Chapter 40: Royal Come Back

14K 381 29
                                    


Abigail

Malalim akong napabuntonghininga pagkaalis ng mga tao. Kakatapos lang ng meeting ko kasama ang mga board of directors ng isang public school sa bansa.

Nakakapagod nitong mga nakaraang araw dahil madami akong pinuntahan. Naging abala ako sa trabaho sa loob ng apat na araw na wala si Kael. Nalulungkot na naman ako kapag naiisip ko siya. Hindi kasi maganda ang nangyari pag-alis niya.

Nagalit siya sa akin nung kinausap siya ng hari bago siya umalis tungkol sa gusto kong pumunta sa Amrika para makita sina mama. Hindi raw ako makaintindi na hintayin na mabakante siya. Pinaalam ko pa raw sa hari ang tungkol dito kaya napagsabihan daw siya at nagmukha pang siya ang may kasalanan. Kaya ayon, nagalit siya sa akin. Simula nung umalis siya papuntang North, ni hindi ako nakarinig ng kahit ano mula sa kanya. Hindi siya tumawag o nag-text man lang para kamustahin ako.

Nakakatampo si Kael pero hindi ko maiwasan na hindi siya ma miss. Nasanay kasi ako na kasama siya. Pero naiinis pa rin ako sa kanya dahil pinagalitan niya ako. Hindi ko naman sinadyang ipaalam sa hari ang tungkol sa gusto ko.

Napasandal ako sa upuan saka minasahe ang noo ko habang nakapikit. Gusto ko nang magpahinga.

"Gusto niyo na po bang umuwi, Your Highness?"

"Nagparamdam na ba si Kael?" nakapikit na tanong ko kay Lady Zia.

Hindi siya sumagot kaya dumilat ako para tingnan siya. Base sa reaksyon niya, mukhang alam ko na ang sagot. Ayaw niya lang sabihin sa akin ng diretso baka iniiwasan niyang malungkot ako.

"Okay lang, Lady Zia," sabi ko saka tumayo. "Umuwi na tayo."

Tahimik lang ako habang pauwi. Wala akong gana dahil sa pagod, pag-aalala at lungkot na nararamdaman ko kaya nagpahatid nalang ako ng dinner sa kwarto.

Nung sumunod na araw, tahimik lang akong nagbabasa ng libro sa old library. Pagkatapos ng lunch ay naglakad lang ako mag-isa sa garden. Makalipas ang ilang minuto ay umupo ako sa harap ng water fountain.

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napabuntonghininga ngayon araw. Ang dami ko kasing iniisip, ang trabaho ko, pamilya ko, ang kalagayan ni mama, si Kael at ang baby ko. Hindi nakatulong na buntis ako dahil mas lalo ako naging emosyunal.

"Do you mind if I join you?"

Nagulat ako nung biglang nasa harap ko na ang reyna. Ang lalim ba ng iniisip ko para hindi mapansin na dumating siya?

Mabilis akong tumayo para yumukod sa kanya. "Good afternoon po, Your Majesty."

"Good afternoon," bati rin niya. "Please, let's have a seat."

Tumango ako saka naupo sa bench katabi niya. Sobrang straight ng pagkakaupo ko para hindi niya ako mapagsabihan tungkol sa posture ko bilang isang prinsesa. Pinaglalaruan ko rin ang mga daliri ko habang naghihintay na magsalita siya. Ewan ko ba bakit hindi ako mapakali kapag kasama ko ang reyna. Intimidating kasi talaga siya kaharap.

"You can loosen up, princess. I don't bite."

Napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti pero mukhang alanganin na ngiti ang kinalabasan nito.

"Sorry po," sabi ko.

Tumango siya bago sinabing, "Thank you for baking lemon cupcakes for me every week. You are a good baker."

"Walang anuman po."

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil nagpasalamat sa akin ang reyna. Natutuwa akong malaman na na-appreciate niya ang ginagawa ko para sa kanya. Akala ko kasi ay wala siyang pakialam sa effort ko.

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now