Chapter 14: Royal Pain

13.7K 414 25
                                    


Abigail

Hindi pa dumating sina Lady Zia sa kwarto ay nagising na ako. Maaga akong nagising dahil hindi naman talaga ako nakatulog ng maayos dahil ang sakit ng likod ko.

Ikatlong beses ko na itong natutulog sa couch kaya siguro sumakit na ang likod ko. Hindi kasi ako makagalaw ng maayos pag natutulog at hindi ganun ka komportable ang pwesto ko pag natutulog. Lumipat pa nga ako kanina sa sahig at saka lang ako nakatulog pero hindi tumagal ay nagising na naman ako dahil hindi pa rin ako komportable sa hinihigaan ko.

Pumunta ako sa banyo para maligo. Hindi ko na sila hinintay kasi kaya ko naman maligo mag-isa. Natutulog pa si Prince Kael kaya maingat ako sa mga galaw ko. Sensitive pa naman iyon sa ingay at liwanag. Ayoko na magising ko siya lalo na at maaga pa. Siguro mga 5am pa lang ng umaga. Ang alam ko, six in the morning siya usually nagigising.

Pagdating ko sa shower ay binuksan ko agad ang shower knob saka naligo. Maingat ako sa mga galaw ko dahil ang sakit talaga ng likod ko. Napapaaray ako pag kailangan kong yumuko o kaya pag may kailangan akong abutin na gamit na nasa taas nakalagay. Hindi na rin ako masyadong nagsabon ng likod ko dahil hindi ko maabot ang likod ko na hindi ito sumasakit.

Pagkatapos kong maligo ay inabot ko ang bath robe ko para isuot ito. Sunod kong inabot ay ang hair towel ko saka nilagay sa ulo ko para patuyuin ang buhok ko. Noong matapos na ako ay lumabas na ako ng shower at nakadalawang hakbang pa lang ako nung nadulas ako dahil basa pala ang sahig na naapakan ko. Naglikha ng malakas na ingay ang pagkatumba ko sa sahig dahil tiles ito at malakas ang impact ng pagkakabagsak ko. At hindi lang yun, mali yung kinapitan kong gamit kaya naglaglagan at nabasag ang mga nakapatong doon sa shelf kaya naglikha ito ng sobrang lakas na ingay.

Napa-aray ako dahil sa sobrang sakit ng balakang ko at mas lalong lumala ang sakit ng likod ko. Naiyak ako bigla nung sinubukan kong gumalaw. Ang sakit-sakit kasi. Hindi ko alam kung paano ako makakatayo sa lagay kong ito.

"Lady Zia..." mahinang sabi ko habang namimilipit sa sakit.

Marahas na bumukas ang pinto ng bathroom ko kaya napatingin ako doon. Nakita ko si Prince Kael na naka-pajamas pa at mukhang natatarantang may hinahanap. Nung mapunta ang tingin niya sa akin ay nanlaki ang mga mata niya sa gulat at mabilis akong nilapitan.

"Abby! What happened to you?! And what happened here?" Tiningnan niya ako mula paa hanggang ulo at nung mapunta ang tingin niya sa mukha ko ay nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. "Are you okay?? Well, obviously you are not okay. Come on. I will take you to the bed."

Nung hinawakan na niya ako para kargahin ay napaaray ako kaya tumigil siya.

"What's wrong?"

Naiiyak akong sumagot. "Ang sakit..."

"But you can't stay here on the floor. I will bring you to the bed, and I will call the doctor to check on you." Kinarga niya ako kaya napapaaray ako at lalong napaiyak pero parang wala lang sa kanya.

"Prince Kael, masakit. Huhu. Ibaba mo na ako," pakiusap ko sa kanya.

"I can't."

Wala akong nagawa kundi ang umiyak at tiisin ang sakit ng katawan ko.

Bago niya ako mailagay sa kama ay biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin sina Lady Zia, Chief Edric, Alexa at Erica. Gulat silang nakatingin sa amin pero noong mapunta ang tingin nila sa akin ay nakita ko agad ang pag-aalala sa mukha nila kaya lumapit sila agad sa akin.

"Ano pong nangyari, Your Highness?" sabay na tanong nina Lady Zia at Erica.

Napangiwi ako nung binaba ako ni Prince Kael sa kama. Malambot na nga ang hinihigaan ko pero masakit pa rin ang katawan ko lalo na ang likod ko.

Princess Abigail: A Royal JourneyWhere stories live. Discover now