CHAPTER TWENTY (𝙸𝙸)

26.2K 1.2K 115
                                    

As we walk towards the cafeteria, you could see people busy with different things- some are typing in their laptops, some are busy reading paperwork, but most of them are walking back and forth with haste in their movements. Gising na gising ang diwa dahil sino ba ang makakatulog pagkayari ng pangyayaring iyon?

There's no child less than ten years old in this place. Sa estado rito, ang mga 10 years old pataas ay pinagtetraining na rin, habang ang mga 9 years old pababa ay pinag aaral pa, ngunit sa West Wing lamang sila pwede at hindi maaaring tumapak sa ibang parte rito bukod sa parks and playgrounds.

"They're here," Narinig kong wika ng isang guard sa earpiece nito bago sumaludo sa amin at binuksan ang pinto ng cafeteria. Natigilan ako nang makita ang lugar na aming pupuntahan. Hindi ito ang aking inaasahan.

Pagbukas namin sa pinto ay bumungad sa amin ang long table kung saan nakaupo ang mga mahahalagang tao. Mula sa Presidente na nasa pinakagitna, at mga matataas na tao. Nandoon rin si Ashley at si Chief 1 na hanggang ngayon ay hindi ko kilala. Nagawi ang paningin ko sa isang babae na na nakayuko at kumunot ang noo ko.

Brooklyn? Tama ba?

Naramdaman niya yata ang titig ko kaya napaangat ito ng tingin, at natigilan nang makita ako. Hindi nagtagal ay tipid itong ngumiti na siyang sinuklian ko rin ng ngiti bago nag iwas ng tingin at ibinaling ang paningin sa Presidente.

They know me for being rude so... "What's the matter?" Maghikab ako dahil hindi ko napigilan at kinusot ang aking mata, medyo ramdam pa rin ang lamig sa aking balat mula sa pangyayari kanina ngunit pilit na isinasawalang-bahala.

Naglakad ako sa mga bakanteng upuan, at sa aking likod ay ramdam kong sumunod sa akin si Ashton. Because of that, Brooklyn's gaze lingers on us that I tried my best to ignore even though I'm somehow feeling guilty. I admit that what I am doing is wrong, and letting Ashton do those things despite being engaged to someone else is also wrong.

This needs to end.

Nang maramdaman kong hindi sumusunod ang mga kasama ko ay bumaling ako sa mga ito at tinaasan sila ng kilay. Dali-dali itong nagsiupuan at para bang biglang naging mga anghel na ikinailing ko.

Ang iba'y tumayo sa likod dahil walang maupuan ngunit nagtayuan rin ang ibang kanina pa nandito na nakaupo upang bigyan sila ng upuan. Inalis ko ang tingin ko sa mga ito at ibinalingsa harap.

"Best... hindi nyo naman sinabing formal dinner pala 'to. Nakakahiya, sana nag ayos man kami o baka hindi pala kami invited dito," Bulong sa akin ni Farrah na siniguradong kami lamang ang makakarinig. Ngumiwi ako.

Ni-hindi ko alam na may ganito pala. Tsaka dinner? Duh, it's past midnight! It's almost 3am, I think? I don't know, I'm not sure. But one thing for sure, we've been awake for nearly 24 hours already.

Humarap ako sa aking katapat at nakitang si Lieutenant Ashley at Chief 1 na pormal na pormal ngunit pinapanood kami. Lieutenant Ashley winked at me with a smirk on her face, while Chief 1 just nodded her head to acknowledge our presence. I just nodded too.

"Everyone is here. Let's start?" Announced by someone... I don't know, and I don't have any plan of knowing them. Tumanga lang ako habang nakikinig sa kanilang magsalita.

Unang pinag usapan nila ay kung saan ilalagay ang mga taong nasa gymnasium upang magpalipas ng gabi. Hindi kasi maaaring bumalik sa apartments dahil mas gusto daw nilang magsama-sama ang mga iyon dahil mahirap na, baka may nakatakas na zombie at kainin kami habang tulog.

Hindi sila pwedeng nasa loob lamang ng gym ang mga ito dahil puno na at masyado silang siksikan- base sa aking naririnig. Kailangan ng mas maluwag. Naisip kong sa Football Ground nalang at magtayo ng mga tents. After all, it's located at the West Wing-utterly opposite to the East Wing where the laboratory and hospital is located. Nakita ko iyon nung naglilibot ako at masasabi kong maluwag roon. Ngunit hindi ako nagsalita.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat