Nag commute na lang ako galing sa bahay. Pagbaba ko sa harapan ng building ay may naka sabay akong isang babae.

Maganda siya, maputi, sexy pero kinulangan ata sa tela ang damit. Ewan ko ba kunh bakit noon ay nagagandahan at na se-sexyhan ako sa mga damit na iyan. Sa mga nakalipas na taon, doon ko lang na realize na ang pangit naman pala ng sense of fashion ko noon.

Yes, i believe before that you should not be ashamed of your body, i always have this quote on my mind that if you have it flaunt it. But that isn't really it. Yes you should not be ashamed of your body. Instead we should be proud but not to the extent that you should wear vulgar clothes to the public just to show to everyone that you are sexy. I am not against to some woman who wanted to wear those kind of clothes but always choose to wear it in a proper occasions. Dahil minsan nag cau-cause ito ng disgrasya. Because the sexiness of a woman's body is not by wearing super sexy clothes or showing off too many skins. It's about how you carry your attitude, yourself and your body. That's what makes a woman sexy for me.

Nasa elevator na ako at isasara na sana iyon ng may kamay na humarang dito dahilan para bumukas ulit ang pinto ng elevator. Pagkakita ko sa kung sino iyon ay ang babaeng nakita ko na sobrang sexy kanina. She entered the elevator with sophistication. Pagpasok niya ay sumalubong agad ang amoy ng kanyang pabango sa akin. Babaeng babae ang amoy niyon.

Pagkarating ko sa palapag kung nasaan ang opisina ni Cavill ay naisipan ko muna na pumunta sa comfort room sandali.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko at bakit kanina pa ako ganito. For the past 4 years i have never been conscious on what i look. Parang ngayon lang ulit bumalik. Pagpasok ko sa banyo ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin.

Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin?

Pagkatapos ng pagmumuni muni ko sa banyo ay nagpunta na ako sa opisina ni Cavill. Nasa harap na ako nang pintuan ng office niya, ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin?

Bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Unti-unti kong pinihit ang door knob at dahan-dahan na pumasok sa loob. Agad na nanigas ang buong katawan ko. Hindi ako makahinga ng maayos. At may namumuo ng luha sa gilid ng aking mga mata.

Nabitawan ko ang dala kong bag na mag laman ng ulam na dinala ko para kay Cavill. Nadinig nila ang pag bagsak ng ulam sa sahig kaya naman napatingin sila sa direksyon ko at nakita ko si Cavill na bakas ang pagka gulat ng mukha ng makita ako.

Ito ba ang gusto niyang sabihin sa akin? Na may mahal na siya? Nag iisip pa ako na baka may sorpresa siya sa akin pero ako pala ang masosorpresa sa nakita ko.

Sana naman kung gusto niyang sabihin na may mahal na siya ay sana naman sinabi niya nang maayos at hindi sa ganitong paraan.

Pinigilan ko ang luha ko sa harap nila. Tila hindi makakilos si Cavill dahil nakatulala itong nakatingin sa akin.

"Pasensya na po sir nakaabala pa ako. Pinadalhan po kayo ng ulam. Kumain na daw po kayo. Sige po aalis na po ako." nagulat pa ako sa sarili ko at nagawa ko pang ituwid ang pakakasalita ko.

So, ano iyong mga sinabi niya sa akin noong lasing siya? Wala lang iyon?

Siguro nga hindi naman talaga lahat ng sinasabi ng lasing ay totoo. I was really hurt seeing Cavill and that woman kissing in front of me. Ngayon pa na amin na amin na ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

But Cavill has the right to do whatever he wants. Hindi naman kami. Hindi rin kami kasal kaya naman walang mali sa ginawa nila.

Tumakbo agad ako papuntang elevator at agad na pinindot ang ground floor. Hindi ko na napigilang umiyak habang nasa loob. Napakabigat ng nararamdaman ko ngayon.

And you know what's the worst? You feel like you are being cheated but in the first place there was never an us and he actually didn't do wrong.

Nag assume lang talaga siya ng sobra, kaya naman ganito ang nangyari sa kanya. Ang assumera naman kasi niya.

Pero siguro this is my karma now. Before i was the one who ruins a relationship. Kahit pa sabihin ko na sila naman talaga ang lumalapit sa akin ay hindi ko iyon pinapansin ikanakaila ko sa sarili ko na wala akong kasalanan dahil wala naman akong inaagaw. Pero ngayon baka karma na itong nangyayari sa akin.

Nang nasa ground floor na ako ay hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Tila nawalan na nang direksyon ang utak ko. Ang OA mang pakinggan pero iyon talaga ang nararamdaman ko ngayon.

Naglakad lang ako nang naglakad. Hindi ko napansin na pagabi na pala. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Then the scene of Cavill kissing another girl flash in my mind. Agad na nanubig ang magkabilang mata ko.

Nakarinig ako bigla nang mahabang busina at paglingon ko sinalubong lang ako ng liwanag.

Isa lang ang salitang nasambit ko.

"R-Ryko..."




Note ni Prinsesa:

Hi maharlika babies! Yieee another chapter na naman ang natapos ko. Kumusta na kayo? Humihinga pa ba? Sana ay maayos lang kayo. At sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Comment and vote please. Love ya all. Always remember that ;>

And for those who want a dedication just follow me and comment or message ;>

Edited and revised ☑

My Stepbrother Is The Father Of My Baby (✔) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora