Chapter 32: Royal In Law

13.2K 368 12
                                    


Abigail

Kakatapos ko lang makipag-usap sa pamilya ko sa telepono. Simula noong pinayagan na ako ng reyna na gumamit ng cell phone, araw-araw na akong tumatawag sa pamilya ko. Sobrang miss na miss ko kasi sila. Isang buwan na lang ay pwede ko na ulit silang makita. Sana makapagbakasyon kami doon ni Kael para makita ko ulit sina mama.

Binalik ko kay Lady Zia ang cell phone ko dahil tapos na akong gamitin ito. Akmang lalabas na ako ng kwarto no'ng pinigilan ako ni Lady Zia.

"Saan po kayo pupunta, Princess Abby?"

"Sa kitchen. Ipagluluto ko si Kael," sagot ko habang nagtatakang nakatingin kay Lady Zia. "Bakit?"

"Hindi ko po ba nasabi sa inyo?"

"Ang alin?" takang tanong ko.

"Na dadalo kayo ng Grand Exhibit ngayong gabi kasama ang reyna sa National Museum, kaya kailangan niyo na pong mag-ayos para mamaya."

"Ano? Kasama ang reyna?!" gulat na tanong ko. "Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito? Saka bakit ako ang isasama ng reyna?"

Kahit okay na kami ng reyna, mas mabuti pa rin na minsan lang kami magkita para maiwasan ko ang mapagsabihan niya. Feeling ko kasi ay nakakagawa ako lagi ng kapalpakan kapag nandiyan siya. Hindi pa rin talaga ako komportable na kasama siya. Ano pa kaya kung kaming dalawa lang?

"Biglaan po kasi ang invitation na ito. Dalawang tickets ang pinadala ng museum para sa royal family. Dahil hindi pwede si King Reagan, kayo po ang pinili ng reyna na isama mamaya sa event."

"Bakit hindi si Kael?"

"Busy rin po si Prince Kael. Gabi na po siya makakauwi kaya hindi po siya pwede."

Sabagay, madami nga pa lang lakad si Kael ngayong araw. Ako lang ang nandito sa palasyo kaya ako lang ang pwedeng sumama sa reyna. Pero sana talaga hindi na niya ako isasama. Kinakabahan kasi ako lalo na at madami na namang press doon.

"Wala naman akong ibang choice, diba?" Tumango si Lady Zia bilang sagot kaya napabuntong-hininga na lang ako ng malalim saka tinanggap ang balita na ako ang isasama ng reyna mamaya.

Ilang sandali ay dumating ang ilang staff ng palasyo at may mga dala silang damit na pagpipilian ko. Pinili ko 'yong simple lang na dress. Kulay beige ito na abot hanggang ibaba ng tuhod ang haba, short sleeve at may collar na nagmukhang formal. Pinili ko ring isuot ang kulay beige na pumps para tumerno sa dress na suot ko. Si Lady Zia na ang pinapili ko jewelry na isusuot ko. Mabuti na lang at pareho kami ng gusto. Mahilig kami sa simple lang ang tingnan.

"Ang ganda-ganda niyo po, Your Highness!" sabi ni Alexa.

"Sobra!" pag-agree ni Erica. "Kung nandito lang si Prince Kael, siguradong matutulala iyon sa ganda ninyo, Princess Abby."

Natawa ako. "Salamat. Thank you sa pagtulong sa akin sa pag-aayos," nakangiting sabi ko sa kanila.

Bumaba na ako pagkatapos kong mag-ayos. Dumiretso ako sa West Wing kung saan naghihintay ang reyna. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng malaking pinto. Malayo pa lang ako sa kanya pero kita ko na ang kagandahan ng reyna. Napakaganda niya at ang elegante ng dating. Parang hindi siya tumatanda sa sobrang ganda niya lalo na kapag nag-ayos siya ng ganito.

Yumukod ako pagdating ko sa harap niya. "Good evening po, Queen Beatrice."

Tumango siya. "Good evening to you, too, Abby. Are you ready to leave?"

"Opo, Your Majesty."

"Good. Let's go," sabi niya saka nauna nang bumaba ng hagdan at dumiretso sa kotse. Pinagbuksan din ako ng pinto sa kabilang side ng kotse kaya doon ako pumasok. Magkatabi kami ngayon ng reyna sa back seat. Ito ang unang beses na kasama ko siya sa kotse at makakasamang dadalo ng isang event sa labas ng palasyo.

Princess Abigail: A Royal JourneyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ