▶︎ 𝚒. 𝗘𝗣𝗜𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘

37.5K 1.6K 387
                                    

Ikinasa ko ang baril ko at dumungaw patalikod at sinimulang barilin ang mga zombies na humahabol sa amin. Hindi pa ako nakuntento, umupo ako sa bintana nitong armored car at nagsimulang bumaril sa mga hayok na hayok sa laman na walang ibang ginawa kung hindi kumain.

"Best! Haluuu!" Napatingin ako sa armored truck na nasa harap namin at nakita si Farrah na nakaupo din sa upuan, tulad ng ginagawa ko, habang kumakaway sa akin at malaki ang ngiti sa labi. Napairap ako at humarap sa nasa likuran namin at magsimulang bumaril muli.

Maski hindi ko nakikita ay alam kong ngumuso ito.

Wait... did I already mentioned that we're using the upgraded gun?

If not, well, yes. We're using the upgraded gun, that's why our bullets are unlimited. Depende nalang pala kung bigla 'tong malowbat. Astig' no? Iba talaga ang nagagawa ng technology.

Bawat baril ko sa mga zombies ay natutumba na agad ang mha ito, siguro dahil sa drugs na inilagay dito ni Ms. Tina na gawa ni Tito Alfred at Tita Regina. Nakalimutan ko ang tawag dito.

Phytoplaci- something? Heck, I fucking hate chemistry.

Kung ordinaryong bullet ang gamit namin ay kailangan pa namin itong barilin nang makalawa, kaya mabuti na rin at nakagawa sila Tita Regina ng ganitong klaseng kagamitan. It's so cool, and you don't have to pull the trigger twice or thrice just to kill those zombies.

When I said to kill those zombies, I'm pertaining about the opposite of kill.

Isang bala ng baril na tatagos sa kanilang katawan ay mamamatay ang mga ito- their virus will be burned- just like what I've experienced back then, as the cure will seek every virus within the body until it left with no one.

The dead cells will also regenerate- all thanks to the prodigies known as Gia, Bench and Sheena, who created a drugs that could regenerate the cells faster than the usual cure. Ang sabi ay kahit ang putol na kamay ay magsasarado dahil sa gawa ng platelets na nabuboost rin nung drug.

I don't know, but I find it cool!

Iyon lang, hindi sila nakakatubo ng panibagong kamay o ano. Syempre, iba na 'yon.

"Ae! Fuckingshit! Focus! You evil witch!" Felix's voice woke me up from my amazement that I almost jumped- from a moving car! Holy fucking frog!

Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang isang baril- ang favorite kong baril na Mini-Uzi!

"Felix bobo!" Gulatin ba ako habang nag iisip ako ng malalim?! At sayang ang baril!

"Alam kong miss na miss mo na ang bebe mo pero please lang, nasa gitna tayo ng mission!" Paalala sa akin ni Felix na nasa misyon kami pero hindi ko miss ang bebe ko!

Umirap ako. "Sana all may bebe," At nagsimula muling bumaril gamit ang nag iisa at natitira kong Mini-Uzi. Gosh. Sayang talaga ang nahulog!

Narinig kong natawa ito.

"Bakit, hindi mo ba bebe si Ashton?" Pang aasar nya sa akin. Napairap ako nang marinig ang pangalang iyon at mabilis na nag init ang aking ulo.

"Ashton who?" Wika ko at ibinuntong na lamang ang galit sa mga zombies- na wala rin silang choice, upang maging tao silang muli.

It's been two years. Two fucking years since we escaped that hell. And in those two years, we've been busy creating cure while teaching the others to fire a gun, those who are helping us to clean this country.

Dahil nga sabi ko... I mean ang hiling ko dati na sana'y naging zombies na rin ang mga corrupt na officials, nagkatotoo iyon. Kaya't ang nangyari, gumawa kami ng panibagong House of Representatives at syempre, panibagong Presidente ng aming lugar.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Where stories live. Discover now