Sa pagkakatanda ko, ang Chimera ay isang nilalang na may mga parte ng iba't-ibang hayop. Mayroon siyang ulo ng isang lion, at sa katawan nito ay may ulo ng mabangis na kambing. Ang buntot naman ay katawan ng ahas.

Weird kung idedescribe mo pero isa sa pinakamalakas na nilalang dahil sa pinagsama-samang kapangyarihan ng taflong uri ng hayop.

May natatangi siyang bilis, lakas, at kakayahan para matapos kaagad ang buhay ng kalaban niya.

Huminga ako ng malalim. Marami kaming lahat dito na pwedeng lumaban. Ang una lang namang makakapagpabagsak ang siyang makakakuha ng points.

Isang malakas na hangin ang dumaan sa 'min dahilan para ilihis ko ang tingin at pumikit para hindi mapuwing.

"Umpisa na. Maghanda ka," sabi ni Red. Napatingala kaagad ako. Pansin kong lahat sila ay nakahawak na sa kanilang mga swords.

"Nasaan ang Chimera?" Tanong ko bago humawak sa 'king sword.

"Maaaring malapit lang siya rito at nagmamasid."

"Paano 'yan? Hahanapin pa natin siya at uunahang atakihin?"

"Hindi na kailangan." Bigla nalang inihanda ni Red ang kanyang sword na parang handa na siyang umatake. "Nandiyan na siya."

Nagulantang ako nang isang malakas na ungol ang bumulabog sa tahimik na gubat.

"Sa likod niyo!" Sigaw ko kina Collin. Lahat sila ay lumingon sa Chimera na mabagal na naglalakad mula sa isang sulok ng gubat.

Napahawak ako sa sword ko. Higit pa sa inaasahan ko ang itsura niya. Doble ang kanyang laki at mas mabangis tingnan!

Patuloy lang na naglalabas ng galit na tunog ang lion ng Chimera habang lumalapit sa 'min. Kasabay nito ang tunog ng ahas na nasa buntot niya at ang nagngingitngit na ngipin ng kambing.

Nang ilang metro nalang ang layo niya, huminto siya. Tinitingnan ng mga parte ng Chimera ang bawat isa sa 'min.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Kaya ko 'to. Kaya mo 'yan Irine, h'wag kang kabahan.

"Irine," tawag ni Red. "Kapag sinabi kong takbo, tumakbo ka palayo at magtago sa punong nasa kaliwa mo."

Tumingin ako sa kaliwa. May isang makapal na puno nga na malapit sa pwesto ko.

Tatanungin ko sanang muli si Red pero umungol muli ang Chimera. Napansin kong naghahanda siya para sa maaari niyang gawin.

Bigla siyang tumigil at mistulang 'di huminga bago unti-unting ibinuka ang kanyang bibig. Nanlaki ang mga mata ko. Alam ko na!

"Takbo!" Sigaw ni Red.

Kaagad akong tumakbo at nagtago sa likod ng makapal na puno bago pa man kami maabutan ng ibinubugang apoy ng Chimera. Isa 'yon sa kapangyarihan niya.

"Red!" Halos mapanganga ako. Akala ko tatakbo siya kasama ko pero isinangga niya ang kanyang sword sa apoy. Gising na ang spirit ni Red at tinanggal niya na ang limitasyon kaya muli ko na namang nakikita ang kakaibang kulay ng kanyang mata.

Nakakamangha. Hindi natatamaan si Red ng ibinubugang apoy ng Chimera at mistulan lang itong nahahati sa dalawa mula sa sangga niyang sword kaya hindi siya naabutan ng mainit na apoy.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now