpumunta ako sa balcony ay makikita mo ang pool at presko ang hangin dito. 

Inayos ko na ang gamit ko at humiga sa kama. Naisip ko kung magkikita paba kami ng asawa ni Yura.

Sana naman hindi na.

××××××××××××××××××××××××××××

Ilang linggo narin nang mangyari ang wedding day. Nakatangap din ako ng text mula kay Yura na iniimbitahan niya ako sa isang Halloween party. Malapit narin kasi 'yun. Ayaw ko sanang pumunta kaso pag 'di daw ako sumama ay magsusumbong siya kay Mama.

Kaya naman napilitan akong sumama. Hindi pa pala nagugupitan ang buhok ko.

Nakarinig nman ako na may nagriring kaya pagtingin ko ay may tumatawag pala sakin.

Sinagot ko naman agad yon.

"Hello."

/Oi kuya! Pupunta ka talaga ah?/  Si Yura lang pala

"Oo! Pupunta ako!"

/Sige! Next week na 'yon! Lagot ka sa'kin kapag hindi ka pumunta! Lagot ka kay Mama!/ At nakarinig pa ako ng evil laugh.

"Oo na."

/Hihi Sige Babyeee~/ napabuntong hininga nalang ako.

Sana naman walang masamang mangyari.

PretendWhere stories live. Discover now