Chapter 9: Royal Honeymoon

14.5K 396 23
                                    


Abigail

Tahimik akong nakasakay sa kotse. Pareho kaming nasa likod ng kotse ni Prince Kael. Nasa left side siya at ako naman ay nasa right side niya. Ang tahimik din niya.

Tumigil ang kotse na nasa unahan namin kaya tumigil din ang kotse na sinasakyan namin. Napatingin ako sa labas at napansin na nandito na pala kami sa isang exclusive airport na para lang sa royal family.

Binuksan ng guard ang pinto kaya lumabas ako. Napansin ko na ang mga kotseng naka-convoy sa amin ay naka-park na sa harapan at ang isa ay nasa likod ng kotse namin. Lumabas din ang mga guards na nakasakay sa mga kotse na yun para palibutan kami ni Prince Kael para protektahan.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang buhay ko. Ibang-iba ito dati. Dati wala ngang pakialam ang mga tao pag lumabas ako ng bahay. Pero ngayon, pag labas ko ng bahay, may mga nakaabang agad sa akin.

Dinala kami sa isang private plane na naka-park sa gitna ng napakalawak na runway. Inalalayan ako ng staff na umakyat ng hagdan papasok sa plane. May walong malalaking upuan dito sa loob at may mahabang mesa sa likod. Lahat ng gamit dito ay naka-customized at sobrang iba ng itsura kumpara sa regular na passenger planes. Mukhang living room ang itsura nitong unang area na malapit sa pinto. Sabi nila, may kwarto rin daw dito sa loob.

Nalaman ko na sa isang island kami pupunta ni Prince Kael. Ang island na exclusive lang para sa members ng royal family. Sekreto daw ang island na ito at hindi alam ng publiko para na rin sa kaligtasan ng pamilya.

Isang linggo kaming titira doon ni Prince Kael at may mga pinadala silang chefs and maids doon para pagsilbihan kami. May mga royal guards din kaming makakasama habang nandoon kami para may nagproprotekta pa rin sa amin pero konti lang sila kasi yun ang request ni Prince Kael na pinayagan naman ng hari.

Nag-landing ang plane sa isang sementadong lugar at doon ay naghihintay sa amin ang isang kotse na maghahatid sa amin sa villa na tutuluyan namin.

Napangiti ako nung nakita ang kulay blue na dagat at kulay puti na sand. Glass wall ang harapan ng villa kaya kita ang magandang view sa labas. Ang ganda ng lugar kaya sure akong mag-e-enjoy ako dito.

"You look so happy."

Napatangin ako kay Prince Kael na nakatingin sa akin habang nakaupo sa isang couch na nakaharap sa gawi ko.

"Ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganito kagandang lugar at ngayon lang din ako nakapagbakasyon. Hindi ko inakala na makakapunta pa ako sa ganitong lugar dahil ang iniisip ko lang dati ay ang magtrabaho at makaipon para sa pampagamot ni mama."

Napansin ko ang gulat sa mga mata niya pero mabilis ding nawala.

"Make the most of it then. Do whatever you want to enjoy this first vacation of yours. Don't mind me. I will just be here enjoying my books," sabi niya.

Tumango ako sa kanya saka bumaling ulit sa dagat at napangiti na naman. Ang ganda kasi talaga ng tanawin.

Pumunta ako sa bedroom namin at nilabas sa bag ko ang sunscreen at damit panligo ko. Maliligo kasi ako sa dagat. Minsan lang ito kaya lalabisin ko na ang pagkakataon. Pagkatapos kong magbihis at maglagay ng sunscreen ay naglakad agad ako palabas ng villa. Excited akong maligo sa dagat.

"Where are you going?"

Napatigil ako sa paglabas ng villa nung narinig ko ang tanong ni Prince Kael kaya bumaling ako sa kanya.

"Maliligo lang ako sa dagat."

Tumango siya saka tiningnan ang suot ko. "Is that what you are going to wear when you swim?" Tukoy niya sa rash guard shirt and leggings na hanggang tuhod ang haba na suot ko.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon