Chapter 16: Royal Sorrow

13.3K 398 26
                                    


Abigail

Kanina pa ako nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Nakatulog naman ako ng ilang oras pero paggising ko ay hindi na ako umalis ng kama. Wala naman kasi akong gagawin dito sa kwarto. Ayoko naman lumabas dito baka may makakita na naman sa akin at magsumbong pa kay Prince Kael. Ayoko pa namang mapahamak si Lady Zia dahil sa akin kaya tiniis ko ang makulong dito sa kwarto.

Napabuntong-hininga na naman ako ng malalim. Ito nalang ang ginagawa ko buong araw dahil bored na bored na ako.

"Your Highness."

Napalingon ako sa pinto kung saan kakapasok lang ni Lady Zia.

"May tawag po kayo. Ang mama niyo po."

Napatingin ako agad sa hawak niyang phone nung sinabi niya yun. Siya kasi ang may hawak ng cellphone ko. Ewan ko ba kung bakit hindi pwedeng ako nalang ang magtago ng phone ko. Kahit si Prince Kael ay hawak rin ng personal assistant niya ang cellphone niya. Bawal din daw kaming mag-open o gumawa ng social media. Para daw iyon sa privacy naming lahat na royal family.

Agad akong napaupo sa kama saka kinuha kay Lady Zia ang cellphone ko.

"Hello, mama?" excited na sabi ko.

"Anak! Kamusta ka na, anak? Miss na miss ka na namin dito sa bahay."

Bigla akong nakaramdam ng pananabik sa puso ko nung narinig ko ang boses ni mama. Sobrang miss na miss ko na siya. Ito na ata ang pinakamatagal na nahiwalay ako sa kanila. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot nung naalala ko ang pamilya ko.

"Miss na miss ko na rin kayo, ma. Kamusta po si papa? Si Astrid?"

"Okay naman sila lalo na ang papa mo. Masaya siya sa bago niyang trabaho. Yung kapatid mo, ayun masaya rin siya dahil matutupad na ang pangarap niya."

"Anong pangarap po yun, ma?"

Ang dami kasing pangarap ang kapatid ko kaya nga natutuwa ako dahil may mga ambisyon siya sa buhay na gustong makamit. Pareho kami na ayaw manatili habangbuhay sa pagiging mahirap.

"Ang makapag-aral sa Amrika, anak."

Napakunot ang noo ko. "Pupunta ba si Astrid sa Amrika, mama?"

"Hindi lang siya kundi pati rin kami, nak. Teka, hindi ba nila sinabi sa 'yo ang tungkol diyan?" takang tanong ni mama.

"Wala po silang sinabi sa akin."

"Ganun ba? Akala ko alam mo na. Sinabi kasi ng reyna na sa Amrika na raw ako magpapatingin sa isang magaling na doctor doon. Doon daw muna kaming tatlo habang nagpapatingin ako sa spesyalista. Next week na nga agad ang alis namin, nak. Sila na ang nag-asikaso ng lahat para sa amin."

Nagulat ako sa narinig. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa wakas ay matutupad na rin ang hiling ko na mapagamot si mama o malulungkot dahil aalis sila at hindi man lang ako kasama. Ang layo-layo kaya ng Amrika. Pero pasalamat nalang ako dahil tinupad ng hari at reyna ang pangako nila sa akin na hindi nila papabayaan ang pamilya ko.

"Ganun po ba," mahinang sabi ko. "Anong araw at oras kayo aalis next week, ma?"

Sinabi sa akin ni mama ang lahat ng detalye ng flight nila. Sinabi niya rin sa akin ang address kung saan sila titira doon. Pati ang school na papasukan ni Astrid doon ay sinabi rin niya sa akin. Natutuwa ako para sa pamilya ko dahil unti-unti ng gumiginhawa ang buhay nila. Makakapunta pa sila sa ibang bansa at doon pansamantalang titira. Ni sa panaginip ko ay hindi ko inakala na mangyayari ito sa buhay namin. Dapat ba akong matuwa sa sarili ko dahil pumayag ako na magpakasal sa prinsipe?

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now