CHAPTER THIRTY-SEVEN (𝙸𝙸)

19.7K 982 262
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming gumising upang maghanda, at sa totoo lang, wala naman talaga kaming balak gisingin ang iba-kaso, para bang alam nilang aalis rin kami kaya't maaga ring gumising kahit pagod ang aming mga katawan.

"Mag ingat kayo, ha?" Sabi ni ate Tracy habang kumakaway sa amin mula sa pintuan. Tumango ako. Tumingin ako sa iba na may kung anong emosyon... takot, pangamba at pag asa. Ang iba'y nagpupunas ng kanilang mga luha- oh-kay, imaginary tears dahil wala namang tumutulo at may mga hawak lang silang mga panyo na parang pinupunas sa pingi. I rolled my eyes.



Ang hindi lang yata umaarte ay si Shinoa at Zoe na nasa gilid at medyo natatawa sa kalokohan ng aming mga kasama. Napailing ako.



"No need to cry, hindi naman na kami babalik," I said to them, sarcasm that all of them rolled their eyes and stopped theirs acting. Take note, sabay-sabay. Pinangungunahan ni Farrah Fajardo at Shanice Fortalejo.




"Subukan nyo lang. Hindi kami magdadalawang isip na bumalik roon at kaladkarin kayo pabalik rito sa sasakyan," Pagsakay ni Farrah sa sinabi ko na sinang ayunan ng mga babae sa kanyang likuran. Napatawa ako at napailing.



"We'll be going. Mahaba pa ang byahe," Sabi ko sa mga ito bago tumalikod. Hindi ako nakarinig ng salita maski kanino. Alam ko namang nag aalala sila para sa amin. Pero babalik naman kami, eh.



"'Yung plano, ha?" Sumulyap ako kay Farrah na seryoso na ngayon ang mukha. Ang plano namin ay hintayin kami sa lugar na clear at medyo malapit sa nasabing laboratory. With Farrah with them, I told her to give the order when I am not around. She's my right hand, by the way. And they have Damien here, and the other leader materials that are here.


She nodded her head. So I did, too. Humarap ako kay Ashton na nakatayo sa kanyang motorsiklo at mukhang kanina pa kami pinapanood. Hindi tulad ko ay nanatili itong nakatayo roon upang maghintay at tipong tumatango-tango lang kapag sinasabing mag ingat siya. Suplado. Lumapit ako rito.



"Hindi mo 'man lang ba kakausapin sila Blake bago tayo umalis?" Bulong ko rito, sapat na sa aming dalawa lamang na magkaintindihan. Umiling ito bago umayos ng tayo.



"Babalik pa naman tayo," Wika nya at tumalikod. Tsaka ito sumakay sa kulay blue at black niyang motorsiklo. Napamaang ako. Akala ko ako ang magmamaneho ng sasakyan nya?




And yes. We're using Ashton's motorcycle. Sabi niya eh! Tumingin ako sa motorsiklo kong nasa gilid na tipong kapag tinitignan ko ay nagpapaawa na ito'y aking gamitin. I can't resist its charm!




"Ah... Ashton?" Balak ko sanang sabihing kung pwede'y sa motor ko nalang ako sasakay ngunit mabilis itong sumagot, na parang alam na ang aking sasabihin.




"Hindi, at kung maaari, sumakay na ka, babae." Fine!



Padabog akong magmartsa papunta sa kanyang likod at sumampa sa kanyang motorsiklo. I saw him tilt his head through his shoulder to see me. Hindi ako tumingin sa kanya, kundi sa mga nanunuod sa amin. Sakanila ko ibinuntong ang masama kong titig. I heard him sighed.




"Kapag pabalik na tayo, ikaw ang magmamaneho," Sabi nito na parang pangako na siyang nakakuha ng atensyon ko. Tumingin ako rito, and I swear, I could feel my eyes twinkling!



"Promise?" I looked at him with full of hope,



He sighed again like it's a hard decision he'll going to make. "I promise," Labas sa ilong nitong sabi na para bang napipilitan talaga, pero nangako siya kaya't masaya na ako!



Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now