Chapter 22: Royal Realization

13.6K 395 23
                                    


Prince Kael

Narinig ni Kael ang tunog ng bawat hakbang ng prinsesa dahil sa suot nitong heels. Kaya alam niyang papunta ito sa direksyon niya.

Nagkunwari siyang nagbabasa pa rin ng newspaper pero ang totoo, nawala na ang focus niya sa binabasa nung nasa presensya na niya ang prinsesa. Hindi kasi naging maganda ang mga huling pag-uusap nila kaya ramdam niya na may malaking gap sa pagitan nilang dalawa.

Madami rin siyang gustong sabihin sa prinsesa tulad ng paghingi ng tawad at pagpaliwanag sa kanya kung bakit hindi siya tumulong. Baka kasi gumaan ang pakiramdam nito kapag nagpaliwanag siya.

Nakonsensya kasi talaga si Prince Kael nung nakita niya itong umiiyak sa harap ng reyna kahapon habang pinapagalitan ito. Nakita rin ng prinsipe ang news at mas lalo siyang naawa sa prinsesa. Sino ba naman ang hindi maaawa sa lagay ng prinsesa sa picture? Ramdam na ramdam kahit sa picture ang grabeng emosyon na nararamdaman nito kaya nga siguro marami ang naawa sa kanya.

Ilang beses na niyang nakitang umiyak ang prinsesa at inaamin niya na siya ang madalas na dahilan kung bakit umiiyak ito. Hindi naman niya sinasadya na paiyakin ito. Yan kasi talaga ang problema sa prinsipe, maliit ang pasensya niya at mabilis siyang magalit.

Tuwing na re-realize niya na mali siya, gusto niyang humingi ng tawad pero hindi niya magawa. Para kasing ang hirap pakawalan ang salitang 'sorry' lalo na sa isang prinsipe na katulad niya na hindi sanay humingi ng tawad sa ibang tao. Isang tao lang ang nasasabihan niya ng salitang yun dahil ganun niya ito kamahal. Kaya niyang ibaba ang pride niya para sa taong yun.

Narinig ng prinsipe na kumakain na ang prinsesa kaya naman naisipan niyang silipin ito. Pero pagkababa niya ng konti nung newspaper, nahuli niyang nakatingin sa direksyon niya ang prinsesa. Nung una ay akala niya na sa kanya nakatingin ang prinsesa pero hindi pala, sa newspaper pala ito nakatingin. Biglang naalala ng prinsipe ang picture nito na nasa front page kaya yun siguro ang tinitingnan ng prinsesa. Binaba na niya ang newspaper at tinabi sa gilid para hindi na ito matingnan ng prinsesa. Baka kasi mas lalo itong malungkot. Ayaw na niya ulit na makitang umiiyak ito.

Nagsimula na ring kumain ang prinsipe at nakita niya sa peripheral vision niya si Chief Edric na sinisenyasan siyang mag-sorry sa prinsesa kagaya ng pinag-usapan nila kahapon. Tumingin siya sa katiwala at umiling ng konti para hindi siya mahalata ng prinsesa. Ayaw niya kasing mag-sorry dito. Hindi niya kaya. Pero pursigido si Chief Edric. Pilit niya pa ring kinumbinsi si Kael na mag-sorry sa prinsesa kaya naman walang nagawa ang prinsipe kung hindi ang mag-sorry para tigilan na siya ni Chief Edric.

Pero nung nag-sorry ang prinsipe, nainis lang siya dahil hindi siya pinansin ng prinsesa. Nauwi sa galit ang inis niya nung hindi ulit siya nito pinansin kaya naman kinuha niya ang atensyon ng prinsesa sa pamamagitan ng paghawak ng kamay nito. Hindi ulit niya napigilan ang sarili niya at nasigawan na naman niya ang prinsesa.

Sino ba naman ang hindi magagalit? Binaba na niya ang pride niya kahit mahirap para sa kanya tapos iyon pa ang isusukli sa kanya ng prinsesa. Para tuloy nasagi ang ego niya.

Hindi niya napansin na napalakas ang hawak niya sa kamay ng prinsesa kung hindi siya sinabihan ni Chief Edric. Agad niyang inalis ang kamay niya lalo na nung nakita niyang umiiyak na naman ang prinsesa. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig dahil doon. Mas lalo siyang nakonsensya nung nakita niya ang takot sa mga mata ni Abby. Parang dinurog ang puso niya nung tumakbo ito palayo sa kanya. Ganun din ang nangyari nung gabi na pinagalitan niya ito. Tumakbo rin ito palayo sa kanya dahil sa sobrang takot at galit.

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now