CHAPTER FORTY (𝙸𝙸)

18.7K 939 64
                                    

Mabagal at maingat kaming naglalakad habang nakasuot ng lab coat at medyo nakayuko. Sinusubukan naming maglakad ng hindi kahina-hinala. After all, isang maling galaw, buking na ang lahat.


Kung saan saan nalang kami pumapasok ni Farrah. Hindi talaga namin alam kung saan ang tamang daan papunta sa main chamber na tinutukoy ng babaeng iyon. Well, bakit ba kami pupunta roon?


Para kuhanin ang cure.



Dahil alam naming lahat ng problema ay may solusyon, at hindi sila gagawa ng ganitong klaseng kemikal kung wala silang pangontra rito.



Huminga ako ng malalim at pumasok sa binuksang pintuan ni Farrah. At oo, nanghula nanaman kami ng daraanan.



Mabilis akong napapikit at naiharang ang aking kamay dahil sa kaliwanagan ng buong kwarto. Nagkatinginan kami ng umayos ang aming paningin at medyo napangiti. Many scientists are walking back and forth in front of us. Ang iba'y nagsisipasukan sa iba't ibang mga pintuang nasa paligid namin. Nakahinga ako ng malalim.



Habang naglalakad kami kanina ay may narealize akong bagay. Napakaraming daan, siguro'y ginawa iyon para malito ang kung sinong papasok rito upang mag imbestiga. Nice. Matalino ang gumawa nito.



Nakihakubilo kami sa mga ito. May napansin akong ibang scientists na nagmamadaling tumatakbo sa isang pinto sa aming kanan habang may kausap sa walkie-talkie ng mga ito. Nagkatinginan kami ni Farrah at palihim sa sumunod sa mga ito.



Pagbukas ng pinto ay napapikit muli ako sa sinag ng araw. Masakit sa mata at pakiramdam ko'y hinding hindi ako masanay-sanay. Iniharang ko ang kamay ko upang matakpan ito bago naglakad papalapit sa ibang scientists na natataranta habang nakatingin sa labas. Kumunot ang noo ko at pinangunahan ng kuryusidad.




Dahan-dahan akong naglakad papalapit at halos mapanganga ako ng makita ang tinitignan ng halos lahat ng scientist rito.

Sa ibaba ay napakarami... as in sobrang daming mga armadong sasakyan, pati mga armadong taong aming nasa harapan mula dito sa aming kinasisilipan. Bigla akong kinilabutan. . . lalo na't makita ang nangunguna sa mga iyon. There, I saw Ashton, together with his big sister and other part of our group, are leading the army as if they're facing a revolution.

Pinigilan kong mapasinghap upang hindi kahina-hinala. Finally, they are here. We've been waiting for them to come to this place and save us from hell, as well as to finish everything. Every fucking thing.

Nagkatinginan kami ni Farrah. Napansin kong kumikintab ang mata nito sa luha. Napangiti ako sa ilalim ng face mask na aking suot.



From this distance, I think we're on the third or fourth floor. Kitang kita ko kung gaano kaliliit ang mga tao rito sa aming kinatatayuan ngunit sadyang marami sila. They looked as if an army of ants-only bigger and. . . why did I ever compare humans to ants? Psh. Basta, halos sakop nila ang buong ground rito sa labas.



Bumukas muli ang pinto at halos sabay kaming natense ni Farrah ng malaman namin kung sino ang pumasok base sa boses nito, at sa mga salitang sinabi nito.



"Look for room 6A and 5A, don't let the girls get out. Unleash the door for zombies," Utos nito sa amin.



Ang nagpakaba sa amin ay halos kakaunting distansya lamang ang layo namin rito. Shit. Damn.



Itinuon ko ang tingin sa labas. As long as I can, pinipilit kong huminga ng maayos para hindi kahina-hinala. Ngunit nanlaki ang mata ko nang makita ko kung gaano kabibilis nagsisitakbuhan ang napakaraming zombies papunta sa mga military na papalapit sa amin.



Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now