Chapter 49: Royal Source

4.8K 172 10
                                    


Prince Kael

Ilang linggo ng nag-iimbistiga si Kael tungkol sa nangyari sa asawa niya. Iyon ang pinagkakaabalahan niya bukod sa trabaho. Bawat araw na lumilipas ay binibilang niya dahil gusto niyang makita na ulit ang asawa. Kapag nahanap na kasi niya ang asawa, dapat ay may resulta na ang imbistigasyon dahil alam niya na iyon ang isa sa mga bagay na gustong malaman ng asawa niya mula sa kanya. Umaasa siya na makakatulong iyon sa pagbati nilang mag-asawa.

"Your Highness."

Napaangat ng tingin si Kael sa lalakeng pumasok sa opisina niya.

"Nasa labas na po si Anthony."

Napatango si Kael. "Papasukin mo siya."

Napaayos ng upo si Kael habang hinihintay na pumasok ang bisita niya. Siya ang taong inatasan niya na bayaran para mag-imbistiga bukod kay Jacob. Alam ito ng hari pero hindi ni Kael pinapaalam sa hari ang lahat ng impormasyon na nakalap niya. May tamang panahon para rito, isip niya.

"Anthony," salubong niya.

Yumukod si Anthony sa harap niya bago umupo. "Prince Kael, may kailangan kayong makita," sabi nito saka nilagay sa desk ang mga litrato na dala niya.

Kinuha iyon ni Kael para tingnan isa-isa ang mga litrato. Napakunot ang noo niya nung makita kung sino ang nandoon.

"Dahil hindi namin ma-trace ang identity ng lalake, si Elena ang sinundan namin at kinuha rin namin lahat ng impormasyon na pwede nating mapakinabangan tulad ng bank account transactions and phone call history niya. Nahanap namin na ang huling tao na tinawagan niya nung araw na iyon ay nagngangalang Tomas Isidro. Nalaman namin kung saan siya nakatira at kung ano ang trabaho niya. Nakita ko rin na may pumasok na pera sa banko niya mula kay Elena. Dahil sa mga ebidensya na ito ay malaki ang posibilidad na may kinalaman siya at si Elena sa nangyari kay Princess Abby. Kung papahintulutan po ninyo na puntahan namin si Tomas para kausapin, gagawin ko po. Nasa inyo ang desisyon."

Nakatitig pa rin si Kael sa litrato habang nakikinig kay Anthony. Tiningnan niya ng mabuti ang itsura ng lalake sa litrato. Hindi ito pamilyar sa kanya. Hindi pa siguro niya ito nakita dati. Pero base sa litrato, mahirap lang ang lalake dahil ang liit ng bahay nito sa litrato kaya siguro pinatulan niya ang bayad sa kanya para gawin iyon.

"Have you seen him with Elena?"

Umiling si Anthony. "Hindi ko po nakita. Mukhang maingat sila. Wala akong nakita na pagkakataon na nakaharap niya si Elena o si Yvonne pagkatapos ng nangyari."

Napabuntonghininga si Kael at seryosong tumingin kay Anthony.

"I am giving you a go signal to speak to him. If he does not want to admit, give him a tempting offer that he cannot resist."

Napatango si Anthony. "Masusunod po, Your Highness."

Binaba ni Kael ang litrato at napasandal sa upuan niya. Mukhang malapit na niyang malaman kung sino ang totoong may pakana ng nangyari. Lahat ng ebidensya na nakalap niya ay tumuturo kay Elena pero hindi siya pwedeng mag-conclude hanggat hindi pa ito kumpirmado ng buo.

Bumaling ulit si Kael sa lalake nung tumayo na ito mula sa upuan.

"May kailangan pa po ba kayong malaman bago ako umalis, Your Highness?" magalang na tanong nito.

Mula sa seryosong mukha ay lumambot ang itsura ni Kael nung may maalalang gustong-gusto niyang itanong kay Anthony.

"Do you have an update regarding my wife?"

Bukod sa nangyari sa building, pinahahanap din ni Kael kung nasaan ang asawa niya. Hindi ito alam ng hari o reyna. Tanging silang dalawa lang ni Anthony ang nakakaalam tungkol sa bagay na ito.

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon