"It's fine, Arianne. You don't need to show me that." Sabi niya at natatawa pa din sakin.


"Nako, pasensya ka na baka miscommunication lang ito. Sandali tatawagan ko muna si Lolo." Paumanhin ko sakanya. Agad kong tinatawagan ang Lolo ko.


Nagriring lang ang cellphone ni Lolo pero walang sumasagot. I think nasa meeting pa sila o kaya iniiwasan lang ako kausapin nun. Kainis talaga! Tinext ko na lang tuloy si Lolo. Pero I doubt na magreply din ito. Si Kuya naman nako lagi silent cellphone nun. Nunka sumagot iyon ng tawag. Kakainis!


Tumingin naman ako kay Zyren at sumenyas sa kanya ng 'wait lang' at binigyan siya ng alanganing ngiti at medyo tumalikod ako sakanya at patuloy na kinontak ang Lolo ko.




Maya maya naka receive ako ng text message mula sa Lolo ko.



Lolo ❤️

Apo, nako di ka pala masusundo ni Roger kasi na traffic daw kaya pinakiusapan ko na lang si Zyren na ihatid ka. Enjoy kayo. Ingat pauwi.



Nanlaki naman ang mata ko ng mabasa ang message ng Lolo ko! Sabi ko na nga ba! My old man and his wicked schemes! Sinet up na naman niya ko kay Zyren! Grabe!



Nanghihina akong humarap kay Zyren. Binigyan ko siya ng isang tipid habang kinakamot ang leeg ko. Jusko! Ano sasabihin ko sa taong to. Nakakahiya!


"Ahehehe Zyren--- pasensya ka na talaga." Sabi ko sakanya at nakayuko.

"No biggie. Para ka namang iba. So shall we?" Nakangiting sabi ni Zyren. Labag man sa loob ko no choice naman din ako. Hindi ako marunong magcommute!Pero di ako uuwi muna sa bahay kakainis si Lolo!

At iginiya na niya ko sa sasakyan niya. Pinagbuksan niya ko ng pinto. Zyren was ever the gentleman. Pero hindi pa ko nakakapasok sa loob e nabigla naman ako ng may biglang humila sakin.

Walang ka abog abog e hinila ako nito sa kasunod na sasakyan. At dali daling pabalyang pinasok sa shotgun seat doon. Sinarado naman din niya. Di ako nakapalag! Hala ano makikidnap naman ba ako ngayon? Anong nangyayari? Loading ang utak ko.

Ang bilis ng mga pangyayari nasa loob na din ang humila sakin at ngayon paalis na kami sa hotel. Nakita ko pa si Zyren na humahabol sa amin. Hindi agad ako nakareact sa bilis ng mga pangyayari. Kaya nung napansin ko umaandar na ang sasakyan at nakalayo na kami sa hotel ay ayun na nahanap ko na boses ko.

"T-Teka!" nagpapanic na sabi ko at napalingon naman ako sa taong nagkidnap sakin. Aba talagang kidnap ito! Bigla na lang niya ko kinuha.

"Brett!" Gulat na sambit ko. Nakita ko naman ang galit niyang anyo. Magkasalubong ang mga kilay at halos mamuti na ang kamay niya sa higpit ng hawak niya sa stirring wheel. Nagngangalit naman ang mga panga niya. At may suot siyang black cap at grey na hoodie. Shems! Bakit ang hot?


"Wag mo muna ko kausapin, Arianne." Mababang tono ng boses ang gamit niya at nagtagalog siya! OMG! Feeling ko may dark aura sa paligid niya.


"Ikabit mo seatbelt mo." Pahabol niya pa.


Sumandal naman ako sa backrest at sumunod na lang sa sinasabi niya.

"Bakit ka galit?" Nakapout na sabi ko.


"Sinong di magagalit? Sasakay ka na naman sa sasakyan ng unggoy na yun!" He spat at lalo pa niyang hinigpitan ang kapit sa manibela. OMG!


Bakit di ako natakot kahit galit na siya? Imbes na matakot natawa na lang ako sa sinasabi niya. Ang cute naman ng asawa ko! Hihihi. My heart swelled.


"Anong nakakatawa?" Sabi niya sa naiinis na tono. Ewan ko lalo ako natawa. Hahaha.


"Nagseselos ka ba ha? Hubby hmm?" Wala feel ko lang siya tudyuhin. Humarapa ako sa gawi niya and I bat my eyelashes at him. Talagang nagpacute ako sakanya.


Nagulat naman ako ng itabi niya sa gilid ang sasakyan at saka ako galit na hinarap. Hala nainis na ata talaga! Gusto ko na matawa sa akto niya kaso inaaqat ko. Bet ko pa siyang inisin. Hahaha.


Hindi ako sa nagpatinag at amuse na tiningnan ang galit niyang mukha.



"How many times do I have to repeat myself to you, woman?" Napaawang na lang ang labi ko. Kasi galit na talaga siya. Madilim ang mga mata niya at salubong ang kilay tapos yung panga niya nagclench. OMG! Ang init talaga sa Philippines! Hihi.


"Ano ba yun?" Pinungayan ko pa ang mata ko at nagpangalumbaba. I was still looking at him amusely. Lalo naman nagigting ang panga niya.


"I told you already. I am a selfish lover, Arianne Shawna. I do not like sharing what's mine." Tila nabwiset na siyang tuluyan kaya naman halos sigawan niya na ko. Nakakatuwa siya para siyang batang nagtatrantums. Napasuklay pa siya sa kanyang buhok dahil inalis niya ang cap niya. Tapos namumula din siya.


Hindi ko na naawat natawa na talaga ko.

_ _ _ _ _ _ _

Sorry may ngayon lang ito ang tagal mawala ng migraine ko. Huhuhu.

Comments are highly appreciated! Nagrereply po ako at follow back. Hahaha.

I'M MARRIED TO A STRANGER (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now