CHAPTER NINE

51.2K 2.4K 292
                                    

Ay tanga...

"Shit talaga oo!" Sabi ko habang sinasabunutan ang sarili ko nang maalala ang pangyayari kani-kanina lang.

"'Wag mo ngang sabunutan 'yang sarili mo. Konti nalang iisipin na naming nababaliw ka na." Sabi ni Farrah, ang bestfriend ko. "Well, best. Ang sweet nyo nga kanina." Sabi nito at tumawa ng parang baliw. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit nginisihan nya lamang ako. Naalala ko nanaman ang dahilan kung bakit ko binatukan ang sarili ko.

Paano kasi, muntik nanaman akong mahulog. Am I that clumsy? As far as I could remember, I'm not!

Paano kasi, sino bang tangang biglaan nalang didiretso ng upo kahit na alam nyang mabilis ang andar ng sasakyan? Ayos na iyong nakadapa kayo at may hinahawakang bakal, 'diba? So in the end, I almost fell, but this time, Ash prevented me from falling.

Kaya ngayon, para siyang nakayakap sa akin habang ako'y nakasandal sa katawan niya. Maybe it was his instinct to grab me and hug me earlier? Aish! Pero ngayon, ramdam ko ang init ng katawan nya pero natauhan kaagad ako ng magsalita ito.

"Tss, kanina ko pa sinasabing mag-ingat ka." Asar na sabi nito sa akin habang bumabaril sa mga zombies gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa'y nakapalibot sa baywang ko. Nahiya naman ako sa pwesto namin kaya nagmamadali ngunit maingat akong lumayo sa kanya. Syempre nag-ingat na talaga ako ng todo! Ayaw ko ng maulit pa yung nangyari 'no!

So ayan nga ang dahilan! Nakakahiya kasi eh! Napatingin ako kay Ash na nasa pinakadulo ng bus at natutulog habang nakaupo at naka-crossed arms. He looks so peaceful while sleeping. Did I already mentioned that despite of his sharp and deep set of eyes, he has an innocent face? Mata nya lang talaga ang masamang tumingin, e! But now, he looks like a puppy. He's cute while sleeping, but when he's awake, he's handsome as devil.


Wait... what am I thinking? Mali, bakit rin ako nakatingin sa kanya?!

Napaiwas din agad ang tingin ko nang naramdaman kong siniko ako ng magaling kong bestfriend.

"Oh bakit, Farrah the Maldita?" Umirap pa 'ko pagkatapos kong sabihin yan pero ang lola nyo, ngingiti-ngiti lang at nakatingin ng may malisya sa akin.

Well, hindi naman talaga sya maldita. Maybe it's just her cover up. Well, snob talaga 'to sa school. Mukha ring masungit dahil sa kilay nitong laging nakaayos. For her, kilay is life daw. Ako lang naman yata ang hindi naniniwala sa kasabihang 'yan, e.

Pero kung ako tatanungin, parang halos magkapareho lang sila ng ugali ni Shan nung una ko itong makilala. Si Farrah? Sa una lang 'tong tahimik. Ngayon nga'y nahihiya pa at bubulong-bulong lang sa akin. Pero for sure kapag kumportable na 'to sa mga ito, mas madaldal pa 'to kay Shan. Just wait and see.

Maya maya ay naramdaman ko itong lumapit muli at bumulong. "Hindi ko alam na may chance ka pa palang magka lovelife sa ganitong sitwasyon. Akala ko forever single ka na," Kinikilig na sabi nito habang humahagikhik na parang baliw.

Muntanga lang ganon! Inirapan ko na lamang ito.

Naramdaman kong may kumalabit sa akin. Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Dannah, ang nakababatang kapatid ni Damien. Napansin ko naman ang biglang pananahimik ni Farrah sa aking gilid ngunit hindi ko nalang gaanong binigyan ng pansin.

After all, it's Dannah, Damien's little sister. And Damien is Farrah's ultimate crush.

"Hey Dannah," Sabi ko dito at ngumiti, yumuko ako at pinantayan sya. Nahihiyang ngumiti ito at yumuko, pinaglaruan ang dulo ng skirt na uniform namin.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now