"So, isa ka rin palang katulad namin?" tanong ni Christian.

Binatukan naman sya ni Maxenne dahil sa napaka-obvious na tanong niya.

"Aray ang sakit nun ah!" reklamo ni Christian kay Maxenne

"Anong klaseng tanong yun Christian? malamang katulad natin sya dahil nandito sya sa mundo ng mahika!" sarkastikong sabi ni Maxenne.

Napakamot nalang sa ulo si Christian.

"Kailan mo natuklasan na may mahika ka?" tanong ni Arron

"Kahapon nang gabi, bakit?" pagsisinungaling ko.

Dahil bihasa na ako dito kaya hindi ako nag-aalala na mahuli nila ako.

Best actress ata toh!

"Ah wala naman. Natanong lang namin baka kasi ikaw yung gumawa nun, hindi naman pala" napapakamot sa batok na sabi ni Arron.

Tumango lang ako.

"Yun lang ba ang itatanong niyo?" tanong ko sakanila.

Tumango lang sila saakin.

"Excuse me" sabi ko at umalis na ng Cafeteria.

Pinatigil pa ako kung yun lang din ang itatanong nila. Tsk. Hindi pa kasi nagtanong nung kumakain pa ako.

Napailing nalang ako dahil sa aking mga iniisip. Sinimulan ko nang maglakad papunta sa aking magiging room. Hindi naman naging mahirap sa akin ang paghahanap nito kaya agad akong nakarating sa aking magiging room. Huminga ako ng malalim saka binuksan ang pinto. Ang kaninang naririnig kong maingay na estudyante, ngayon ay mga tahimik at nakatingin saakin.

"What?" tanong ko sa kanila dahilan magsipag-iwas sila ng tingin.

Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan at tingin ng iba habang ako'y patungo sa aking magiging silya. Pinili ko ang nasa dulo kaya doon ako umupo. Hanggang ngayon, nagbubulungan pa rin sila at tumitingin saakin, nawala lamang iyon nang pumasok ang mga Royalties. Nakita kong umupo sila sa may harapan dahilan para hindi nila ako mapansin o makita. Mabuti na rin iyon.

Napaayos kaming lahat ng dumating na ang aming guro.

"Bago tayo magsimula, maaari bang magpakilala ang transferee natin?" sabi ng aming guro.

Dahil ako lang naman ang transferee, tumayo ako at naglakad papunta sa harapan.

"Anica Scientele, 18 years old, fire magic" pakilala ko at mabilis na bumalik sa aking upuan.

"Okay, history nang Magical World ang pag uusapan natin. Ang Magical World ay nahahati sa siyam na kaharian:

Ang Elemental Kingdom na syang makapangyarihan sa siyam na kaharian. Ang namumuno sa kahariang ito ay si Reyna Laine. Si Haring Luis ay matagal ng wala pati na rin ang nag-iisang anak nila na si Princess Elizabeth Laine Luis Anika Smith, ang ating Legendary Princess.

Ang Fierdous Kingdom ang pumapangalawa sa siyam na kaharian. Si Reyna Cally ang namumuno ngayon sa Kingdom na ito samantalang si Haring Sean ay matagalnna ring wala. Si Prinsepe Dean Callixter Sean Forester ang tanging nag-iisa nilang anak.

Sumunod ang Serines Kingdom na kung saan ang pumapangatlo sa siyam na kaharian. Si Reyna Sabrina ang tanging mag-isang namumuno sa kanilang Kingdom dahil si Haring Romus ay matagal na ring wala. Si Princess Sabrina Icelle Aqua ang nag-iisang anak nila.

Ang pumapang-apat sa siyam na kaharian ay ang Aero Kingdom. Si Reyna Nora rin ang tanging mag-isang namumuno sa Aero Kingdom dahil si Haring Ronie ay isa rin sa matagal ng wala. Si Prince Arron Ronie Grey ang nag-iisang anak nila.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon