Tinignan ko ng matalim si Rover at nakatingin naman sya kay cassandra. Ano? Ako ang kontradiba rito? Ano? ako ang nang-aapi?! How sad! Kingina talaga.
Bago pa tumulo ang panibagong luha na lagi nalang naiipon ay umalis nako, Walk out lang ang peg ko don. Pero wala akong pake! Masakit e! Sobra na!
Kinuha ko ang phone ko sa pouch at tinext si Calvin na ihatid nako pauwi dahil wala naman akong dalang kotse.
Gusto ko sanang mag kwento kay Shile pero alam ko namang bawal sa kanya ang mastress baka ako ang pagalitan ni Caleb imbis na si Shile dapat.
Hindi ako lumingon at patuloy nalang naglakad palabas ng hotel. ngunit ang hindi ko inaasahan ay may nakaabang na Van doon.
Napakabilis ng nangyari at hawak na nila ako. Nagsisisigaw ako pero sadyang walang nakakarinig saakin.
“Tulong!” Sigaw ko.
Ngunit ang isa sa lalaki ay sinampal ako nang pagkalakas lakas na tipong nalasahan ko ang aking sariling dugo.
“Ano bang gusto nyo?”
Humalakhak naman ang isang pangit na lalaki.
“Kapatid mo si Mr. Woodson hinde ba?” Sabay tawa ulit na parang nababaliw.
“Pakawalan nyo ko ano ba!” Ngunit sinuntok lang ako ng lalaking sumapal saakin.
Nanghihina ako.
“Manahimik ka! Pasensya ka miss pero sadyang ikaw yata ang gustong kunin ni boss. Sayang ka maganda ka pa naman. Makinis!” Sabay hawak nya sa muka ko pababa sa leeg.
Omygod! Please Help me. Calvin where are you?
Tumulo ang luha ko sa kaba at takot. Kinakabahan ako sa kung anong mang-yayare saakin at natatakot dahil baka mapahamak si Rover.
Iniwas ko ang aking mukha dahil nangdidiri ako sakanya.
Nagpupumiglas ako ngunit sadyang malakas sila at patuloy parin sa pagkaladkad.
“Hoy Bitawan nyo sya!” Omygod! It's Calvin.
“CALVIN HELP ME PLEASE!” Sigaw ko at nanlalabo na rin ang aking paningin dahil sa mga luha
Nagpaputok ng dalawang beses ang mga lalaking dumukot sakin ngunit mabuti nalang ay hindi natamaan si Calvin.
Ang mga tao sa hall sy nagsilabasan pati na ang mga reporter. At nakita ko rin sila mommy at daddy na nakatingin saakin at umiiyak, Paulit ulit nyang binibigkas na iligtas ako.
Napahagulgol ako nang makita ko si rover na huling lumabas. Mabuti naman at ligtas sya. Nakita kong may hawak syang baril pati narin di Caleb. Where is Shile? Ayon sya katabi nila mommy.
Eto na ba ang katapusan ko? Ni hindi nga ako naging masaya dahil hindi pa napapasaakin si rover tapos ngayon mamamatay na agad ako? Ayoko! Hinde pwede.
“Put your Guns! All of you! At pakawalan nyo sya!” Sigaw ni Rover.
Nakita kong nagtatangis ang kanyang bagang puno ng galit ang kanyang mga mukha.
Umiling-iling ako habang hunahagulgol. Hindi! Hindi pwede mapahamak sya dahil mas gugustuhin ko pang masaktan kesya sya.
Pasimple kong kinuha ang maliit na kutsilyo na laging nakaipit sa aking hita. Si rover ang nagbigay nito at buti nalang ay nadala ko sya ngayon.
Tinuruan nya ako sa self-defense at masasabi kong natuto naman ako.
Hindi parin nawawala ang ingay sa paligid. Pati si mommy na humahagulgol at umiiyak na si shile at si daddy na nagiging malakas para sa kanilang dalawa.
I need to fight. Hindi pwedeng mamatay ako sa ganitong sitwasyon. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hindi pa ako minamahal ni Rover, kaya hindi ako susuko!
Siniko ko sa mukha ang isang lalaki dahil dalawa silang nakahawak sakin at ang isa naman ay tinarak ko ang kutsilyo sa kanyang hita at kinuha ang kanyang baril.
Bakit magpapadala ang boss nya ng apat na tauhan? dahil ba alam nyang ako lang ang kukunin kaya minamaliit nya ko?
Pinaputukan ko ang isa sa kanyang hita at narinig ko ang putukan kila rover kaya tumakbo ako papalit sakanya. Ligtas nako!
Isang malakas na putok at mga sigawan.
Wala akong naiintindihan sa paligid ko. Ang taging nakikita ko lang ay ang humahagulgol na si mommy at si daddy na papalapit sa kinaroroonan ko.
Ikawalang putok.
Isang malakas na sigaw galing kay rover at isang putok ng baril galing kay Calvin.
Bumaling ako kay rover na ngayon ay tumatakbo sa kinaroroonan ko. Ngumiti ako sakanya.
Parang slow motion ang lahat, parang isang prinsipe ang gustong sagipin ang prinsesa sa panganib.
Ngunit sadyang may hangganan ang lahat, Marahil ay hanggang dito nalang.
Napaluhod ako sa sobrang panghihina at nagsuka.
Dugo..
Bago ko isara ang mabibigat na talukap ng aking mga mata ay tumingin ako kay rover.
Kahit nahihirapan akong sabihin ay sinabi ko parin.
“I- - I love you”
Naramdaman kong nakahiga na ako sa malamig na kalsada.
At pumikit sa sobrang kapagudan.
YOU ARE READING
Twisted Paths (SMBB)
General FictionNot related by blood but he's my Big Brother Not related by anything But He is my Big Brother. He is my Everything but he decline it. He is my Life but he Refuse it. He is my Big Brother and I inlove with him.
Chapter 20 - The Event 0.2
Start from the beginning
