Prologue

30.6K 667 31
                                    


Abigail

"Pakisabi nalang po kay Astrid na huwag siyang mag-alala dahil bibilhan ko siya mamaya ng bagong sapatos niya."

Kausap ko si mama sa phone habang naglalagay ako ng mga orders ng customer sa tray na nakapatong sa kitchen counter. Nasa trabaho kasi ako at isa akong waiter dito sa restaurant na pinapasukan ko.

"Sige, sasabihin ko sa kanya."

"Yan na lahat ang orders ng customer mo, Abby," sabi ng isa sa mga cooks dito sa kitchen.

Napatango ako sa kanya at nagpasalamat saka inipit ang phone ko sa pagitan ng balikat at tenga ko habang inaayos ko ang mga dishes na nakalagay sa tray para magkasya lahat.

"Ma, tawagan nalang kita mamaya. Kailangan ko ng magtrabaho baka pagalitan ako dito."

"May isa pa akong sasabihin. Wala narin tayong bigas, anak. Kung meron kang pera baka pwede mong madaanan mamaya sa tindahan pero kung wala naman ay okay lang din. Sanay naman tayong kumain ng walang bigas," nahihiya na sabi ni mama.

Napabuntong-hininga ako ng malalim pero hindi ko yun pinarinig kay mama. "Okay, ma. Magpahinga na po kayo diyan at wag kayong mag-alala sa gastusin. Ako na ang bahala."

"Salamat, anak. Pasensya kana talaga. Kung pwede lang sana akong magtrabaho eh di sana natutulungan kita sa gastusin sa bahay kayo ng papa mo---"

"Abby, naghihintay na ang customer mo ng orders nila. Pakibilisan daw," sabi ng kasamahan kong waiter sa akin.

Tumango ako sa kanya saka kinausap ulit si mama. "Ma, huwag niyo na pong isipin yan. Magpagaling lang kayo, okay? Sige na, ma. Ba-bye na po muna," paalam ko saka binaba na ang tawag at nilagay na ang cellphone ko sa bulsa ko.

Kinarga ko na ang tray na puno ng pagkain para dalhin sa customer. Binilisan ko kasi alam kong naiinip na sila kakahintay. Ayoko naman mainip sila at baka magalit. Baka hindi pa ako bigyan ng tip. Ngayon pa na kailangan na kailangan ko talaga ng pera dahil ang daming gastusin sa bahay. Ako lang kasi at ang papa ko ang nagtatrabaho para sa pamilya namin. May sakit kasi sa puso si mama at bilin ng doctor na bawal siyang mapagod kaya pinagpahinga namin siya sa bahay baka kasi mahimatay na naman siya pag sobrang na pagod. Mahina kasi ang puso ni mama at lumalala ito habang tumatanda siya kaya pinasya naming sa bahay nalang siya.

Ako ang panganay sa aming dalawa ng kapatid kong si Astrid. High school pa lang ang kapatid ko at kami ni papa ang nagpapa-aral sa kanya. Hindi naman kasi kalakihan ang sweldo ni papa dahil isang messenger lang siya ng isang companya kaya kinailangan ko ring magtrabaho para tulungan siya sa mga gastusin lalo na at mahal ang mga gamot at check ups ni mama. Yan din ang dahilan bakit hindi na ako nag-college. Kailangan kong magtrabaho agad para sa pamilya ko kaya high school lang ang natapos ko.

Nagtrabaho ako agad bilang isang saleslady sa mall pero hindi ganun kalaki ang sweldo kaya pagkatapos ng isang taon ay lumipat ako bilang isang waitress sa restaurant na kung saan ako nagtatrabaho ngayon. Medyo malaki kasi ang sweldo ko dito dahil narin may kasamang tips mula sa mga customers. Minsan malaki ang bigay nila pag maganda ang serbisyo at pag mabait ang customer. Nakakapagod ang trabaho ko dito pero okay narin. Mag-aapat na taon na ako ditong nagtatrabaho. Mababait din kasi ang mga katrabaho ko kaya nagtagal ako dito.

Naging busy ako buong gabi dahil ang daming customers pag dinner time na. Nung nagsarado na ang restaurant ay saka lang ako natigil sa kakalakad.

Trabaho kong ayusin ang mga mesa at upuan bago umuwi kaya ito ang ginagawa ko ngayon kasama ang mga katrabaho kong waiters na nagpupunas din ng mga mesa at upuan.

"Abby, tara na. Uwi na tayo. Tama na yan. Malinis na yan," sabi ni Britta. Siya ay kasamahan kong waiter dito.

Ngumiti ako sa kanya saka tumango. Sumunod ako sa kanila papunta sa locker room namin para kunin ang gamit namin bago umuwi. Nung makuha na namin ang mga gamit namin ay lumabas na kami ng locker room. May naalala ako kaya humarap ako kay Britta saka sinabing, "Mauna kanang umalis. Kakausapin ko muna si Maam Joan."

Princess Abigail: A Royal JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon