Chapter 5: Royal Engagement

15.7K 416 13
                                    


Abigail

"Pwede bang magpalit ako ng damit? Napaka-sparkly kasi nitong suot ko. Hindi ako sanay sa makintab na suot."

Nakatingin ako sa sarili ko sa harap ng isang malaking salamin dito sa walk in closet ko. Kakatapos lang nila akong ayusan.

"Hindi po pwede. Yan ay pinagawa pa po ng Royal Wardrobe para sa inyo para suotin ngayong gabi. Ilang libo po ang halaga niyan at sayang lang kung hindi ninyo susuotin."

Kahit hindi ko gusto itong suot ko ay napatango nalang ako. Wala naman kasi akong magagawa.

Naka-gown kasi ako na kulay white na may mga beads and glitters kaya makintab tingnan. Quarter sleeves ang haba nito sa mga braso ko kaya sobrang classy ko tingnan. Kasama kasi sa Royal Etiquette ang pananamit na hindi dapat nakikita ang dibdib, underarm at ang upper thighs which is pabor sa akin. Pero yun lang, ayoko lang ng sobrang gara tingnan na damit. Sanay ako sa simpleng kasuotan.

Inalalayan na nila ako papunta sa Banquet Hall kung saan gaganapin ang engagement party. Doon iyon sa may Main Palace mismo, sa East Wing kung saan malapit sa mga offices. Lahat ng formal gatherings kasi ay doon ginaganap.

Pagdating namin sa labas ng hall ay nakita ko agad si Prince Kael na ang gwapo tingnan sa suot niyang black suit. Kahit naman dati pa nung nakikita ko siya sa mga newspaper at TV ay ang gwapo na talaga niya. Hindi ko yun maitatanggi at hindi ko rin maitatanggi na mas gwapo pala siya sa personal lalo na kapag naka-formal na damit.

Nung nakita niya ako ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko nalang pinansin yun at tuluyan ng lumapit sa kanya.

Yumukod ako sa harap niya at sinabing, "Good evening, Your Highness."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko kaya napaangat ako ng tingin para tingnan ang mukha niya. Napansin kong nakatitig lang siya sa akin na parang natulala.

"Prince Kael?" tawag ko.

Hindi pa rin siya kumikibo at napansin ata yun nina Chief Edric at Lady Zia kaya tinawag siya ng mga ito.

"Prince Kael," sabay na sabi ng dalawa.

Doon lang natauhan si Prince Kael saka ito bumaling sa kanila.

"Kanina pa po kayo kinakausap ni Miss Abby, Your Highness." Mula kay Chief Edric ay napabaling sa akin ang prinsipe saka napailing ng ulo.

"L-Let's go," sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

Pumwesto na siya paharap sa pinto. Sinabihan ako ni Lady Zia na tumabi sa prinsipe kaya yun ang ginawa ko. Nakaramdam ako ng awkwardness nung nakatabi ko siya at halos magkadikit na ang mga braso namin kaya umusog ako ng konti palayo sa kanya na kinatingin niya sa akin. Napalunok ako saka umiwas ng tingin.

Bumukas ang pinto ng Banquet Hall kaya doon napabaling ang tingin ko. Nanlaki ang mga mata ko nung makita ang loob. Napakadaming bisita sa loob at lahat ay naka-formal na suot. Ang mga lalake ay naka-tuxedo at ang mga babae ay naka-gown. Maganda ang designs ng event na to at kulay white and gold ang theme dahil yun ang kulay ng mga mesa at upuan.

Nagulat ako nung may humawak ng kamay ko at nilagay iyon pahawak sa isang braso. Napatingin ako kay Prince Kael nung nilagay niya ang kamay ko paikot sa kanya. Nagtaka ako sa ginawa niya.

"I kept telling you that let's walk together but you spaced out so I grabbed your arm and intertwined it with mine," seryosong sabi niya saka naglakad na ng hindi man lang hinintay ang sagot ko.

Nakakapit ang braso ko sa kanya kaya nahila niya din akong maglakad kasabay niya. Wala akong nagawa kundi ang humakbang at sumabay sa kanya papasok sa hall.

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now