CHAPTER THIRTY (𝙸𝙸)

24.4K 1K 65
                                    

A/N: Minamadali ko na poooo! Almost thereee! Di na yata aabot sa 100 pages. Ahihihi. (2020 me: Ah, talagang pinaabot. Ngayon iyak ka sa maximum word counts.)



Pagpasok namin sa loob ay halos mapanganga ako. It's like, parang dinala namin ang sala rito sa loob! May limitasyon nga lang dahil medyo masikip ito at sa gilid ay puro bakal na. But still, nakakamangha!

Sa gitna nito ay may kulay pulang sofa na nakapaikot, at mula rito sa harapan, kitang kita ang linis, este kulay puti ang paligid-syempre maliban sa mga bakal na nasa gilid, tapos ang mga baril ay mga nakasabit sa paligid namin. . . literal na nakasabit!

Hindi ko mapigilang mamangha. Naglakad papalapit si Ashton sa kanila at dahil hawak niya ang kamay ko ay napasunod rin ako.

"Ae! Ang cool diba?" sabi ni Farrah at iminuwestra niya ang mga nakapaligid sa amin na para bang isa syang butler sa isang palasyo.

But yeah, it's so cool.

"And you know what? May bedrooms!" Peachy exclaimed, na sinabayan nila Chy at iba pa.

Nabaling ang tingin ko kay Ashton na may pagtatanong sa aking mata, but he just shrugged. Okaaay?

"Ashton, sandali," Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit mas lalo lamang niyang hinigpitan. Kumunot ang noo ko, bakit ayaw niyang tanggalin?

"I'll go with you. Saan ba?" Tanong nya. Aba, aba! Crush na crush ako at ayaw akong maiwan? Mukhang wala na akong choice.

"Doon lang sa control room. I'm just curious how it is being controlled,"

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa harapan-sa control room. Hinawi ko ng maingat ang pintuang di-slide at gayon na lamang ang gulat ko sa dami ng kailangang kalikutin upang ito'y mamaheno! Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Ashton-na hanggang ngayo'y hawak ko pa 'rin pala. He chuckled.

"Don't worry babe, Travis and Shirley are the one on that place and they know how to operate it. Trust them," Bulong sa akin ni Ashton.

Tsaka ako napatingin kay Travis at Shirley na nasa driver seat-dalawa kasi ang upuan sa harap, na may kung anong kinang sa kanyang mga mata, at sa tabi nito na may maliit na upuan ay nakaupo si Zoe habang tumatawa't nakatingin kay Travis. Akala ko talaga ay si Shirley lang dito. Mukhang hindi nila napansin ang presensya namin.

Naglakad papalapit si Ashton sa mga ito ngunit dahil hawak niya ang kamay ko-okay paulit ulit, ay napasunod ako papalapit sa kanila. Mabilis na nalipat ang atensyon ng mga ito sa amin. Si Shirley ay tumango, si Travis ay ngumisi habang si Zoe ay tumayo sa kanyang kinauupuan at nilapitan kami ng may ngiti sa kanyang mukha.

"Oh hey!" Napatingin ito sa kaway naming magkahawak at mas lumaki ang ngisi. "So?" Nanunuksong tumingin ito sa amin. Inirapan ko lamang siya.

"Are you fine here, Travis? Shirley?" Tanong ni Ashton sakanila kaya nabaling ang atensyon namin sa kanyang kinakausap.

Travis, on the other side, seems so happy. "Of course dude!" He answered without looking at us because his full attention is on his new baby. Meanwhile, Shirley lifted his hand for a thumb's up sign.

Tumingin ako kay Ashton na nasa aking gilid, at nakita kong nakatingin rin ito sa akin. Nag init ang pisngi ko ngunit nagfocus ako sa tamang dahilan kaya ako humarap sa kanya, ang itanong kung aalis na ba kami.

"So, aalis na tayo?" He nodded his head at my question, before he looked at our drivers.

"May Auto dyan diba?" Tanong nya sa mga ito. Travis nodded. "Sumunod ka nalang sa loob," Dagdag ni Ashton tsaka niya ako muling hinila papalabas. This time, kasama na namin si Zoe.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now