CHAPTER FORTY-FOUR (𝙸𝙸)

21.7K 966 152
                                    

KAESHA'S POV

"Kaesha! Farrah!"

Mabilis kong nailipat pabalik ang paningin ko sa mga zombies na nasa harapan namin lalo na't ng magsimula itong maglakad. Ngunit hindi mapagkakailang may kung anong pag asang nabuhay sa aking dibdib ng magsidatingan ng mga kasama ko.

Unti na lang... ito na lang, at makakaalis na kami rito.

Ang mga zombies na nasa harapan namin ay parang mga naninibago... dahil sa mga lakad nitong dahan dahan, na parang pinag aaralan ang kanilang kilos.


"Shoot," Bulong ko ulit sa mga kasama ko- literally ay kay Farrah at Lucas bago nagsimulang barilin ang zombies na pinakamalapit sa amin. Pinuntirya ko ang puso nito na dahilan upang mabilis itong napahiga sa sahig na dahilan upang malipat rito ang paningin ng ibang zombies na kasama nito.


And we are right, after all. Ang mga bagong zombies ngayon ay may isip, hindi tulad ng mga nakakasalamuha naming iba.

Nagsimula na 'rin silang bumaril. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nagtatakbuhan papalapit sa amin ang mga kasama ko na pinangungunahan ni Ashton. Nagpatuloy ako sa pagbabaril, nakafocus ngunit pinapanood ang galaw nito.


Nakita kong umamba itong may ihahagis kaya pinangunahan ako ng instinct ko. Nasalo ko ang dalawang baril na dahilan upang mapatigil ako sa pagbaril ng mga zombies na naglalakad lamang papalapit sa amin. Mabuti na lang at hindi ito masyadong mabigat. Kumbaga'y 'sing gaan lamang ito ng mini-uzi na lagi kong ginagamit.

Iniabot ko ang pistol na sa tingin ko'y marami pang laman kay Miss Leviana, habang nakita ko naman si Farrah na inabit ang malaking baril sa nanginginig na kasama nito.


Nang makalapit ito sa akin at sa gilid kong mata ay nakita kong bahagyang nasiko nito si Lucas na dahilan upang mapatingin ang lalaki rito, ngunit ibinalik kaagad ang atensyon sa harapan. Umusog si Ashton, hanggang nasa tabi ko na ito.

"No bullet, shit," Lucas whispered na dahilan upang mapatingin ako rito, at nakita kong namomroblema nitong hinagis ang baril sa zombies na papalapit sa amin. Hindi ako nagdalawang isip na ibigay ang isang upgraded gun na hawak ko.


Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Thanks," he whispered. Nginitian ko lamang ito pabalik ngunit natuon ang atensyon namin sa matandang baliw ng sumigaw ito.

"Hindi nyo ako matatalo!" Sigaw nito at may kinuha nanamang remote mula sa isang gilid. Nanlaki ang mata ko. Ibang zombies nanaman ang maaaring lumabas roon kapag hindi ko napigilan! Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papalapit rito.

Narinig ko ang pagmumura mula sa aking mga kasama ngunit itinuon ko ang buong atensyon sa mga zombies na tumatakbo papalapit sa akin at sa baliw na matandang iyon.

Iniwasan ko ang isang zombies na balak akong kalmutin sa pamamagitan ng pagyuko at mabilis na binaril ang mukha nito pataas. Nang mapaatras iyon ay binaril ko ang kanyang puso bago muling itinuon sa matandang hukluban na iyon.

Binaril ko ang hawak nitong remote dahilan upang tumalsik ito ng hindi kalayuan sa kanya. Nagkatinginan kami at iisa lamang ang nasa plano, ang makuha ang remote na iyon.

Tumakbo siya papalapit rito at yumuko para ito'y makuha ngunit muling binaril ko ulit dahilan upang mapalayo nanaman iyon. Napangisi ako. I have a gun with unlimited bullets, I have the advantage of winning this.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at buong lakas na sinipa ang kanyang mukha. Napaatras ito sa gilid kung saan may mga kemikal at syringe na dahilan upang matumba ito at magsikalatan ang mga nakalagay roon. Huminga ako ng malalim.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now